Chapter 37

11 1 0
                                        

Avery's PoV

"Avery, alis na ko"rinig kong sabi ni Ash mula sa pinto pero 'di ako kumibo at 'di siya pinagbuksan

Hanggang sa narinig ko nalang ang footsteps niya pababa

Ayaw kong kumausap ng kahit na sino ngayon, ayaw ko kase baka may masabi ako na pag sisisihan ko

-------------
Ilang araw na kaming hindi nag papansinan ni mommy

Hindi ko na rin masyado nakaka sama sila Raine dahil diretso uwi na ko pagkatapos ng klase

Si Ash halos ang kasama ko, iniiyak ko lahat sakanya...lahat ng sama ng loob ko, lahat ng hinanakit ko

Lagi rin kaming kumakain ni Ash sa labas dahil pag uwi ko ng bahay, nagkukulong ako sa kwarto ko kase ayaw ko rin makasabay si mommy sa pagkain

Maaga ako umaalis ng bahay at kay manong Arman ako nagpapahatid

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung natapos ang Intrams

After ng pageant, hindi ko na hinintay ang awarding at hinatid na 'ko ni Ash sa bahay kase sinabi ko na gusto ko ng umuwi

Pero sabi nila sa school,section daw namin ang nanalo

Kahit na kami ang nanalo, hindi ko feel ang saya, maraming bumabati samin pero iniignore ko lang

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagmumukmok ulet

Chineck ko ang phone ko dahil nag vibrate

Messsage from Ash Pogi ....

Siya ang nagsave ng number niya sa contacts ko

"Kain ka na, yung spag lang kinain mo kanina eh.Mag usap na kayo ni tita, hindi na maganda 'yan"

"Hindi mo kase pinagdadaanan kaya ang daling sabihin sayo 'yan"sabi ko,ewan ko nagiging cold hearted na 'ko sa mga tao sa paligid ko

"Hindi ko kailangan maranasan para maramdaman ko kung ano man yang pinagdadaanan mo, Kung may tampo ka man sa mommy mo, mag usap kayo at 'wag mo idadamay sa galit mo 'yong mga taong gusto lang naman mapagaan ang loob mo kahit papaano, give yourself a bream, you've been through alot these past few days basta ako nandito lang ako lagi...Goodnight, have some rest, you need that"

'di ko na nireplyan kase nag lalaban nanaman yung utak at puso ko

Leche! 'wag kang iiyak Avery! Walang nakaka iyak!

Pero kahit anong pagsasabi ko sa sarili ko na 'wag umiyak,tumulo parin yung luha ko

Nakaka ewan na 'tong sarili ko, 'tong buhay ko nakaka gago na

Umakyat si Bella sa kama ko at sumiksik saken

"Sorry Bella ha, hindi mo dapat ako nakikita na ganito eh pero I can't help it para akong sasabog, sa inis, sa lungkot, sa galit ko sa sarili ko...hindi ko na alam ang gagawin ko"

10:30 na, malapit ng mag 11:00 pero di parin ako natutulog or should I say 'di ako makatulog dahil sa bigat ng nararamdaman ko

Gusto kong ilabas lahat ng 'to

Laine's PoV

Halos mag iisang Linggo na rin kaming 'di nag uusap ni Avery

Pinag sisisihan ko yung mga sinabi ko sakanya, hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun

Siguro dahil sa stress? Pagod? Hindi ko alam

Sinubukan kong kausapin siya pero 'di niya ako pinagbubuksan

Ganon palang ang nangyari samin pero halos ayaw na niya akong makita habang buhay, paano na kaya kapag nalaman na niya? Baka itakwil na niya ako bilang nanay niya

Nostalgic HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon