Chapter 21

15 1 0
                                        

Raine's PoV

Ano na kayang nangyayari kay Avery? Bigla nalang siyang magfaint daw after PE class

Narinig ko naman sa mga chismosa sa corridor na itinakbo siya ni Ashton sa clinic kanina tapos after non hindi na sila bumalik sa classroom

Naiwan ni Avery yung bag niya,yung ibang gamit naman niya nilagay ko na sa locker niya since alam namin yung passcode ng locker ng isa't isa

Napagpasiyahan ko na ihatid sa bahay nila yung bag at cellphone niya

"Brianna!"

"Oh bakit?"sabi niya saken habang nagreready na umalis

"Sabay ako sayo,pupuntahan ko si Avery para ihatid yung bag niya tsaka kukumustahin ko na rin siya"

"Ha? Eh ano kase,may date kami ni Aevhan mamaya kaya late pa ko makaka uwi"

Ay lintek! Nag aaway lang yung dalawa nung nakaraan tas ngayon naglalandian nanaman sila??? Jusmiyo ka! Napaka rupok niyong dalawa hmmmpp!

"Ay okay,mag ta tric nalang ako sige bye! Goodluck sa date ninyo!"sarcastic na sabi ko

Nauna na akong lumabas sakanila

Ugh leche! Wala pala akong dalang cash kase yung credit card lang ng school yung lagi kong dala

Saan ko naman daw isaswipe yun eh para lang sa mga benta sa school pwede yun bwisit talaga...wala akong choice kundi maglakad papunta sa subdi nila

Nung nasa unang kanto palang ako,may tumigil na naka motor sa tapat ko

Syempre lumayo ako,mamaya riding in tandem pala to or serial killer aba mahirap na no

"Sino ka?!! Anong kailangan mo sakin??? Wala kang makukuha saken! 'wag! bata pa po ako! huhuhu"

Teka,ang sosyal naman atang riding in tandem to at naka Harley Davidson cruiser

"Alam ko na yang mga modus niyo! Siguro galing sa motor nap yung motor mo no?!!"

Alangan naman sabihin kong car nap eh hindi naman kotse yun oh diba,kaya motor nap

Aba nagawa pang tumawa tawa ng taong to

Tinuro niya yung suot niyang damit at nakita kong uniform yun ng SVRIS

"T-taga SVRIS ka?"di makapaniwalang tanong ko sakanya

Tuluyan na niyang tinanggal yung helmet niya

Oh shet ang gwapo mars!

Teka,siya yung pogi sa college department ah

"Ah eh uhm s-sorry,kala ko kase masamang tao"sabi ko sakanya

"Okay lang yun,saan ka pala pupunta? Sabay na kita kung gusto mo lang naman"

"Luh,di nga kita kilala baka mamaya gahasain mo pa ko jan no"sabi ko sakanya

"HAHAHAHA sorry,Josh Legazpi"

"Raine Morix,pupuntahan ko kase yung bestfriend ko jan sa malapit na subdivision jan"sabi ko

"Oh tamang tama,pupuntahan ko rin yung pinsan ko eh"sabi niya saken

"Teka,safe ba yan? Baka mamaya ma deds ako jan ah"sabi ko sakanya

Never pa kase ako sumakay sa motor dati

"HAHAHAHA safe yan"

Sinuot niya sakin yung ginamit niyang helmet kanina aba dapat lang

At dahil naka skirt ako,umupo ako ng paside

"Okay na? Kapit ka,mahulog ka bahala ka jan"sabi niya saken

Nostalgic HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon