Chapter 56

18 1 0
                                        

Avery's PoV

"Oh Avery, ang aga mo ata nagising"bungad ni daddy saken habang hinahalo ang kape niya. 5:30 palang kase ng madaling araw. Good thing nag alarm ako

"Ah opo dad, 7:00 po kase ang pasok ko mahirap na po baka malate pa ko eh first day ko pa naman doon"

"Ganun ba? Saglit lang at ipagluluto kita ng pang umagahan mo"sabi niya at kinuha ang pan saka sinalang sa stove

"'wag na po, mag o oatmeal nalang po ako"

"Mahaba haba ang araw mo ngayon, 'di pwedeng oatmeal lang. Kailangan mo kumain ng heavy meal anak"

I love how thoughtful and caring daddy is. Kahit na sa maliit na bagay.

I appreciate every little thing and efforts he does.

"Maliligo na po muna ako at magreready tapos ba baba nalang po ako mamaya para sakto pong nakaprepare na" sabi ko at bumalik na sa kwarto ko para maligo

I was about to take a shower pero nag ring yung phone ko kaya tinignan ko ito at nakita ko sa caller ID kung sino ang tumatawag. Kahit na ayaw kong sagutin kase baka may masabi akong di ko gugustuhin, sinagot ko parin

Raine's PoV

11:30 AM na at nandito ako ngayon sa school pero absent ang prof namin kaya vacant time namin ngayon

Si Brianna at Aevhan kinakausap si Ash sa gilid. Ako naman, naisipan kong tawagan si Avery. Hayst, nakakalungkot lang kase wala 'yong nakasanayan ko. Wala 'yong kachikahan ko. 'yong ka kopyahan ko. Natransfer na rin daw sa ibang school ang records niya kaya clear na siya dito sa Southview.

Alam na ni tita Laine na wala na yung records niya dito at natransfer na siya sa ibang school pero 'di niya alam kung saang school kase ayaw sabihin doon sa business office kase daw confidential at kahit pa sinabi ni tita Laine na anak niya si Avery, ayaw parin ipa alam sakanya kase hindi daw siya ang pumirma sa form ng pagtransfer ng school records ni Avery

*Ringing.....*

"Hello? What do you need? I'm done playing your shitty games" bungad niya saken

Wow ha bakit parang kasalanan ko pa

"Sorry ha"sarcastic na sabi ko

"Ano to? Is this part of your so called surprise? HAHAHAHA mukhang ako ata ang nasurprise"

Shuta, dapat kase 'di ako pumayag sa shot shot na yun eh leche

"Sorry Avery, 'di ko intensyon na saktan ka. Kung alam ko lang na ganun ang kahihinatnan ng pag inom inom namin, sana 'di nalang ako pumayag nung una palang. Sorry Avery"

"HAHAHAHA sabagay, you were too busy thinking for your own sake. What's new Raine? ganyan ka naman eh, sarili mo lang iniisip mo"

"Hindi ko rin alam kung paano napadpad si Hailee doon kase nung nag start ang celebration, kaming lima lang ang nandoon. Si Josh, ako, si Brianna, si Aevhan at si Ash. Walang ibang tao don"

"Ah okay. So ano yun? Nag magic ganon? Nag teleport yang Hailee na yan tapos boom! Sa kwarto ni Ashton napunta at naglanding padapa sa katawan niya? Wow astig"

Nararamdaman ko na nagpipigil si Avery. 'yong galit niya, 'yong saket na nararamdaman niya ngayon. Hindi ko alam ang sasabihin ko

"Oh natahimik ka? Baka nga pasimuno pa kayo sa kagaguhan na yan eh. 'di ba may gusto ka kay Ashton dati? Oh iyong iyo na. Isaksak mo na sa intestine mo pati na rin sa atay mo"

"Avery, naiintindihan ko na nasasaktan ka sa mga nangyayari sayo ngayon pero 'wag mo naman sana ako pag isipan ng masama, pati na yung barkada . Oo Avery nagkamali ako, nagkamali kami pero 'yong sabihin mong parang kasalanan pa namin kung ano man yung iniisip mong nangyari sa dalawa, katulad mo rin kami Avery. Katulad mo rin kaming walang kamalay malay sa nangyari kase lasing kami. Wala sa tamang huwisyo kaya magdahan dahan ka sa pagsasalita mo"

"HAHAHAHA toxic people+shitty persons do really vibe together"

"Kahit na ganyan ka Avery, nandito lang yung tropa para sayo. Kahit na pinag iisipan mo kami ng masama. Alam namin na wala ka ring makakapitan ngayon dahil sa sitwasyon mo kaya nandito lang kami lagi na handang damayan ka at intindihin ka kahit na gaano kahirap pa yang pinagdadaanan mo"

Ang sakit sa heart huhuhu

"I gotta go. Bye"

*toot*

Avery's PoV

I don't care. I don't wanna give a damn. Buhay ko 'to kaya gagawin ko kung anong gusto kong gawin. I don't deserve this burden. I deserve happiness. Gaya nga ng sabi ko nung unang pagtapak ko sa bansang to, I need change.

I'm free.

Walang makakapigil saken sa kung anong gusto kong gawin.Masyado ng madrama.Maliligo na nga ako

...............

Mga 6:20 na ako natapos sa pag prepare at pag kain ng almusal

Nag casual outfit lang ako. Since patapos naman na ang winter at medyo jumijinet na, nag faded jeans nalang ako tapos loose croptop tsaka white shoes. Naka ready na rin ang bag ko kagabi pa

Kaya nung narinig ko na bumubusina na si Jess, ay nagpa alam na ko kay daddy at lumabas na.

"Goodmorning sis!"bati niya saken at bineso beso niya ko

"Goodmorning! Jusko kinakabahan ako mader!"

"Gaga, 'di ka naman lalamunin don tsaka mababait naman sila. Iwas ka lang talaga sa mga pacool at manyak gaya nung naka encounter mo sa party"

Nagkwentuhan lang kami ni Jess hanggang sa makita ko na ang Dauntless Royalties University.

Nagpark lang saglit si Jess at bumaba na kami

"Goodmorning Sir, Maam!"bati ng guard samin

Kaloka ang bongga ng guards namin dito. Naka black suit sila na parang trench coat ang style tapos beret hat

Private din 'to pero compared sa Southview mas mura ang tuition dito kase nga state university tas nag ooffer din sila ng scholarships

According kay daddy, 60k ang tuition dito pero hindi free sa cafeteria. 'di gaya sa SVRIS. Pero ang maganda dito sa university na 'to eh nasa iisang area or compound ang mga kainan. Dito mismo sa kinatatayuan ng school eh katabi ang Starbucks, iba pang coffee shops, may mga resto rin tas bookstore kaya hindi na hassle kapag may projects

Tapos bago makapasok eh may scanner doon sa may guard. Ipapakita mo yung ID mo dun sa scanner tas pag naverify na,may magtetext sa magulang na nakapasok na yung anak nila.

Buti nalang at binibigay agad yung ID dito pagka enroll mo

Walang elevator sis kaya no choice tayo kundi maghagdan. Sabagay, sa 3rd floor lang naman ang classroom namin. Katabi lang ng classroom nila Jess

"Oh teh, sabay tayo mamayang breaktime ha. Pasok na ko. Babush!"sabi niya at nag beso ulet kami

Aba malay ko ba sa vavaeng twoh! Ang hilig bumeso

Pumasok na ako sa classroom kahit na medyo nahihiya ako. Nginingitian naman ako ng mga kaklase ko dito. 'yong iba tinatanong kung bakit daw ako nagtransfer.

Gusto ko sana umupo sa likod pero occupied na kaya no choice ako kundi sa harapan umupo

"Hi! Are you new here? Btw, I'm Arabella. Ara for short"sabi netong katabi ko

Hala namiss ko tuloy si Bella. Naalagaan din kaya siya ng maayos doon?

Ang ganda niya beh! Ang puti mahaba na wavy ang buhok na blonde tapos ang sexy niya tignan sa dress niya

"Uh yeah, I'm a late enrollee. I'm Avery Brett"

"Oh nice to meet you! We can be friends. I like you already hihihi"sabi niya at kumapit sa braso ko

Maya maya pa ay dumating na ang prof namin at inintroduce ako sa klase.

"Good morning, may I borrow your time to get to know this lady"

Tumayo na ako sa kina uupuan ko at humarap sakanila

"I'm Xyielvien Avery Brett, 18 years of age, A late enrollee from Philippines. Nice to meet y'all"sabi ko at ngumiti tsaka bumalik na pagkaka upo

Nostalgic HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon