Tyler's PoV
"Debut Cater? Saan to?"tanong ko sa tumawag na resort saken
"Opo Sir, Dito po sa Batangas, nirecommend po kase ng resort ang mga pagkain niyo kase daw po masarap and nagustuhan po ng client kaya gusto niya po na kayo ang mag cater"
"Ah ganun ba, sige sige salamat...Kailan ba to?"
"Bukas po Sir"
"Okay then, We'll be there tomorrow"
"Opo sir,We'll email you the other information po"
Mukhang malaking araw bukas ah, mag cacater kami sa isang debut
Nako malaki laki rin ang income dito lalo na big event
Sinabihan ko na ang mga tao ko tungkol sa catering na yun at ready na kami papuntang Batangas
Sino naman kaya ang maswerteng anak na engrande ang debut at sa Batangas pa talaga
Avery's PoV
Mga bandang 4:00 nandito na sila Raine, Brianna, Aevhan, Josh at Ash dala na nila ang mga gamit nila
"Manong, 'di pa po ba tayo aalis?"tanong ko
"Ay nako maam itong Bentley po ang gagamitin namin sabi ni maam"
"Ha? Eh paano kami kuya?"
"Kasya tayo jan"sabi naman ni Josh
"Si Raine sa tambutso, Si Ashton at Avery sa compartment, Si Brianna dun na sa isang gulong tas sa kabila naman si Aevhan tas dun ako sa tuktok oh diba tara na"dagdag pa niya
"HAHAHAHAHHAHAHAHA"
"Isuksok kita sa makina eh!"sabi ni Raine sakanya
"May nirentahan po si maam na Camper Van po, doon daw po kayo sasakay at mag coconvoy nalang kami"
"Magandang araw ho, eto po ba ang Brett's Residence?"
"Ayan na pala oh"sabi ni Ash
Nakapag palit na pala kami ng mga damit namin
Since resort yun, nag off shoulder ako tapos yung bathing suit sa loob then denim shorts tsaka tsinelas. Si Ash naka plain black na shorts tapos white na polo na open ang first 3 buttons sa taas tapos naka tsinelas lang din siya
Pumasok na kami sa loob ng van
"Woah ang ganda"
"Truee 'di na ata ako magpapatayo ng bahay"
Mukhang bahay kase yung loob, malaki, pwede kang tumayo
May CR, may mini kitchen kung saan may ref din, may pintuan din sa likod kung saan may higaan tapos may mga upuan din naman dito sa mismong pag pasok para bang mini couch
Yung apat pumunta sa likod, sa may higaan kase mag nenetflix and chill daw sila
Sabi ko naman kay Ash, dito nalang kami kase gusto ko maenjoy ang view lalo na gagabihin kami sa daan
Dito ako malapit sa bintana naka upo at katabi ko si Ash
Naka sunod naman sa likod namin sila manang kasama nila si Bella
Syempre sabi ko 'wag nila iiwan si Bella dun kase walang naiwan sa bahay, walang magpapakain sakanya
"Are you sleepy yet?"sabi niya saken
"Hindi naman"pero traydor yung bunganga ko at humikab
"HAHAHAHA hindi pala ah"sabi niya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya, naka wrap ang braso niya sakin

BINABASA MO ANG
Nostalgic Hiatus
Teen FictionThis story is all about an orphan who was luckily adopted and was given an ideal life she deserves.Everything seems so right not until she'll meet the Campus Hearthrob slash Playboy slash Heartbreaker.Unexpectedly, as they go through their senior ye...