Chapter 55

17 0 0
                                    

Avery's PoV

"Ay shala! Apaka freshy naman ng vaklang twoh!"sabi ni Jess at nilagay ang kung ano anong accessories sa buhok ko

Dito na rin naglunch si Jess kanina kase maaga ko siya pinapunta dito tsaka wala din akong kasabay kumain kase 'di pa dumadating si daddy kanina tas kakauwi lang niya kaninang 4:00

Masquerade daw ang theme ng party kaya pinahiram ako ni Jess ng gown niya. Nagdedesign din kase siya ng gowns tas minsan, pinaparent niya or binebenta niya kung may interesado. Buti nalang may nabili kami dati ni daddy na heels sa mall

Naka gray suit na may pa buntot eme si Jess at black na turtle neck sa panloob then black slacks at leather na loafers tas naka ayos din ang buhok niya

"Takte ka! Kung di ka lang gurlalu nagkagusto na ko sayo!"

"Gaga!"

"Pero 'di na talaga magbabago isip mo? Like magka girlfriend tas magkaroon ng pamilya someday ganun"

"Letsugas ka! Yucks! Tara na naki cringe na ko teh errrr!"

"WAHAHAHAHAHAHHA sabi ko nga"

"Tito, alis na po kami!"paalam ni Jess pagkababa namin

"Oh sige,ingat kayo ha! Anong oras ang uwi niyo?"

"Hanggang 10:00 lang po ang party tito"

"Pero uuwi po ako before 10:00"singit ko sa usapan nila

"Hay nako Avery, enjoy mo ang party anak. Minsan lang ang mga ganyan ganyan. Oh sige na malate pa kayo, ingat!"

Sumakay kami sa sasakyan ni Jess. Oo teh,may sasakyan ang lola niyo! Naka tap down siya. Oh diba sana ol

Mga 30 minutes bago kami nakarating sa University

4:45 kami nakarating doon medyo konti palang ang mga tao kaya nakapag hanap pa kami ng table namin ni Jess. Puro round tables kase ang nandito tas chairs. Mga nasa 3-5 na tao ang makaka occupy sa isang table. Sa lawn ng school gaganapin ang party. Maya maya pa, rumarami na ang mga tao at bago papasukin ang mga estudyante, kailangan naka mask na sila para 'di na makita ng mga nasa loob na kase nga masquerade party ang magaganap.

"Ein angenehmer Abend Lizenzgebühren. A pleasant evening Royalties! Welcome to this year's Senior's Masquerade themed Acquaintance Party. The dancefloor is now officially open"sabi ng president netong Dauntless Royalties University

At dahil wala naman akong escort, tambay lang ako dito sa table namin ni Jess

Si Jess, ayun nakikipag sayawan na sa dancefloor jusko HAHAHAH

Naisipan ko na mag take ng pictures bilang remembrance na rin tsaka ipagyayabang ko kila Raine kung gaano kaganda 'tong school ko ngayon HAHAHAHA

Nung magseselfie sana ako, may nakita akong tao sa likod ko kaya napalingon ako.

"Hey! Wanna dance?"sabi niya, foreigner ata to. May accent eh

"Uh I don't wa----"

"Oh c'mon!, this is a night you must enjoy or maybe you want another night with me"sabi niya at inilapit ang mukha niya saken

Nasa dancefloor na kase kami kaya 'di ko na magawa na maka alis pa kase ang daming tao

"Why are you so quiet babe? Can't you talk? Or do you want me to do something to make you scream my name at the top of your lungs"

Punyemas sabi ko na nga ba eh, dapat di nalang ako sumama dito. Asan ka na ba Jess huhuhuhu

"Hey hey hey! Where do you think you're going huh?"sabi niya at inilapit ang katawan niya saken

"Let me go!"paki usap ko sakanya

Inilapit pa niya lalo ang mukha niya saken. Mga isang inch nalang ang pagitan ng mga mukha namin.

Ipinikit ko nalang yung mata ko kase alam kong wala akong laban dito, ang laki laki neto. Ang tangkad niya

"Let her go! You fvckin' bastard!"nakita ko nalang na naka upo na sa sahig yung lalakeng yun

"What happened? What did he do?"

Buti nalang dumating si Jess dahil kung hindi, 'di ko na alam mangyayari saken

"Inaya niya ako eh. 'di ako nakasagot agad kase hinila na niya ako sa dancefloor tapos ganun na nga. 'di ko naman inexpect na ganun ang mangyayari"

"Si Tim yun, gago yung lalakeng yun tapos manyak pa minsan. Nakita kase kita kanina na papunta sa dancefloor tas hinayaan ko lang nung una kase akala ko nag eenjoy ka lang tapos nakita ko na si Tim ang kasama mo kaya lumapit na ako"

"The buffet is now open"announce ng nag hohost na staff ng school

"Tara na habang konti palang pumunta"sabi ni Jess kaya pumunta na kami sa buffet table

Kumain lang kami ng kumain kase ang sarap din ng mga sine serve nila. Mostly European Cuisine

After ng party, naisipan namin ni Jess na umuwi na kase may klase na bukas at first day na first day. Mahirap na at baka malate pa ako. Sabay pa naman kami papasok

Buti nalang, wala silang uniform doon sa mga Senior students. Like----parang college na talaga

Mga 1:30 na kami naka uwi kase medyo traffic. Dumiretso na rin sa bahay nila si Jess after niya akong maidrop sa harap ng bahay

"Oh anak, how's the party? Did you enjoy?"

"Nako bat gising ka pa daddy? Okay lang naman po yung party"

"Hinintay nalang din kita kase 'di pa naman ako ina antok, oh magpalit ka na at matulog na. May klase ka na bukas"

"Okay daddy, goodnight!"sabi ko at pumanhik na sa taas para magtake ng shower at nang makatulog na rin

Raine's PoV
Kahit na medyo may amats pa kami, pumasok parin kami sa school ng bandang lunch

Si Ash ang hindi pumasok. Kaka uwi ko lang ng bahay at nag uusap kami ng barkada. Kinakausap namin si Ash. Tinatanong namin kung anong plano niya

"What now bro?"

"Anong gagawin mo?"

"Tuluyan ng nakipaghiwalay si Avery"

"She may do whatever she wants basta para saken, siya parin at 'di magbabago yun"

"Ay so ano yun, magpapaka martyr ka?"

"Martyr na kung martyr basta gusto ko kapag anytime na babalik siya saken, nandito parin ako"

"WAHAHAHAHAH maging masaya ka nalang din tol, masaya na rin yun for sure"

"Tsaka, we know na Avery deserves more"

"Pag mahal mo, palayain mo HAHAHAHA"

"Ikaw na pala ang may hawak ng damdamin ng minamahal ko WAHAHAHAHHA"

"Hindi ganon yun.Kapag mahal mo, ipaglaban mo.Kapag mahal mo, patunayan mo na sincere ka, na pure yung intentions mo sakanya. Hindi yung puro ka lang sugarcoated words tapos hindi mo naman kayang iparamdam at ipakita tsaka kapag mahal mo, 'di mo isusuko ng ganun ganun lang"

"Wow pare sana ol!"

Nag leave na ako sa call nila kase ang haba haba pa ng pinag uusapan nila.

Iniisip ko rin si Avery. Kung kamusta na kaya siya. Kung may nang cocomfort ba sakanya doon. Hayst

Parang ang saya saya lang namin kahapon tas biglang----kaboom!

Akala kase natin minsan, puro saya lang. Puro happiness lang ang life. Yung tipong nabubulag tayo sa katotohanan na walang permanente sa mundo. Kaya in the end, nasasaktan tayo ng sariling mga expectations natin.Hayst

Nostalgic HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon