Avery's PoV
Jusmiyo marimar kang bata ka ala una na ng madaling araw di ako makatulog
Bumaba ako para magtimpla ng gatas pero de leche pag ka baba ko---
May narinig ako na umiiyak,huhuhuhu bakit naman ganto habang palapit ako ng palapit sa kusina,mas naririnig ko yung iyak
"Jusko naman oo manang! Aatakihin ako sa puso eh"
"Ayy maam sorry po!"
"Bat ka po ba umiiyak?"sabi ko at kumuha na ng baso at nagtimpla ng gatas
"Eh kase naman maam,namatay na si Mr.Choi"
"Huh? Sino si Mr.Choi?"
"Y-yung s-sa huhuhuhuhu,yung sa While You Were Sleeping maam"
"Kala ko naman na kung sino"
(Watch While You Were Sleeping gaiz! Maganda yung k drama na yun promise)
"Eh ikaw maam,bat ka pa po gising?"
"Di kase ako makatulog eh kaya naisipan ko na bumaba para magtimpla ng gatas"
"Ay ganon ba maam?Sige po samahan po muna kita dito sa kusina,mag kukudkod pa po kase ako ng kamoteng kahoy para sa request ni maam na cassava"
Hinila ko yung isang upuan habang si manang naman kinuha yung kamoteng kahoy at binalatan
"Manang alam mo ang saya saya ko ngayon"
"Oo nga po maam eh simula nung okay na kayo ni sir Ashton,parang dati lang po lagi kang badtrip na umuuwi kase lagi din ang bangayan niyo"
"Di ko rin alam manang eh na magiging in good terms kami"
"Pero maam,eto ha payo ko lang hindi lang bilang katulong ninyo kundi bilang nanay na rin"
Si manang kase mga nasa 50 years old na at kung iturin niya ako eh parang anak na niya kase siya rin ang nag alaga saken simula nung bata ako
"Ako kase maam,may anak ako na babae rin,ka edad mo kitang kita kung gaano siya na aapektuhan sa tuwing mag aaway sila o hihiwalayan siya ng mga nagiging kasintahan niya at bilang nanay,ayaw kong nakikitang ganon yung anak ko.Siguro iisipin ng iba,kasalanan ko rin kung bakit nagkakaganon yung anak ko"
"Huh? Bakit naman po"
"Kase hindi ko siya pinaghihigpitan,gusto ko masaya siya sa ginagawa niya pero minsan nasosobrahan"
Si manang kase,mahaba pasensya niyan kahit na ilang beses nabubulyawan,napapagalitan hindi siya nag dalawang isip na mag stay dito samin
"Ang saken lang maam,walang masama kung magmahal kayo sa edad niyong iyan basta alam ninyo ang mga bagay na dapat inuuna niyo"
"Oo naman po manang"
"Ako,iniwan ako ng tatay ni Lea sa di ko malaman na dahilan,oo masakit sobra pero kailangan kong maging malakas sa harap ng anak ko kase saken siya huhugot ng lakas eh,Ang masasabi ko lang sayo maam,pag mag mamahal ka po,wag mo po ibibigay lahat.Magtira ka para sa sarili mo,hindi pwedeng bigay ka lang ng bigay,yun lang naman maam at tsaka mahalin mo rin ang sarili mo"
"Opo manang! Salamat po,di ko po kase nakaka usap si mommy sa mga ganyan na bagay bagay lagi naman po kase siyang busy sa shop kung nasa bahay naman,mamaya aalis ulet"
"Nako maam,intindihin mo po si maam Laine kase ginagawa rin po niya yun para sayo kase mahal na mahal ka po niya"
"Sige po manang,mukhang dadalawin na po ata ako ng antok,salamat po ulet!"sabi ko at bumalik na sa kwarto ko para matulog
Ashton's PoV
Oh 30 minutes nalang magkaklase na ah pero di parin dumadating si Avery
"Nagchat ba sainyo si Avery na di siya papasok?"tanong ko kila Raine
"Hindi naman"
"Hindi nga siya online kagabi"
"Triny mo na ba tawagan?"
"Cannot be reach yung cellphone niya eh"
"Eh si tita kaya tanungin mo"
"Nahiya naman ako,baka busy sa La Chic yun"
*kringggg*
"Okay class,to your seats please"
Mukhang di na nga ata siya papasok
"So last week,the faculty had a meeting about the Intramurals that will happen next week"
"Uy yes!"
"Lezzgoooo"
"Woooo basketball!"
"Sino kaya candidates?!!!"
"And just like before,we're having the Mr. and Ms. Intramurals,there will also be different sports such as the school's basketball,volleyball,badminton and so on...Each section in SVRIS Highschool and College Department should make a creative booth that students will surely enjoy"
"Maam sino pambato ng section natin?"tanong nung isa naming kaklase
"Si Burnok nalang daw maam!"sabi pa nung isa sabay turo sa kaklase namin na mukha na ngang ewan ang yabang pa
"Mr.Zhao,do you want to join the pageant?"
"Oo maam siya naaa!"
"Sure win na yan!"
"Taob na mga taga kabila HAHAHAHAH"
Kailangan ko ng extracurricular activities para mahatak yung grades ko
Hindi naman ako bobo pero di rin ako matalino,may subjects na madali para saken and meron naman mga hindi
"Okay maam,I will join Mr.Intrams"
"So who wants to be partnered with Mr.Zhao?"
"Ms.Raine?"
"Luh maam bakit ako? Ngayong 'di ko na crush si Ashton saka niyo ako ipapares sakanya, katampo ka maam ah hmpp"
"How about Ms. Sofie?"
No way! Isa rin yang habol ng habol saken eh
"Or Ms.Brianna"
"Hala ayaw ko maam! Siya nalang!"sabi niya sabay turo sa may pintuan
Napatingin kaming lahat sa Avery na kakarating lang 'di naman siya mukhang puyat kase naka ayos siya,yung usual na ayos niya pero ngayon naka high ponytail siya
"Huh ano yun? Kakarating ko lang, Goodmorning maam "sabi ni Avery saka dumiretso sa upuan niya
"Exactly Ms.Avery,you're late but I won't send you to the detention room"
"Nakooo sorry talaga maam,thank you po! Traffic po kase kaya ako nalate"pag eexplain niya
"You owe me one Ms.Brett,join Ms.Intramurals"
"Hala ayaw ko maam! 'di naman ako rumarampa eh"
"I'm not giving you options,You'll join the pageant"
Yes woohooooo! Ngayon lang ata ako mag eenjoy sa pageant ah HAHAHAHAHA
"You'll be excuse later after breaktime and also in your afternoon classes for the practices"
Avery's PoV
Jusko naman bakit ako paaaaa
Nung mag breaktime, tinawagan ko si mommy at sinabi sakanya na ako yung candidate namin para sa Ms.Intrams
"Oh talaga anak??? Oh my gosh! I'm so excited!"
"Ano naman nakaka excite don? Ayaw ko nun mommy"
"Aba that's an honor Xyielvien to represent your section kaya wag kang kj jan okay"
"Pero 'di ba magiging magastos yun?"
"Ako na bahala! I'll call Sasha my make up artist kapag may fashion runway ako"
Hayst...mas excited pa siya juskooo
BINABASA MO ANG
Nostalgic Hiatus
Teen FictionThis story is all about an orphan who was luckily adopted and was given an ideal life she deserves.Everything seems so right not until she'll meet the Campus Hearthrob slash Playboy slash Heartbreaker.Unexpectedly, as they go through their senior ye...