Chapter 36

13 1 0
                                        

Laine's PoV

"Maam! May naghahanap po sainyo sa labas"sabi ni manang,nandito kase ako sa kwarto ko

After ko kase mahatid yung make up artist eh 'di na ko bumalik sa shop, it was very tiring netong mga nakaraan

"Sino daw?"

"Tyler daw po ang pangalan"

After ko ayusin ang sarili ko,bumaba na ako at tinignan ang nasa gate

"At ang kapal nga naman ng pagmumukha mong pumunta dito!"

"Hindi ba dapat matuwa ka kase baka pormal na akong makilala ni Xyielvien"sabi niya at pumasok sa loob ng bahay

"'wag mong ma Xyielvien Xyielvien ang anak ko! at wala akong pake alam kung 'di ka niya makilala dahil simula't sapul wala kang kwenta!"

"Ilang taon na ang lumipas Xherlaine! Ilang bansa na rin ang nalilipad mo, labing walong taon na pinagkait mo sa akin, mag didise otso na siya dapat na niyang malaman ang mga tinatago mo"

"'wag mo akong angasan na para bang kasalanan ko ang lahat, ikaw ang puno't dulo ng lahat ng pinagdaanan ko, namin ng anak ko at 'wag ka na ulet babalik dito"

Ngumisi siya saken at sabay sabing....

"Marami akong kayang gawin para ibunyag lahat ng baho mo, lahat ng sekretong pinaka tinatago tago mo kaya kung ako sayo, sabihin mo na ang totoo bago pa niya malaman sa ibang tao"

"Punyeta ka! Lumayas ka dito!"

"Hihintayin ko siya dito kahit na ano pang pangtataboy mo dahil may karapatan din ako"

"Manang!!"

"Bakit po maam?"

"Tumawag ka ng security dali!"

"Ha? Eh b-bakit po?"

"TUMAWAG KA NALANG! KUNG AYAW MONG MASESANTE!"

"Opoooo! Eto na po!"

"Umalis ka na dito! At 'wag na 'wag ka ng magpapakita pa!"

"Hindi mo ako matatakot Xherlaine, tandaan mo 'to, bago ka sumilong sa ganito kalaking bahay, naging mas mahirap ka pa sa daga"

"TUMIGIL KA NA SABI!!!"

"Ano pong nangyayari dito maam?"sabi nung dalawang guard

"Kuya! Paki labas na po yan dito! Trespassing ang ginagawa at nang gugulo!"

"Opo maam"

"Sir tayo na po, baka po maka suhan ka pa sa ginagawa mo"

"Bitiwan niyo ako, kaya kong mag lakad sa gate na 'yan ng mag isa"

"Nakikipag laro ka pala Xherlaine Brett, tsk tignan nalang natin kung sino mananalo"sabi niya at lumabas na

Avery's PoV

After kong bayaran yung shirt ko at pagkatapos naming tumulong sa pag ligpit ng mga ginamit sa booth, dumiretso na kami ni Ash sa bahay

"Ano kayang nangyari sa bahay niyo?"tanong ni Ash saken

"Huh? Bakit mo naman natanong yan?"

"Galing ata sa bahay niyo yung patrol ng subdi''sabi niya saken

Naka reckline kase tong kina uupuan ko kaya 'di ko nakita

Umayos na ako ng upo at nag drive pa ng konti si Ash hanggang sa matapat na kami sa bahay

Si mommy ang sumalubong samin

"Hi tita!"sabi ni Ash at nagmano

Aba aba sipsip ka ah HAHAHAH

"May nangyari ba dito mommy?"

"Huh? Wala naman"

"Nakita po kase namin yung patrol at mukhang dito nanggaling"

"Ah may lalakeng lasing kase kanina tapos nag eeskandalo dito kaya tumawag ako ng security"

"Nako dapat pala tita mas higpitan pa ang pagbabantay dito sa village para masecure ang safety"

"Oh siya, pumasok na kayo at kakain na"

"Manang! Paki lock ang gate at paki double lock ang mga pinto"

"Opo maam!"

Pumunta muna kami sa kwarto ko para ilagay doon ang mga gamit ko

Pumunta na 'ko sa cr para maligo kase di ko pa natatanggal yung make up ko at ang lagkit ko na rin since ang daming ganap kanina

Si Ash nilalaro si Bella

Nag pajama na ako para diretso tulog na mamaya, gusto ko matulog ng maaga ngayon eh napagod ako sobra sa mga ganap these days

"Avery! Asan yung pagkain ni Bella?"tanong ni Ash

Sakto naman naka ayos na ako at lumabas na ng CR

"Andun malapit sa cage niya, hutek pinakain na yan kanina, kakain nanaman?"

"Eh sa gutom siya, diba baby?"

"Mahal mahal ng dog food leshe kayo!"

"HAHAHAHAHA hayaan mo na para mas tumaba pa siya"

"Maam kain na po!"sabi ni manang sa labas ng kwarto ko

"Opo bababa na po!"

Bumaba na kami at nakita ko na busy si mommy sa cellphone niya

"mommy kain na! Mukhang busy ka po ata?"sabi ko at pumunta na kami sa kusina

"Ah s-si M-Mae kase nag tatanong kung kelan daw ba dadating ang ibang stocks nagkaka ubusan daw kase"

"Malakas po ata ang benta sa shop ngayon ah"sabi ni Ash

"Oo nga eh, naka sale parin kase ang ibang items. Btw, what's your plan pala anak, malapit na ang debut mo"

"Ma! Diba sabi ko naman sayo ayaw ko ng engrandeng celebration"

"Once in a lifetime lang ang debut Avery, tsaka only daughter ka ni tita oh pagbigyan mo na"

"Okay naman na po saken yung simpleng birthday lang, yung meron yung mga kaibigan ko,si Ash,si tita Cynthia at kayo tsaka alam ko naman na pati si daddy"

"Xyielvien,alam mo namang matagal ka ng walang tatay"

"Bakit nga ba mommy? Ampon po ba ako? Bakit wala akong namulatan na tatay? Bakit mag isa ka po na nagtataguyod sakin?"

Nag iba ang mukha ni mommy at ibinaba ang hawak na kutsara at tinignan ako

"Alam mo naman na matagal ng patay ang daddy mo diba? Sinabi ko naman sayo ng nangyari"

Si Ash na iilang na ata sa situation namin ngayon, idagdag mo pa ang tension samin ni mommy

"Mag e 18 na ako, pero ni minsan 'di ko pa nadadalaw ang puntod ng tatay ko, ni hindi ko alam ang pangalan"seryosong sabi ko

"Nacremate siya okay?!!! At yung abo niya nandon sa mga magulang niya sa ibang bansa! Pasalamat ka nalang at binuhay kita! Nakukuha mo ang mga gusto mo!"

Bakit kailangan niya akong sigawan? Kasalanan ko ba na gusto ko lang makilala yung tatay ko?

Tumayo na ako at nag excuse sakanila

"Excuse me po, mag c CR lang"sabi ko at pumunta na sa kwarto ko at nag lock ng pinto

Hindi ko alam....gusto kong umiyak pero leche------

Ngayon lang ako sinigawan ni mommy ng ganon

Para bang kasalanan kong gusto ko lang makilala yung tatay ko kase buong buhay ko, wala akong kilalang ama

Oo swerte ako kase kahit na mag isa ni mommy binubuhay niya ko...nakukuha ko mga gusto ko

Pero punyemas! Parang may kulang kahit na akala ko meron na ako ng lahat

Hindi ko alam.....

Ang gulo.....

Ang bigat bigat sa dibdib.....

Nostalgic HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon