Chapter 26

15 0 0
                                    

Avery's PoV

So ayun,nandito kami ngayon sa terrace

After namin kumain,umakyat na kami para mag ayos ng tutulugan namin

Gusto daw nila mag star gazing,aabangan daw kase nila yung shooting star

Ayun na nga kasalukuyan kaming nag aayos ng higaan namin

Good thing tiles yung floor ng terrace at saka maluwang.

Pinunta namin sa terrace yung dalawang malaking sofa bed at mga unan,kinuha ko yung unan ko sa kwarto ko syempre kase baka kulangin kapag gamitin ko pa yung unan sa guest room

So bale ganto ang pwesto namin...

Si Josh-Raine-Brianna-Aevhan-Ash-Ako

Since malikot ako matulog,nilagay ko yung isang bean bag sa tabi ko HAHAHAHA baka mamaya nasa sahig na pala ako

Hindi naman kami siksikan kase malaki naman yung sofa bed, parang queen size yung isang sofa bed at dalawa yung gamit namin which is pinagdugtong namin

Nagkwentuhan lang kami about sa school, sa mangyayari sa Intrams, sa mga lablayp nila---namin pala HAHAHA

Hayeop, ang speed ni Raine at Josh walang ligaw ligaw jusko sila na

Si Aevhan at Brianna,3 years and going strong parin

Yung katabi ko naman puro sana ol WAHAHAHAHHA chill ka lang, sasagutin din kita

Ilang sandali pa ay nakita na namin yung shooting star, syempre nagwish kami

Tinanong naman ako netong katabi ko
"Anong winish mo?"

"Secret,baka 'di magkatotoo no"

Pero sa totoo lang,yung winish ko eh sana walang magbago dito, sa barkada, samin kase ayaw kong masanay ako tapos pagdating ng araw maiiwan akong mag isa---wag naman sana. Sana makita ko si daddy kahit sa panaginip lang

"Who's up for tomorrow? Joyride anyone?"tanong ni Ash

"Nako ayaw ko na sumakay sa motor ni Josh no!"sabi ni Raine

"Edi hindi! Dun ka nalang sa tambutso "

"Leche ka talaga!"

"Wala rin akong dalang sasakyan tol"sabi ni Aevhan

"No worries! Yung pick up yung dala ko"

"Oh settled na pala eh,joyride tomorrow yay!"sabi ko

"Waaahhh nakaka excite naman"

Napag isip isip namin na mag open forum HAHAHA para naman malaman namin yung hinanakit ng isa't isa

Someone's PoV

"Walang hiya ka talaga! Ilang beses ko na bang sinabi sayo na 'wag kang magpapakita sa anak ko!"

"Ano na pare! Lika na dito!"

"Oo nga, mag aaya aya ka ng tagay tapos wala ka dito aba'y 'di ata tama 'yon pare"

"Aba't ang kapal rin ng mukha mong manghingi ng pera saken tapos pang iinom mo lang?? Eh gago ka pala!"

"Tapos ka na ba? Hindi ko naman sinadyang mabangga siya ah at kung makapag salita ka jan akala mo ikaw lang may karapatang lumapit sakanya, tandaan mo may kasalanan ka rin sakanya at oras na malaman niya 'yon, tignan natin kung gugustuhin ka pa niyang makita"

"Wala akong dapat ikatakot dahil mahal ko ang anak ko at ganon din siya kaya kung babalik ka para lang manggulo, sana namatay ka nalang!"

*toot*

Nostalgic HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon