Avery's PoV
3:30 na natapos ang photoshoot, sinabihan kami na pwede na kaming umuwi since pagod din kami sa practice
Nauna na umuwi sila mommy kase hinatid pa niya yung make up artist
Ipina alam naman ako ni Ash kung pwede daw ba kami lumabas and pumayag naman si mommy, matic naman na ata basta si Ash HAHAHAHHA
"Ba't tayo nandito?"tanong ko sakanya nung nagpark siya sa Zhao's Orphanage
"Wala lang, namiss ko lang 'to"sabi niya at pumasok na kami sa loob
"Ay magandang hapon sir! Napadalaw po kayo"sabi nung guard saamin
"Ah opo, nasan po ang mga bata?"
"Nasa may field po sir naglalaro"
"Ah sige po thank you"
Nginitian ko nalang si kuya kase 'di ko alam sasabihin ko
"Dito ako nang galing, dito ako in adopt ng mga Zhao, pinalaki nila ako, binihisan, provided me a quality education, and a best life"
"Kuya Ashton!"sabi ng mga bata at tumakbo sila palapit sakanya
"Oh ang lalaki niyo na ah"
"Sino po siya kuya? Asawa mo po ba?"tanong nung isang bata
"HAHAHAHA hindi"
"Hala lagot ka kuya nagsisinungaling ka!"
"Hindi ko siya asawa, nanliligaw palang ako sakanya"
"Hindi totoo 'yan kuya! Eh bakit kayo magkasama kung 'di kayo mag asawa?"sabi nung pinakabata sakanila
Natawa nalang ako
"Siya ang ate Avery niyo"
"Avery? Nako ikaw na ba 'yan?"sabi nung isang babae na lumapit samin, mga nasa mid 60s palang naman siya
"Po? Kilala niyo po ako?"nagtatakang tanong ko
"Oo naman! Tumira ka dito sa bahay ampunan iha"
"Huh? Si Xherlaine Brett po ang nanay ko hehehe"sabi ko nalang at napakamot sa ulo
"Baka iba po yung sinasabi niyo, baka kapangalan lang po niya"singit ni Ash
"Ah siguro nga, pasensya na medyo nakakalimot na ako dala na rin siguro ng katandaan"
HAHAHAHAHAHA weird
"Kuya Ashton! Ate Avery! Laro po tayo!"sabi nung mga bata
"Osige ano ba ang lalaruin natin?"sabi ko sakanila
"Tagu taguan po tayo!"
"Ikaw taya kuya!"sabi nung isa pang bata HAHAHAHA
"Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo,isa,dalawa...."
Nagtago na kami,actually 'di ako nakatago ng maayos eh kase ina alalayan ko 'tong mga bata
Ang laughtrip nila HAHAHAHAHA kitang kita naman sila
"Ikaw na taya ate Avery!"sabi ni Ash saken
"Tago na kayooo"sabi naman niya sa mga bata
After ko mag bilang nagsimula na akong hanapin yung ibang mga bata
Nacaught ng attention ko nung marinig ko si Ash na nagsalita
"Uy Oreo!"
Huh? Paano niya alam yung nickname ko? Nickname ko pa 'yon nung bata ako ah
At dahil naintriga ako, lumapit ako sakanila
May pinapatahan siya na bata
"Gusto mo yun? Gusto mo ng oreo? Maraming biscuit doon oh"sabi niya sa bata
Gulat pa ako, akala ko alam niya yung tawag saken nung bata ako, 'yon pala pinapatahan niya yung bata at nag ooffer siya ng biscuit na oreo para tumigil eto
Nagulat lang ako kase isang tao lang ang pumapasok agad sa isip ko kapag tinatawag akong Oreo, si Moshi lang ang tumatawag saken non
Childhood bestfriend ko si Moshi, 'di ko na matandaan kung nasaan na siya at ba't kami nagkahiwalay at kung paano kami nagka kilala, mga 3 years old palang kase kami non eh kaya 'di ko na rin maalala
Lumapit ako kila Ash at tinanong yung bata,"Bakit ka umiiyak?"
Di sumagot yung bata pero tinuro niya yung tuhod niya na may gasgas
"Hala dumudugo! Lika lagyan natin ng alcohol!"seryosong sabi ni Ash
Mas lalong umiyak yung bata
"Gaga ka ba? Mas lalo mong pina iyak eh"bulong ko sakanya
"Halika, gamutin natin yan para 'di na dudugo"
"Ayaw"
"Hindi yun masakit, hugasan lang natin ng tubig , sige ka kapag 'di mo hinugasan 'yan lalabas jan yung monster gusto mo ba 'yon?"sabi ko sakanya
Umiling yung bata at kumapit sa hita ko
Binuhat ko na siya at pumunta kami sa cr para hugasan yung sugat niya habang hinihipan ko
After non, nilinisan ko na at nilagyan ng betadine tsaka band aid
Mga bandang 5:00 na ng hapon,nagpa alam na kami ni Ash
"Sige po kuya, alis na po kami"
"Salamat po kuya!"
"Sige po ma'am sir ingat po kayo"
Habang nagdadrive si Ash bigla niya kong natanong...
"Paano ka natuto makipag usap sa bata eh wala ka namang kapatid"
"Hindi ko rin alam eh, si Bella kase halos sabay kami lumaki parang siya na yung nagsilbing kapatid ko and I treat her like my little sister, kung paano dapat makitungo sa mga tao, ganun din ang pakikitungo ko kay Bella"
"Bili tayo street foods?"tanong niya saken
"Oo naman! Street foods na 'yan hihindi pa ba ako HAHAHAHAHA"
"Ate Betamax nga po, tas isaw at adidas po"sabi niya
"Aba gusto na niya nung dugo HAHAHHAA"
"Shut up! Masarap naman"
"Kumakain ka rin pala nung adidas?"
"Yup, Ang sarap din kase"
"Alam mo ba na paa yan ng manok"
"Of course I know that duh"
"Eh diba yung manok kung saan saan tumapatapak WAHAHAHAHAHAH"
"Stooopppp kadiri kaaaa"
"Eh totoo naman HAHAHAHHAHA"
"Nalinisan naman na 'yan blehhh"
After namin ubusin yung pina ihaw namin eh binayaran ko na
Give and take, I can pay, hindi lang dapat siya ang gumagastos
Ewan ko ba kung bakit ganon yung mindset ng ibang tao,na dapat lalake lang gumagastos
No it's not like that. Not because the person loves you,you'll take that as an advantage to get anything you want, hindi ganon yun...If your man pays for lunch then you pay for dinner. If you want to be treated as a woman,treat him as your man as well
Nung nakarating na kami sa bahay,tinulungan niya akong bumaba kase yung Ford ang gamit niya at masyadong mataas yun tapos naka heels ako
"Thank you!"
"For what?"
"For making me feel happy all the time"sabi ko
"Happiness isn't a feeling , it's a choice and you must choose to be happy always okay, Basta ako nandito lang ako lagi for you"
"Awieee kilig puwet ko"
"Wala kang pwet"sabi niya
"Hmpp edi waw! Uwi ka na nga!"
"HAHAHAHAHHAA just kidding,get inside na sige na"
Nung nakapasok na ako at nasara ko na yung gate, bumusina siya 3 times at narinig ko na nagdrive na siya paalis
---------------------------------------------------------
Again,the products used are not sponspored.
BINABASA MO ANG
Nostalgic Hiatus
Teen FictionThis story is all about an orphan who was luckily adopted and was given an ideal life she deserves.Everything seems so right not until she'll meet the Campus Hearthrob slash Playboy slash Heartbreaker.Unexpectedly, as they go through their senior ye...