Chapter 33

11 0 0
                                    

Avery's PoV

Wala namang bago, nag disscuss lang ulet tapos nag tanong sila ng size para sa t-shirt for the Intrams

Each grade level daw kase need magpaprint mg shirt to distinguish daw kung sino mga junior, sophomores, seniors and college

'di kasali ang college sa pageant, kase advantage nila yun pag kasali pa sila

Last subject before breaktime, pumasok na si Sir

"You may use this time to brainstorm on what booth you will make, there are no limitations or rules as long as everyone will enjoy"

After niya mag announce ng gagawin, bumalik na siya sa faculty

"Guys eh kung marriage booth kaya?"suggest nung isang pabidang kaklase namin

"Boba! Intrams yun! INTRAMS! hindi Valentine's Day!"sigaw nung pres namin

"Eh kung magbenta nalang tayo ng mga sweets ganon tas pastries"suggest ni Raine

Oo nga no,better kesa naman sa marriage booth kaloka atih

"Tapos gawa tayo ng photo booth para sa mga bibili lang"

"Okay nice! Message ko nalang sa gc mamaya yung mga materials na gagamitin"

They're really excited, I'm somehow excited too

*kring*

Breaktime na,pumunta kami ni Ash sa canteen para bumili ng snacks

Yung soyamilk at lumpia lang yung binili ko, nahiya naman ako sa healthy lifestyle netong kasama ko...tubig at yung burger ang binili niya

Inubos na namin sa cafeteria yung mga binili namin bago pumunta sa locker para kunin yung heels

Mag rerehearse daw kase kami ngayon with heels pati sa pag sayaw

Buti nalang talaga medj napractice ko na 'to, at buti nalang walang maraming ikot ikot yung sayaw kase doon ako nahihirapan yung pag ikot ng naka heels

"Magpapageant ka ba Ms.Mendoza o maglalakad sa beach? 3 inches and above ang preferable na heels na gagamitin"

"Masaket po kase yung paa ko ngayon"

"Papalampasin ko yan ngayon Ms.Hailee, pero bukas siguraduhin mong totoong heels na yung gagamitin mo, Okay candidates, in your formation now!"

Nagpractice lang kami ng mga tatlong beses sa sayaw at tatlong beses din sa by pair na pag rampa

Maaga tinapos ang practice namin para maaga kami makapaglunch at makapag ayos para sa photoshoot

"Alam kong ako naman ang gusto mo pero anong gusto mong kainin for lunch?"tanong ni Ash saken, nasa cafeteria kami

"Waw ha! Ang hangin hooooo grabeee!"

"Hoy teka lang 'di ko pa nasasabi yung order ko!"sabi ko,nag order na kase siya

Bumalik siya na may hawak na dalawang tray ng pagkain

"Favorite mo lahat 'yan diba? Ubusin mo 'yan okay"sabi niya saken

May sweet and sour na meatballs, may pork steak and may fried chicken

"Lintek ang dami! Baka 'di ko na masuot yung damit ko mamaya HAHAHAHA"sabi ko sakanya

"Ang daming dada just eat Xyielvien Avery" he glared

"Yes boss!"

1:40 nung natapos kami maglunch,nandito kami ngayon sa locker room ng boys kase kinuha ni Ash yung mga gagamitin niya, umupo ako sa may upuan na sadyang pinagawa para sa mga mag lolocker

Kanina pa kase ako naka heels, 'di ko na tinanggal kase ang hassle kaya yun saket ng paa ko

"Are you okay?"tanong ni Ash saken at lumapit pagkatapos niyang isara yung locker niya

"I'm fine"

"No you're not, who told you to wear that high heels the whole day huh?"sabi niya at nagkneel siya sa harap ko at tinanggal yung heels ko saka niya minassage yung paa ko

Kahit papano, naginhawaan naman yung paa ko

"Ba't alam mo yung mga ganyan ha"tanong ko sakanya

"What? I have mom duh and whenever she got home from the office she's always asking me to massage her feet"

"Okay na, tara na mag aayos pa ko"

"Wag ka mag over ayos ha"

"Bakit? Kase baka mas mainlab ka saken?"

"Hindi, baka magmukha kang chakadal HAHAHAHAHA"

"leche ka!"

Nagriring pala yung phone ko

"Anak, nandito kami sa gym, dito daw gaganapin ang shoot niyo kaya sabi nung prof niyo dito nalang mag ayos"

"Okay mommy, otw na kami"

"Sila tita?"tanong niya saken

"Yup, nandito na daw sila"

Nung nakarating na kami sa gym, nakita na namin doon yung mga kanya kanyang make up artist ng mga candidates, naka set up na rin ang pag pipicturan

"Anong trip mo naman daw ma at naka aviator shades ka pa jan"

"Aba siyempre baka mamaya habulin ako ng mga tao jan sa labas no"

Famous struggles 101 HAHAHAHAHA

May hairstylist din si Ash

Nagsimula na yung make up artist ni mommy na ayusan ako

Inuna niya yung buhok ko na inayos, cinurl lang niya yung dulo ng hair ko tapos nilagyan niya ng pearl clip yung isang side

After niya ayusin yung buhok ko, nag proceed na siya sa make up

Konting foundation lang ang ginamit niya kase okay naman daw ang face ko, walang maraming blemishes na dapat takpan. Fresh look lang ang ginawa niya saken, glittery orange na may pagka light reddish pink yung eyeshadow tapos nilagyan niya 'ko ng eyeliner at yung false lashes, nagchange din ako ng ibang color ng contacts. Brown yung color na pinagamit saken.Nude shade naman sa lipstick

After niyang iset yung make up ko, nagpalit na ako. Buti nalang nag off shoulder na ko kanina at hindi ako mahihirapan sa pag tanggal ng uniform

Simple lang yung damit ko, walang maraming details...Plain blue lang na paflow na gown na may slit sa gilid tapos yung style ng cut sa harap ay medyo pa v neck pero hindi naman plunging neckline tapos manipis yung tali sa both shoulder (parang sleeveless na top ganon) then bare back.

Nilagyan ako ni mommy ng necklace na silver na simple lang naman, nung natapos na ko ayusan, pinuntahan ko na si Ash

Naka brush up ang style ng buhok niya tapos nilagyan lang siya ng konting powder at lip tint para mas ma enhance yung color ng lips niya

Nag picture muna kami sa phone niya saka kami pumunta sa mga kasama namin

Si Heilee naka red na cocktail na gown, tube ang cut ng suot niya, naka high pony tail siya tapos iba na rin yung heels niya, naka wedge siya

Nagsimula na ang photoshoot

Individual muna then by pair....

Nostalgic HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon