Chapter 51

15 0 0
                                        

Avery's PoV

Whaaattt?!?!! Is this frame up???

"Sinong nasa Switzerland?"

Buti nalang may utak rin si Raine kahit papaano kase sinara na niya yung laptop kaya nawala sila sa cam

Raine's PoV

"Sino kausap niyo? Tsaka sinong nasa Switzerland?"tanong niya at kumuha sa cookies na kinakain namin

"Ah ano, 'yon ba?"lintek anong sasabihin ko

"Yung pinsan ni Raine tol, grabe ang ganda! Sana yun nalang pala jinowa ko no hayst sayang nagayuma na kase ako ni Raine"sabi ni Josh

Hooo buti nalang pero ano ulet sabi niya???

" Excuse me! Anong ginayuma?!! Ikaw kaya 'tong ang harot harot na gusto akong i angkas! Sa susunod kase, 'pag 'di jowa, don't angkas!"sabi ko kay Josh

"HAHAHAHAHA"

"Akala ko ba gusto mo ng umuwi?"tanong ni Brianna sakanya, nako prangka 'tong babaeng 'to eh jusko baka kung ano masabi kay Ash

"Sudden change of mind? Ewan ko ba, feeling ko mas masasaktan lang ako lalo kapag nasa kwarto lang ako at magkukulong kaya I've decided go here nalang rin"

"Ay ganon? HAHAHAHAHA feeling broken"

"Asan na 'yong kausap niyo? Tuloy niyo lang 'yong conversation niyo mga hung hang "sabi niya

Punyeta 'kala ko tapos naaaa

"Nako baka busy na 'yon"palusot ko

"Tsaka bakit parang gusto mo makilala? Ikaw haaaa nagtataksil ka sa Avery namin ah!"sabi ni Brianna

"'di ko maintindihan, ang labo niya. Ni hindi manlang magreply. Aishhh nevermind. Anong pangalan nung pinsan ni Raine HAHAHAHA"

Napansin ata ni Josh na wala na akong mapalusot kaya siya ang sumagot kay Ash

"Beryang! Oo Beryang yung pangalan ng pinsan ni Raine. Diba babe"sabi niya at siniko ako

Jusko dzaii ang dami daming pangalan tas Beryang? Sa tingin mo maniniwala siya na may pinsan akong maganda tapos lakas maka 70s ang pangalan sa generation natin na 'to? Naku naku sana pala nilunod nalang kita sa Batangas

"Beryang? HAHAHAHAHAHAHA seryoso? Ang ganda sabi niyo tas Beryang ang name?"sabi ni Ash na may duda

"Yung jowa ko nga ang ganda ng pangalan, Raine Morrix pero----"

"Pero anooo?!!! Sige ituloy mo Legazpi!"

Eto na nga ba sinasabi ko eh may pagdududa parin si Ash

"Oo, kase Veronica Yannie ang pangalan niya"

Napaka witty talaga Brianna! HAHAHAHA

"Ah okay okay, nice name huh"

Avery's PoV

Buset! Bigla biglang may punyemas na dumadating edi 'di kami nakapag usap nila Raine ng matagal

Tinawag naman na rin ako ni daddy kanina para maglunch and after namin maglunch, pumunta si daddy sa school malapit dito sa city kung nasaan ang bahay namin para itanong kung nag aaccept ba sila ng late enrollees

Kaya ayun, mag isa ako ngayon dito sa bahay. Nasa sala lang naman ako nanonood ng movie tapos nung nabored ako, kinuha ko yung sketchpad ko sa taas at nagdrawing nalang

Ewan ko ba, art is comfort zone. Art is everything for me. Buhay ko ang arts. Kapag masaya ako, I make artworks. 'pag malungkot ako,I do artworks also

*ding dong* *ding dong*

Isinantabi ko muna yung dinodrawing ko at pumunta sa may gilid ng main door namin

Meron kase kaming parang gadget dito sa loob ng bahay na connected sa gate tapos makikita mo kung sino yung nandoon, para iwas danger na rin. Mamaya pala mga killer yung andoon pero dahil----

ANG POGIII NUNG NASA GATE NAMIN SISSSSS!!! AAAHHHH MY GAHDDDD TEH ANG GWAPOOOO MAY LAHIIII ATA ANG PUTIIII SHETENGENE!

Nag ayos muna ako ng sarili ko bago lumabas at pumunta sa gate

"Hi! How may I help you?"tanong ko sakanya

Potek hanue daw? Aba di ko maintindihan. Swiss ata 'to eh pero shux ang angas ng boses teh!

"Pardon? I can't understand you. We're just new here"sabi ko at nginitian siya

"Sabi ko, kunin mo 'to"

"Ay letsugas de kamatis marunong ka pala magtagalog pinahirapan mo pa ako"

"HAHAHAHA oo naman! dzuhh Half half kase ako teh!"

Buset may dugong berde pala to...pero amfogiiii pa niya huhuhuhu

"Ay ganon ba? HAHAHAHA,by the way I'm Xyielvien Avery Brett"

"Jess Müller here! Half Swiss,Half miss---charing! Fil-Swiss ako"

(Müller is a common Swiss surname. It's counterpart in English is Miller)

"Kaloka teh! Parehas pala tayong fafa ang hanap jusko ka!"

Kase ampogi talaga niya tignan. Ang puti niya tapos light brown yung mata niya, ang kapal na ang haba pa ng pilik mata tapos ang tangos ng ilong tsaka matangkad isama mo pa na naka turtle neck siya tsaka trench coat with matching plaid pants at combat boots...oh diba

"Ayy kaderder ka bakla! Nastar struck ka saken? Eww HAHAHAHA"

"WAHAHAHAHAHA sorry naman daw, gusto mo ba pumasok muna?"tanong ko sakanya, malamig talaga kase dito lalo na sa labas

"Ay hindi na teh! Babalik na rin ako sa bahay, inutusan lang akong dalhin to sainyo kase nakita ni mader earth na bagong lipat ata kayo"sabi niya at inabot saken ang creme brulé ata to

"Hala, thank you ha"

"No problem sis! Punta nalang julet akes bukas, jan lang bahay namin oh"sabi niya at tinuro yung isa pang modern house sa tapat namin

As in, nalalakad lang tas malayo kase sa highway 'tong street namin kaya safe na safe na 'di na ako mabubundol ulet HAHAHAHAH

Nung pumasok na siya sa bahay nila ay sakto naman na dumating na din si daddy kaya sabay na kaming pumasok sa loob para na rin iref yung binigay ni Jess

"Oh, ano yan anak?"sabi ni daddy sabay upo sa couch

"Ay galing po jan sa kapitbahay natin sa tapat, pinoy din po pala sila"

"Nako, ang babait talaga ng mga tao dito 'no"

"Ay sobra po! 'di gaya doon sa Pinas na nagbigay ka na ng Spaghetti mababash pa kase walang ketchup"

"HAHAHAHAHA ganun talaga"

Nanood lang si daddy ng TV tas ako naman, nag drawing na sa kwarto ko

----------------

Sorry for the typos huhuhh...The long wait is over,mag dedaily ud na ulet si awtor hehehehez

Nostalgic HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon