Ashton's PoV
Alas sais palang ng umaga,nasa labas na ako ng bahay para pumunta sana sa 7/11 para bumili ng noodles pero nakita ko si Tita Laine na naglagay ng basura sa labas ng bahay nila
Kaya nilapitan ko siya....
"Good morning tita! Ang aga niyo po ata"
"Goodmorning din anak,ikaw ata ang maaga...teka,san ka ba pupunta?"
"Sa convenient store po sana bibili ng pagkain,hindi pa po kase kami nakakalipat officially jan sa bahay kaya wala pa pong groceries"
"Oh tamang tama,join me and Vien sa breakfast tutal dadalawa lang din naman kami dito kase pinag day off ko sila manang"
"Baka po magalit si Avery saken,dahil na rin po sa glasses niyang nasira ko"
"Ano ka ba Ashton,okay lang yun and besides diba binilhan mo naman siya ng set ng contact lenses"
"Ah eh,s-si mommy po yung nagpapabigay non...pinagalitan niya po kase ako nung nanghihingi ako sakanya ng pambili ng glasses kase hinold po niya cards ko tas sabi niya po nakakahiya daw po sainyo kaya bumili po siya ng set ng contacts"
"Ay hala,it's okay! halika na"
Nahiya rin naman ako tumanggi kase baka mamaya sabihin pa ni tita ang choosy ko so sumama nalang ako sakanya
Tinawag na niya si Avery but seems like napuyat ata at humirit pa ng 5 minutes HAHAHAHAHA
Kung hindi pa sinabi ni tita na malelate na siya,di pa siya bababa
Di ko alam kung matatawa ba ako sa itsura niya o maawa HAHAHAHA
Mukha siyang panda na tigre HAHAHAH,walang ka arte arte...walang suklay,walang hilamos,still wearing PJs pero maganda parin
Nako nako self umayos ayos ka
Nataranta ata siyang makita ako sa harap niya kaya tumakbo at bumalik din ng naka ayos na
After niya kumain,umakyat na siya para daw maligo
Kakapalan ko na mukha ko,ayaw ko namang pumasok ng school ng walang ligo no!
"Ah uhm tita,pwede po ba makigamit ng shower?"
"Oh yeah sure! Doon nalang sa taas kase di pa napapa ayos yung shower jan sa main cr"
After namin magligpit ng pinagkainan,nagpresinta na ako na maghugas...at first ayaw pa ni tita pero pumayag din siya
"Punta ka nalang doon sa taas,may extra towels and hygiene kit doon"
Pero dahil may toothbrush naman ako sa sasakyan kaya lumabas ako saglit para kunin yun and after ko mag toothbrush,binalik ko na sasakyan saka ako pumunta sa taas
Saan ba ditong cr?
Sa taas kase ng bahay nila,may 4 rooms
Yung isa office,nasabi kong office yun kase kita naman yung loob dahil pure fiber glass yung labas
Tapos baka yung katabi niyang door is room ni tita so hindi yun yung sinasabi niya
Yung isa mukhang guest room ata,baka walang cr yun so pumasok ako sa pintuan na isa
Cream ang interior nito and pag pasok mo ng pintuan,makikita mo ulet ang isang pintuan
Ah baka eto na yung sinasabi ni tita,I opened the door,hindi naman naka lock
Nagulat ako nung nakita ko si Avery na naka bath robe at may towel sa ulo tas nagwawax ng legs
At yun na nga ang nangyari,pinaghahampas niya ako at binato pa ng lotion buti nalang at naka ilag ako
Nung lumabas na siya,pumasok na ako at naligo na
Nung natapos na ko inayos ko lang yung necktie ko sa harap ng vanity mirror at kumanta
Bat kaya ang tagal niya mag bihis,jusko naman
Well,girls will always be girls hayst
Nung narinig ko na nagclick na yung pintuan ng walk in closet niya ata yun,nanonood na pala siya saken pero instead na tumigil,I stare at her for seconds and sang the chorus part
Then,pumunta na siya sa may vanity para mag ayos,I saw that she's using the contact lenses
Nalaman ko na may aso pala siya,may aso din ako dati pero binenta nila daddy kase di ko daw na aalagaan
I sat on her bed and her dog jump on me
Mabait naman tong aso niya,mukhang well trained, her dog is cuddling me
"I think she likes me HAHAHAHA,sana ol like diba,sana yung amo din niya like ako"
Sabi ko pero pabulong na yung last part
Mukhang hindi naman niya naintindihan
"Ha?"
Wala na akong maipalusot kaya....
"Wala,sabi ko ang panget mo"
What kind of reason is that Ashton ugh
"Letse ka talaga!Arghh kahit kailan"
Sabi niya at tuluyan na ngang bumaba
Nice Ashton strike 1 HAHAHAHA
After ko mag ayos,bumaba na rin ako
Avery's PoV
Huwaaaattt?? Mahal pa ba ako ni mommy?
Kung oo bakit parang pinapaubaya na niya ko sa iba huhuhu
Pagkababa ko dahil sa inis sa lalakeng yun,pumunta ako sa ref para kumuha ng malamig na tubig pero nakita ko na may note si mommy
"Anak,I need to go kailangan maaga mag open sa shop ngayon,it's your choice kung sasabay ka kay Ashton or maglalakad ka,pero lubak yung daanan kase umulan kagabi tapos on going ang road work sa kabilang highway,bye! Take care
-mom♡"Okay may magagawa pa ba ako?
Asan na ba kase yung abo na yun? Ang tagal naman
Speaking of, bumaba rin
"Tara na,lock mo yung pintuan at gate"sabi ko at dumiretso na sa labas at nakita ko yung kotse niya na nakapark sa labas ng bahay nila pero di pa ako makapasok sa loob kase nasa kanya yung susi
"Ano na ang tagal!"reklamo sakanya habang nakatayo at naka cross arms sa harap ng sasakyan niya
"Woah,parang kagabi lang akala mo ikakamatay mo pagsabay saken tapos ngayon nagmamadali ka"
"Daldal ng daldal pwede ba buksan mo nalang at ayokong malate"
"Eto na po mahal na prinsesa"sabi niya at pinagbuksan pa ko ng pintuan
Aba kung sa tingin niya utang na loob ko sakanya tong ginagawa niya,aba magpa check up na siya kase dapat lang no,dami dami na nyang atraso saken tsk
Sa buong biyahe,walang imikan saming dalawa
Oo tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating na kami sa campus
At syempre,as expected may mga chismosa nanaman
Hayst,baka maissue ako neto
Pinark na ni Ashton yung sasakyan niya sa likod ng school,sa may parking area
Nung napark na ng maayos,nauna na akong bumaba at naglakad
"You're welcome!"sigaw niya saken
Huh! manigas ka jan,di ako magtethank you sayo
I do not owe you one dzuhh
BINABASA MO ANG
Nostalgic Hiatus
Teen FictionThis story is all about an orphan who was luckily adopted and was given an ideal life she deserves.Everything seems so right not until she'll meet the Campus Hearthrob slash Playboy slash Heartbreaker.Unexpectedly, as they go through their senior ye...