Chapter 30

13 1 0
                                    

Avery's PoV

Mabilis lang natapos ang mga discussion kase busy rin ang ibang teachers sa preparation for Intrams

Nung mag breaktime na, tinawag na yung mga candidates sa gym kase doon daw magpapractice

"Tara na"sabi ni Ash saken

Inayos ko lang yung gamit ko para malagay ko na sa locker

"Huh? Hahatid mo pa ko? Sa gym lang naman"sabi ko

"Gusto ko makita yung makakapartner mo eh, gwapo daw kase"

"Oh talaga? 'di ko rin kilala sino partner ko eh, buset talaga kasalanan ni Brianna to eh kung 'di niya ako tinuro grr"

"Hayaan mo na, mag eenjoy ka din doon tignan mo"

"Bahala na nga"

Dumaan muna kami sa locker para ilagay yung gamit ko at dumiretso na sa gym

"Oh 'di ka pa aalis? Malapit na matapos breaktime ah"

Sasagot na sana siya pero tinawag kami nung MAPEH teacher namin na magtuturo sa practice

"Mr.Ashton and Ms.Avery you really look good together, 'di nga nagkamali si Maam Zaida na pumili sainyo"

"What?? Ikaw makakapartner ko?"di makapaniwalang tanong ko sakanya

Ngumisi lang siya ng nakakaloko

"You do not know about that Ms.Brett?"

"Hindi po, nalate po kase ako kanina kaya 'di ko po naabutan sino yung piniling candidate for Mr.Intrams"

"Oh I see, let's begin with the practice"

"Okay candidates, boys on the left side and girls on the right"

20 candidates ang maglalaban laban.2 pairs each grade level, Grade 8 hanggang saming mga Grade 12.Hindi daw sinali ng Grade 7 kase konti lang din daw ang chance nila since marami ang higher years

"Arrange yourselves according to your grade level,in Senior Highschool,ABM will come first"

"Oh you're here also?"sabi ni---ano na nga ba pangalan neto? Yung ex ata ni Ash to eh na habol ng habol

Heidi ba? Marie? Ay hindi,Hailee pala!

Nginitian ko nalang siya...

"Oh, 'di pa nagsisimula ang laban natatakot ka na? I'm sure I'll bring home the crown"sabi niya at inirapan ko

Hmpp sarap bangasan ng mukha 'tong babaeng 'to akala mo kung sino

Buti nalang 'di ako pumapatol sa hayop

Una naming prinactice ay yung formation sa production number. Yung Beautiful Life yung sasayawin namin. Buti nalang talaga di ako sing tigas ng poste sumayaw, aba nakiki cheerdance ata to no

Sa unang formation,mauuna ang boys kaya sa harap sila then papalit kami sakanila at sila naman mag stay sa likod then sa chorus part lalapit na ang boys sa mga partners nila

Si Hailee naman irap ng irap saken,kung di siya iirap tataasan ako ng kilay

"Ano ba yan Ms.Hailee, nauuna ka sa kanta kanina ka pa sinasabihan, are you really interested in this competition?"

"I'm so sorry I'm just distracted by someone who shouldn't be here"

"Walang ganyan ganyan sa competition, competition is competition okay from the top"

"Ano ba yan"

"Pagod na ko"

"Paulit ulit nalang "

"Kainis naman"

Reklamo ng mga lower years,kase nga kanina pa kami paulit ulit may pabida kase

"Puro kayo reklamo! Then quit in this pageant!"sabi ni Hailee sa lahat

Despite sa nangyari, nagpatuloy kami sa practice

Matapos nung ilang ulit sa sayaw, prinactice namin yung pag rampa at mga formations

"Good job, Mr.Zhao and Ms. Brett you may now take a break"

Inisa isa kase kaming pinagrampa, at kapag makikitang maayos ang pag execute niyo ay papaupuhin na kayo sa gilid

"CR lang ako sandali"sabi ko kay Ash

"Sabay na tayo lumabas, bibili din ako tubig"

Kanina pa ko naiihi eh dahil na rin siguro sa kaba

Pagkalabas ko ng cr eh saktong papasok si Hailee

"Kung akala mo panalo ka na kase napahiya ako kanina, jan ka nagkakamali"

"Wala akong intensyon na mapahiya ka, ikaw mismo nagpapahiya sa sarili mo"sabi ko at tumalikod na ng bigla niyang hilain yung buhok ko

"Aray! Ano ba!"

"You may win in this competition but not in Ashton's heart tandaan mo yan"sabi niya at dinuro duro ako

"Owss talaga? Sa pagkaka alam ko eh ex ka na. EX as in PAST, NAKARAAN so it means TAPOS NA"sabi ko habang ine emphasize yung mga gusto kong sabihin sakanya

"Aba ang kapal talag---"

"Don't you dare lay your fingers on her or else"

Nasa likod ko pala si ashton nakatalikod kase ako sa entrance ng CR

"Ashton, that's not what you think...In fact sinabunutan niya ako Ashton kase sinabi ko sakanya na ako yung mahal mo"

Huwaaaaatt??? Pachyderm!

"Oh really? Maybe you deserves that, 'di ka parin nagbabago Hailee"

"Yes Ashton, I'm still the Hailee you've known months ago, the Hailee you love"

"Ang sama parin ng ugali mo! Bistado ka na nga magsisinungaling ka pa, I'm done with your lies Hailee and as far as I know you aren't counted as my ex kase you're the one who approached me right? You're the one who keeps on chasing me,are you a dog or what? I guess you're a dog, a dog that keeps on looking for her bone"

"Ughh may araw rin kayo saken!"

Umalis na kami ni Ashton doon at bumalik na sa gym para sa announcement bago kami umuwi

"Okay, is everyone here now?"

"Wait, sir!"sigaw ni Hailee habang nakatayo sa entrance ng gym

"I won't wait for you Ms.Hailee you aren't a VIP here"

Buti nga sayo!

After ko kwinento kay Ash ang nangyari,ayaw na niyang humiwalay sa tabi ko dahil mamaya ulitin pa daw ni Hailee ang ginawa niya

Jusko may saltik na ata yung babaeng yun

"Okay candidates, tomorrow will be your photoshoot para makapag pagawa ng tarp,you may bring make up artists or asisstants, just bring a formal wear for the shoot, for the ladies, bring also your heels so you can practice here, that's all for today you may now go home"

"Except for you Ms.Mendoza"

HAHAHAHAHHAAH lagot ka Hailee! Hanapin mo pake ko sayo

'di na ako nakapag paalam kila Raine kase kaninang 4:00 pa sila umuwi and 5:20 na at uuwi palang kami

Ihahatid sana ako ni Ash pero si mommy ang sumundo saken kase pupunta daw kami ng mall para bumili ng damit

"Bye Ash! Take care,text mo ko pag naka uwi ka na ha"

"Noted maam!"sabi ni Ash

Nauna na kaming umalis kase didiretso kami sa mall at malapit na rush hour

Nostalgic HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon