Ashton's PoV
Nung nalipat na siya sa kwarto niya, nag stay ako doon pero tumawag na si mommy na kailangan ko ng bumalik ng Manila kase may pasok pa bukas. Nagpumilit pa ko pero wala na rin akong nagawa
Nauna na sila Josh, Aevhan, Brianna at Raine kanina na bumalik ng Manila. Nalimutan ko rin ipa alam sakanila yung situation ni Avery kaagad kase sobrang nag aalala ako sakanya.
"Tita, tito una na po kami"paalam ko sakanila
"Sabay na ako sainyo iho, padrop nalang ako sa hotel, kukuha ako ng damit"
"Ah sige po tita"
Si tito ang naiwan na magbabantay sakanya kami naman, umalis na kami ng ospital at pumunta ng hotel para na rin kunin ang mga gamit ko
Nung naayos ko na ang mga gamit ko, pinuntahan ko si tita sa kabilang kwarto para sabihin na mauna na ako
Alas tres na ng hapon at baka matraffic pa kami sa daan
"Go ahead anak, magpapahatid nalang ako kay Arman mamaya"
"Sige po tita"
"Ingat kayo"
Laine's PoV
Pinuntahan ko si Avery sa kwarto nila pero sabi nila Raine ay may mineet daw sa coffee library at saktong mag cocoffee naman si Ash doon kaya sabay na kaming pumunta
Nagulat ako ng makitang magkasama si Tyler at Avery na lumabas galing sa coffee lib.
Ang mas kinagulat ko pa ay nung sabihin niyang alam na niya ang totoo
Hindi ko alam pero takot na takot ako sa mangyayari ngayong alam na niya
Dahil na rin siguro sa galit niya ay nasigawan niya ako kanina kaya nasampal ko siya. 'di ko inasahan na mag wowalk out siya at biglang tumawid ng hindi nagmamasid sa kaliwa't kanan kaya siya nabangga
Sobrang pagsisi ang nararamdaman ko ngayon. Napaka sama kong nanay para ganunin ang anak ko. Kaya dapat kong ihanda ang sarili ko dahil alam kong anytime kamumuhian na ako ng anak ko
Hindi ko alam.....
Hindi ko na alam.....
Nang mahatid ako sa ospital ay dumiretso na agad ako sa kwarto niya
Tulog parin siya kaya naisip ko na kausapin si Tyler
"Bakit mo sinabi?"sabi ko ng hindi tumitingin sakanya
"Kase deserve niyang malaman"
"Bat 'di mo manlang pina alam sakin na sasabihin mo na pala sakanya? Bakit bigla bigla kang gumagawa ng----"
"Ilang beses Xherlaine! Ilang beses akong pababalik balik sainyo, ilang beses akong tumatawag sayo, nakiki usap na ipakilala mo na ako sa anak ko pero pinagtatabuyan mo ako! Tapos ngayon sasabihin mong 'di kita sinabihan?"
"Wag mo akong tinataasan ng boses! Kasalanan mo lahat ng 'to! Kasalanan mo kung bakit nandito ang anak ko! Kasalanan mo 'to! Kung hindi ka sana nagpadalos dalos edi sana hindi siya nabangga! Okay na kami eh! Tapos babalik ka para mang gulo?"
"May karapatan ako! Dahil anak ko rin siya! Sino bang nagsabi na ilihim lahat ng 'to? Hindi ba ikaw?"
"Hindi ko sinabi dahil hindi deserve ng tarantadong ama gaya mo na malaman pa ang tungkol sa an----"
Avery's PoV
Ouch,ang saket ng ulo ko. Siguro dinala nila ako sa ospital dahil ang daming naka kabit saken na kung ano ano
At tignan mo nga naman, unang bungad yung manloloko agad
"ANO BA?!!! ANG INGAY INGAY!!"sigaw ko kahit na nanghihina na ako
Lumapit naman agad si daddy saken
"Thank God, gising ka na anak!"sabi niya saken at hinalikan ang ulo ko
"Daddy..."
"Avery! My daughter, nandito na si mommy!"sabi ni Xherlaine at lumapit saken at hinawakan ang kamay ko
"Bitiwan mo ako" kalmadong sabi ko pero 'di parin niya tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko
"Bitawan mo ko sabi!"sigaw ko, buti naman at sumunod na siya
"Anong gusto mo anak?"tanong ni daddy saken
"Gusto kong magpakalayo layo sa mga sinungaling na TAO." sabi ko
"Avery, anak.Sorry na"
"'wag mo akong matawag tawag na anak, walang ina na nagagawang tiisin at lokohin ang anak, umalis ka na dito"
"Anak"
"UMALIS KA NA SABI!"sigaw ko na may halong pagpapakaawa dahil nanghihina pa talaga ako
"U-umalis ka na, parang awa mo na"sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko
"Pakinggan mo na ang anak mo Xherlaine, pwede ka namang bumalik bukas"sabi ni daddy sakanya
"Hindi daddy! 'wag na niyang subukan pang bumalik dito! Kase ayaw kong makita ang pagmumukha niya!"sabi ko
"Sorry anak, I'm so sorry"sabi niya at umalis ng umiiyak
Wala akong pake, siya na 'tong may maling nagawa tapos siya pa ang iiyak iyak ngayon?
Aba ayos din ah...Tsk
After ako macheck nung doctor,sabi niya pwede na daw ako madischarge bukas
"Anak, hindi mo ba tatawagan si Ashton? Sigurado nag aalala yun"
"Para san pa daddy? Isa pa yun eh! Kampon ng dakilang sinungaling. Sunod sunuran kay Xherlaine kahit alam na niyang mali. Ayaw ko na silang makita pa kahit kailan"sabi ko
"Lilipas din yan anak. Nasasabi mo 'yan kase kinakain na ng galit yang puso mo, pero kahit pag bali baliktarin mo pa ang mundo, mahal ka parin nila at ganun ka din sakanila"
"Hindi daddy, hindi na ngayon"sabi ko
Hindi naman na siya sumagot at inintindi nalang siguro niya ako
.......................
Kinabukasan, maagang pumunta si daddy sa billing section at sa cashier department para ayusin yung bill ko at ng maka alis na kami dito, sabi ko kase ayaw ko ng abutan pa ako ni Xherlaine dito
Nakapag ayos na rin ako, natanggal na yung dextrose ko pati yung iba pang naka kabit saken. Yung plaster nalang sa noo ang meron parin
Maya't maya pa ay dumating na si daddy
"So let's go? San kita ihahatid? Or do you want to stay muna saken?"
"Daddy..."
"Yes anak?"
"Ayaw ko na bumalik ng Manila. Ayaw ko na silang makita. Gusto ko ng bagong buhay.Isama mo ako daddy"sabi ko
"So anong balak mo anak?"
"Daddy, umalis tayo dito. Yung malayo sakanila. Sa ibang lugar.Sa ibang bansa. Yung malayo sakanila. Please daddy''pagmamaka awa ko
"Huh? Sigurado ka ba dyan Avery? Baka kasuhan ako ng mommy mo, sabihin niya na ini lalayo kita. Alam nating pareho na mas may karapatan siya kase siya ang nanay"
"Hindi mangyayari yun daddy kase ako naman ang may gusto na sumama sayo. Basta ayaw ko na pong bumalik pa doon , please"muling paki usap ko
"Sige anak, Kakausapin ko yung kaibigan ko na magtatrabaho sa airlines at magpapabook ako ng flight ngayong araw"
"Thank you po"sabi ko at niyakap siya
Hindi na namin kailangan pa bumalik sa hotel kase nandito na lahat ng gamit ko, dinala lahat ni Xherlaine dito kahapon
Yung mga gamit naman ni daddy, ibinilin niya sa mga crew niya na dalhin sa condo niya sa QC
Malayo yun sa bahay ni Xherlaine kase sa Parañaque yung subdivision niya
Dumiretso na kami sa Helepad ng ospital dahil may susundo samin na private chopper papuntang QC
BINABASA MO ANG
Nostalgic Hiatus
Teen FictionThis story is all about an orphan who was luckily adopted and was given an ideal life she deserves.Everything seems so right not until she'll meet the Campus Hearthrob slash Playboy slash Heartbreaker.Unexpectedly, as they go through their senior ye...