Avery's PoV
Ang bilis lumipas ng mga araw at di ko namalayan na may isang linggo na rin kami dito sa Switzerland
Naenroll na rin ako sa isang private university dito na kung saan doon din nag aaral si Jess. Buti nalang at in accept ako agad at pinayagan na ipagpatuloy ang grade 12 year ko dito kase matataas naman daw ang grades ko.
Ka age ko pala si Jess kaya same year kami. 'di nga lang same section. Limang taon na din daw sila dito magmula nung napromote ang mama niya sa isang branch ng kumpanyanang pinagtatrabahuan niya dito.
Sunday ngayon at aalis kami ni Jess para bumili ng school supplies tapos si daddy naman maagang umalis.
Naki pag collab kase 'yong isang sikat na bakeshop dito sa Switzerland and they're asking for merge business and grinab naman ni daddy 'yon kase malaking opportunity na rin 'yon.
"Hallo Mädchen! bist du bereit zu gehen" bungad ni Jess pagkababa ko.
"Nako tigil tigilan mo ko sa kaka German mo baks ha!"
Nakaready na ko pero nalimutan ko yung wallet ko sa taas kaya bumalik ulet ako sa kwarto tapos lumabas na ng bahay
(Hi girl! Are you ready to go?-English translation)
"Worüber redest du"
(What are you talking about?)
Aba aba masasapak ko na talaga to!
"Anong forever? Wala nga akong jowa gaga ka"
"HAHAHAHAHHA charing lang! Tara na nga"
"Baka mamaya minumura mo na ko ha"
"HAHAHAHAHA hindi gaga!"
Okay. Kabog ako ni babaita. 'di man lang ako informed HAHAHAHA nahiya naman yung damit ko sa pa high knee na boots niya at coat HAHAHAHA
Naka black jeans tsaka oversized hoodie lang ako tas beanie at low cut na boots
Naka sakay naman kami agad ng taxi pero medyo malayo ng slight ang mall dito sa city namin. Sa Geneva. Kaya habang on the way kami,naisipan naming magkwentuhan
Sinimulan naman ni Jess ang topic...
"Sayang teh! 'di tayo magkaklase, pero sabagay pader lang naman pagitan natin HAHAHAHA"
"Kaya nga eh, sayang.Nahihiya pa man rin ako kase late enrollee ako"
"Ay nako! 'wag kang mahiya kase friendly sila doon. Sila ang unang mag aapproach sayo."
"Sana nga...Goodluck nalang saken bukas"
Sa section 1A kase ako tas Section B si Jess. Though hindi naman classified sa knowledge or brain capacity yung sections kase equally divided daw ang students doon
Buti nalang at may kakilala si Jess na staff doon kaya sinamahan niya kami at napadali ang pag eenroll ko
"Madame, wir sind jetzt hier im Einkaufszentrum"
Tinignan ko si Jess kase wala akong naintindihan sis huhuhu niriritwalan na ata ako
(Madame,we're now here at the mall)
Syempre alam ni Jess na wala akong naintindihan kase 'di pa naman ako marunong mag salita ng German kaya siya ang sumagot
"Vielen Dank Sir! hier ist der Fahrpreis"sabi niya at inabot ang bayad
(Thank you sir! Here's our fare)
Ah, baka sabi ni Jess,eto po ang bayad namin sir. Pagkabigay ni Jess ng bayad ay bumaba na kami ng taxi at pumasok na ng mall
"Oh teka, diba daddy mo 'yon?"sabi niya at tinuro sa isang area malapit samin
"Oo nga, si daddy 'yon"
"Anong ginagawa niya dito?"
"Ah baka, dito sa mall yung napili nilang spot"
"Spot? Ng ano?"
"May nakipag merge kase sakanya na isang may ari ng sikat na bakeshop dito sa Switzerland at nag hahanap sila ng magandang area na pagpepwestuhan , baka dito nalang din sa mall siguro"
"Ay ang shala sis!"
"WAHAHAHAHAHAHA, opportunity na rin yun no. Sayang naman"
"Ay truelala"
Pumunta na kami sa isang bookstore kase nakita namin yung malaking tarp nila sa labas na naka 40% off sila ngayon
Binder nalang ang kinuha ko para 'di hassle tas bumili na rin ako ng extrang fillers in case maubusan ako, edi may stock ako. Tas ballpens at iba pang school supplies. Bumili din ako ng pastel colored na highlighters hehehez ang ganda kase ih
"Jusko dzaii! Ang haba ng pila"sabi ko at na tetemp na ako na ibalik nalang yung mga kinuha ko
Wala akong pasensya pumila eh lalo na ke haba haba pa naman
"Tara na kaya? Ayoko pumila, ang haba haba baka mamaya abutan pa tayo ng lunch dito"sabi ko kay Jess
"Gaga! Nandito na tayo tas babalik ka pa? Tara na! Akong bahala"
Palibhasa, sale kase kaya nagdadagsahan ang mga tao
"Anong gagawin mo? Mamagic in mo at magsisi alisan ang mga tao ganon?"
Hindi na sumagot pa si Jess at hinila ako sa counter . Wala na rin akong nagawa
"Uy tara na, saket na rin ng paa ko!"reklamo ko sakanya. Almost 30 mins na rin kaming nakatayo dito
May tatlong tao pa sa unahan namin
"Uhm,excuse me miss? Can we go first? My friend is having diarrhea and she's about to, you know"
Ampotchi! Pinaki usapan niya yung mga nasa harap namin pero sabihin ba naman na may diarrhea ako. Hinampas ko si Jess dahil don
Tinignan niya naman ako ng "maki ride ka nalang-look"
"Oh don't feel embarassed, it's okay.I also feel that too sometimes. Here, you can go first"sabi naman nila
Dahil sa kahiya hiyang palusot ni Jess, pina una nila kami
Buti nalang pinahiram muna saken ni daddy 'tong card niya habang hinihintay na marelease 'yong sarili kong card
"Oh okay ba?"
"Punyemas ka Jess! Sinong may diarrhea ha??"sabi ko sakanya nung maka labas kami ng bookstore
"HAHAHAHAHA epektib naman oh, edi sana nasa dulo ka palang ng pila kung 'di ko ginawa yun HAHAHAHA"
"Che! San ba pwede bumili ng bag dito?"
"Ay doon oh sa Hermes"
"Waw! Pang school bag kase!"ang sosyal naman netong kasama ko, Hermes pa nais
"Sabagay, lunchbag ko kase ang Hermes"
Okay, I'm out HAHAHAHAHA my gahd! Sana ol mayaman---pero okay lang, atleast I'm happy!
Ang dami dami naming pinuntahang stores pero I ended up buying one small bagpack HAHAHAHA. Binder lang din naman kase ilalagay ko tsaka yung books naman daw pwede iwan sa locker doon sa school.
Maaga pa nung maka uwi kami ni Jess. Mga one hour siguro yun before lunch. Nauna na rin akong kumain kase sabi ni daddy may meeting daw sila nung owner ng bakeshop kaya matatagalan daw siya
Kasalukuyan akong nasa sala ngayon at naka bukas ang TV pero nag se cellphone ako HAHAHAH
Ano ba 'yon, kala ko sa Pilipinas lang may makikidaan na nga ang ingay ingay pa
May dumaan kase sa labas.Baka magtotropa 'yon. Ang ingay ingay pa nila makikidaan na nga lang
-----------------------------------------------------------
Huhuhuhu sorry! Di ako nakapag post ng updates kahapon. Natulugan ko pa yung chapter na sinusulat ko tas di nasave,buti nalang may revision history kaya narestore.Di bale 5 new chapters ang ipopost ko today.Keep safe as always!
![](https://img.wattpad.com/cover/233862058-288-k335913.jpg)
BINABASA MO ANG
Nostalgic Hiatus
Teen FictionThis story is all about an orphan who was luckily adopted and was given an ideal life she deserves.Everything seems so right not until she'll meet the Campus Hearthrob slash Playboy slash Heartbreaker.Unexpectedly, as they go through their senior ye...