Avery's PoV
"Oh ba't ganyan itsura mo? Natulog ka pa ba teh o 'di ka maka get over sa prince charming mong sinundan ka pa hanggang dito sa Switzerland hayst sana all" umagang umaga at 'yan ang bungad ni Jess saakin ampotek HAHAHAHA
Nagpapark na siya, dumaan kami Starbucks para mag drive thru, eh 'di pa kase kami nagbebreakfast
Si daddy naman 'di ko naabutan sa bahay, maaga umalis at nag iwan ng note sa may fridge na aalis daw siya at may lalakarin na importante
"Heh! Prince charming ka jan? Tigil tigilan mo ko!"
"Ayy pak sino ka jan? Kung ayaw mo kay fafa Ashton reto mo naman me dzaii!!!"sabi niya with matching ayos pa ng hair
"Osige basta gusto ka niya ah HAHAHAHA"
"Hoy! I'm so pretty kaya! Magandang dilag"
Aba si vakla may pa background music pa HAHAHAHAHA laughtrip ka talaga Jess
"Tara na nga HAHAHAHA baka masapak pa kita"sabi ko at nauna ng bumaba
Half day lang pala kami ngayon yaaassss bukas na kase yung retreat and we are given enough time to prepare kaya wala kaming klase ngayon. Pupunta lang kami ng school para kunin yung waiver at pass for tomorrow
Ashton's PoV
"Am I late? I'm sorry napasarap ang tulog ko HAHAHAH"
"No tito, just on time...kakarating ko lang din po"
Nandito kami ngayon sa isang cafeteria near the hotel na pinag i stay an ko. Tito called me earlier and told me na magkita kami kase sasamahan niya ko para mag enroll and to catch up na rin
How I wish dun din siya nag aaral. I'm not familiar with the school pero sabi nila high class university din daw 'yon.
After we ate breakfast and had small talks, we head to the university para mag enroll, it took us for like 30 mins. then pagkatapos non ay inilibot ako ng isang staff dito sa campus.
Grabe pinakanalula ako sa gymnasium nilang de aircon. Sinabihan ako ng school head na magstay dito at kumuha ng waiver and retreat pass para daw bukas.
Hanep kaka enroll ko lang tas retreat agad ni wala nga akong kakilala dito
Avery's PoV
Nauna na akong bumaba ng sasakyan habang si Jess naman nagpapark pero pagkatapos naman non ay sabay kaming pumunta ng gymnasium.
Nandoon lahat ng senior high kase ididistribute yung waiver and pass para sa retreat bukas.
Tapos magbibigay lang din ng few announcements then pwede na umuwi after that.
"Teh pila na kaya tayo?" sabi ni Jess
"Sig-----" natigilan ako sa pagsagot nang may dumating
"Avery! Kinuhanan na kita, you don't have to wait in line already" sabi ni Blake sabay bigay ng waiver at pass.
"Hi Blake! Uy thank you ha, ang haba pa naman ng pila" sabi ko
"Ayy how about me naman hmpp, edi ikaw na! tinalo mo na si Rapunzel accla!" sabi ni Jess at inirapan ako HAHAHAHA
"Ina neto HAHAHAHAH eh kung pumila ka na kaya doon edi sana kanina pa nakakuha diba" biro ko sakanya
"Oh sige na! ikaw na bahala jan Blake ha"
"Woiii!" sabi ko pero tumakbo na siya palayo saamin
"So do you have any plans today?" tanong ni Blake sakin
"Uhm wala naman, mag aayos lang ng mga gamit for tomorrow, ikaw ba?"
"Magpeprepare lang din HAHAHAHA, I'll drive you home" sabi niya at hinila ako palabas ng gymnasium, grabe daming tao
"Avery!"
"Avery!"
"Xyielvien Avery Brett!"
Kilala ko kung kaninong boses 'yon, ayaw kong lingunin pero nainis na ako nung tinawag niya ko in my full name, nakakahiya maging center of attention doon.
Nakakahiya malink sa isang sikat na model na iniwan ang anak sa bahay ampunan at pinili ang career.
"Ano pa bang gusto mong mangyari Ashton ha!?!!" sabi ko at humarap sakanya
Nandito kami ngayon sa labas ng gymnasium
"Can we talk love? Please?"
"'wag mo nga akong matawag tawag na love diyan, we're over Ashton mag move on ka na! Don't make things difficult for both of us utang na loob"sabi ko sakanya
"Let me explain, it's not what you think. Lasing kami that time, all of us, even our friends kaya wala kaming alam kung ano ba talagang nangyari, and the issue between what happened between you and tita Laine, I didn't know you were that kid hangga't nung nag open up yung mom mo saakin. I didn't li----" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya
"Explain? hindi ko na alam Ashton kung papaniwalaan ko pa 'yang mga sinasabi mo, hindi ko na alam kung mapapagkatiwalaan pa kita. Kase may alam ka pala tungkol sa pagkatao ko eh, kesyo late mo nalaman, still may alam ka yet you chose to keep it from me like what mom did"
"Para 'yon lang Avery nagkakaganyan ka na? Let's fix this. Mahal kita kaya nga ako nandito ngayon oh kase I'll win you back, ipupursue ulit kita"
"Uh I'll go first guys" pag interrupt ni Blake
"No, stay" sabi ko
"But I think you two need to talk privately"
"Stay sabi eh!" sigaw ko kay Blake
"Okay calm down"
"Wow ha Ashton, "para 'yon lang"" pag uulit ko sa sinabi niya
"Nang iinvalidate ka na ngayon? Oh edi sorry kung mababaw ako ha, edi sorry kung nasasaktan ako tsaka bakit parang utang na loob ko pang sinundan mo ako dito? Magaling ka lang sa salita pero hindi mo kayang panindigan" sabi ko at tinignan si Blake
"You good? let's go?" sabi niya at tinignan ako na may pag aalala
Inakbayan niya ako at naglakad na kami paalis
"Mahal na mahal kita Avery kahit ano pang sabihin mo" pahabol niya
Tumigil kami sa paglalakad ni Blake at humarap for the last time
"Love is not enough Ashton, love should be a reflection of how you treat someone and the actions you show. Hindi sapat na mahal lang Ashton, trust is important too to make a relationship work and you broke my trust" sabi ko at tuluyan na kaming umalis at dumiretso sa parking lot
Pinagbuksan ako ni Blake ng pintuan bago siya pumunta sa driver seat.
"Put on your seatbelt" sabi niya saka na kami umalis ng campus
Nakatingin lang ako sa bintana trying to hold back my tears. Okay na ako eh, tapos bigla siyang magpapakita after everything I've been through
"Blake"
"Hmm?"
"I don't wanna go home yet" sabi ko
"Saan mo gusto pumunta?"
"Ewan ko, kahit saan 'wag lang muna sa bahay"
Ashton's PoV
Naiwan ako dito na parang tangang nakatayo. I've tried pero wala talagaPumasok nalang ako sa loob para kumuha ng waiver at pass, sakto naman na konti nalang ang mga nakapila kaya nakakuha ako kaagad.
Umalis na din ako ng school pagkatapos at umuwi na sa hotel. Well, saan naman ako pupunta. I don't know anything about this place
Kailangan ko palang mag grocery para sa mga kakailanganin ko bukas buti nalang hindi pa kina cut off ni mommy mga cards ko.
Gusto ko tawagan sila Raine pero parang naubos yung energy ko sa nangyari kanina kaya magpapahinga nalang muna ako saglit.
Tsaka ko nalang ikekwento sakanya kapag hindi na malabong mabalik kami sa dati ni Avery hays.
Fighting Ashton!

BINABASA MO ANG
Nostalgic Hiatus
Teen FictionThis story is all about an orphan who was luckily adopted and was given an ideal life she deserves.Everything seems so right not until she'll meet the Campus Hearthrob slash Playboy slash Heartbreaker.Unexpectedly, as they go through their senior ye...