Avery's PoV
Hayst panibagong araw nanaman. Papasok nanaman ako sa school
"Anak, ang daming missed calls ni Josh saken pero 'di ko nasagot kase tulog ako ng mga oras na 'to eh tsaka 'di ko rin matawagan number nila kase naka Phil. Code sila"bungad saken ni daddy ng matapos kong hugasan ang pinag kainan ko ng almusal
"Baka mangungulet lang po mga yun na i unblock ko sila"sagot ko naman
"Siguro nga, sabagay baka na mimiss ka na rin nila"
"Sus, miss miss 'di ko naman sila miss. Sige po daddy alis na po ako. Naghihintay na po si Jess doon sa labas"paalam ko at matapos kong humalik kay daddy eh lumabas na ko ng bahay at pinuntahan si babaita
"Ba't ba kailangan na ang aga natin pumasok ngayon?"tanong ko sakanya habang nagdadrive na siya papuntang school
"May announcements daw si madam president"sagot naman niya saken
"Jusko, alas syete ng umaga?"
"Kaloka nga teh eh, 'di pa ko nakaka breakfast hmp"reklamo niya HAHAHAH
"Daan muna kaya tayo ng starbucks?"
"Ay bet! Sige! Maaga pa naman. 5:30 palang naman"
Oo! Madaling araw kami umalis ng bahay
"Oh bakit parang iba ata tong dina anan natin ngayon baks? Nako mamaya kung saan mo ko dalhin tas pagsamantalahan mo ko ah!"
"Gaga ka! Mas girl pa ko sayo duh! Ayaw ko lang dumaan sa may shortcut kase nakakahiya sa ginawa mo kahapon. Baka ina abangan tayo nung may ari ng bahay sa baba ng cliff mahirap na no!"
Ay oo pala HAHAHA shetengene nakakahiya yun no! Sobraaaa
"So saan tayo dadaan?"
"No choice, national road"
Mga 5:55 kami naka rating ng Starbucks kase mas mahaba haba tong national road compared sa araw araw naming dinadaanan
"Good day ma'am and sir! May I get your orders please?"sabi nung babae at nginingitian kami
"1 Iced grande skinny vanilla lattesabi ni Jess
"How about you maam?"
Nung sinabi ko yung gusto ko naknamputek unavailable daw
"Chocolate Frappe isn't avaible for a while ma'am, why not try other drinks ma'am"
"Tall hot chocolate with soy milk and no whip then"
"Okay ma'am and sir your orders will take 5 minutes to prepare"
Naghanap na kami ni Jess ng table at nagchikahan habang hinihintay ang orders namin
"Buti nalang teh 'di ka na ginugulo no"sabi niya saken
"Buti kamo, 'di nila alam kung nasan ako kase once na malaman nila baka mamaya sundan ako dito"
"Pero pano pag nalam----"
"Orders for table 3 and table 6 are now ready, kindly get your orders here at the counter thank you"
"Ano ulet yun?"
"Pano 'pag nalaman nila na andito kayo sabi ko"ulit ni Jess sa sinasabi niyang naputol kanina
"Teka lang kunin ko lang orders natin"sabi ko at tumayo na para kunin ang tray ng orders namin saka nilapag sa table
"Thank you sis!"sabi niya at nagsimula ng kainin ang sandwich niya
"Di mangyayari yun. At kung mangyari man, 'di parin ako sasama sakanila. No way! Tsaka never akong babalik sakanila no!"sabi ko naman
"Ganto ba talaga lasa netong hot choco vakla?"tanong ko sakanya
"Bruha ka! di naman kase chocolate yan!"
Tinignan ko yung cup na kinalalagyan ng iniinuman ko at 'di nga siya hot chocolate at 'di ko rin pangalan ang nakalagay
"Sino si B.M?"
"Aba malay ko, napalit sa iba yung order mo HAHAHA awit sayo! Pinagpalit ka na nga tapos pati order mo napapalit pa sa iba WAHAHAHAHAHA"asar niya saken
"Nyenye! Buset ka! Teka lang sabihin ko lang doon"sabi ko at tumayo na
May lalake din na nauna doon kase dun ako pumwesto sa tabi niya since dalawang lane yun
"Uhm excuse me miss?"
"Yes maam?"
"I think, you gave me the wrong cup. I ordered Hot chocolate but I received Caramel Frappe"
"Same goes with me"sabi netong katabi ko
"Oh I'm so sorry ma'am, sir I accidently switched your orders"
"It's okay with me, what about you?"ngiting sabi netong katabi ko
Tinignan ko yung hawak niyang cup at Avery ang nakalagay
"Ah uhm i-it's fine! It isn't bad to try something new right?"sabi ko nalang
Jusmiyo ginoo! Mapapalaban ako sa englishan dito eh!
"Yeah and besides, this tastes good so there's no problem with me"sabi niya at nginitian ulit ako
"Oh okay, excuse me, my friend must be looking for me"
"Well then, nice to meet you Avery"sabi niya at bumalik na rin sa table niya at bumalik na rin ako sa table namin ni Jess
"Oh ba't ang tagal mo? Ansabe?"
"Napagpalit daw sa order ng kabilang table pero okay lang kase nainuman na din nung nag order"sabi ko at inubos na yung order ko
6:30 na kami natapos ni Jess at 6:50 na kami nakarating sa school. Sakto naman kase pagkadating ko sa classroom eh mga 3 minutes before 7:00
Niyakap naman ako agad ni Ara pagka lapag ko ng bag ko sa upuan ko
"Why are you so late? hmp"sabi niya at bumitaw sa yakap
"HAHAHAH I'm just on time. It's just you who came so early"sabi ko naman sakanya
"My brother didn't let me go with him because he told me that he wants to be alone so I had to wait for the bus early in the morning "
HAHAHAHAHA ang kyut niyaaa para siyang batang nagsusumbong na naagawan ng lollipop HAHAHAHHA
"Okay students, we are all advised to go to the lawn area for the announcements"sabi nung prof namin
Kala ko magchichismisan din sila dito gaya sa Pinas pero walang sabi sabi ay sumunod yung mga estudyante kaya sumunod na rin kami ni Ara
Pupuntahan sana namin si Jess pero kailangan by section ang pila at mga grade 12 lang ang nandito pero marami din kase kami kaya medyo sakop namin tong lawn
"Your graduation is getting nearer. Soon, you'll separate ways for you have to attend different universities"
Awww oo nga pala mag ka college na kami hayst. Ano ba yan. Kaka kilala ko palang kila Jess at Ara.
Hayst lagi nalang bang ganto? Laging panandalian lang na nakakasama ko yung mga taong gusto ko magstay?
"And I don't want you my dear Royalties to leave this university without knowing one another so I've decided to let you experience a school retreat"
Ayan na usap usap na mga estudyante. Pero ba't ganun? Ang ganda tignan ng chismisan nila 'di gaya doon na ang panget tapos may kasamang pang babash pa
"Your retreat will be 4 days and 3 nights. Don't worry because teachers will be with you and later on, we will provide waivers for your parent's consent. Further updates will be announced by your teachers. That would be all. You may now go back to your room. Thank you and long live."
After nun ay bumalik na kami ng classroom para mag klase
BINABASA MO ANG
Nostalgic Hiatus
Novela JuvenilThis story is all about an orphan who was luckily adopted and was given an ideal life she deserves.Everything seems so right not until she'll meet the Campus Hearthrob slash Playboy slash Heartbreaker.Unexpectedly, as they go through their senior ye...