Chapter 47

12 0 0
                                    

Avery's PoV

From Batangas to Quezon City, 1 hour lang ang biyahe namin dahil nag chopper kami

"Welcome home anak! Sayo rin 'to kaya feel at home habang hinihintay natin ang ticket" sabi ni daddy at nilapag na ang mga gamit ko sa may couch

"Thank you daddy!"

Nag padeliver nalang si daddy kase mamaya ay aalis na kami

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo anak?"

"Opo, 'di na po magbabago yun"

"'di mo man lang ba sila tatawagan?"

"Hindi na po, sila Raine nalang po siguro ang tatawagan ko mamaya pagdating natin sa ibang bansa"

"Okay, pero anak. Mali yang pagtatanim mo ng sama ng loob ha"

"Hayst"

..............

Mga 8:00 PM kami umalis ng condo para pumuntang airport

Sabi ni daddy bibilhan nalang daw niya ako ng mga damit doon tsaka 'di na ako tumanggi kase baka pag nagmall pa kami eh may makakita pa sakin doon

"Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 2B5 with service from Manila to Switzerland . We are currently third in line for take-off and are expected to be in the air in approximately four minutes time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing Zharia Airlines. Enjoy your flight!" pre boarding call ng flight attendant

Tinuro na ang safety chuvanes at maya't maya pa ay nag announce na ang captain para sa pag take off

First time kong mag eroplano kaya sa airport palang kanina, nagphotoshoot na ako HAHAHAHAH

Ashton's PoV

"Hello tita?"

"Ha? Ano po? Wala naman po siyang text sakin at 'di rin po siya sumasagot sa mga tawag ko, sabi po nila Raine galit na galit parin daw po siya kase naka facetime daw po nila kahapon"

Hayst

Hanggang kelan kaya na ganito? Ang saket pero kailangan kong tanggapin 'to. Kasalanan ko rin naman. Kausapin ko nalang bukas sa school

Laine's PoV

"Nurse, nasan po yung pasyente dito?"

"Sino po sila maam?"

"Nanay ako ni Xyielvien Brett,nasan siya?"

"Ay kanina pa po nadischarge maam, inasikaso po kaagad ni sir yung bills niya kaninang umaga"

Ano??? Hindi pwede to

Sinasabi ko na nga ba eh, nangyari na ang kinakatakutan ko. Sumama siya sa tatay niya dahil sa sobrang galit niya saken

Jusko, eto na ba ang parusa niyo saken?

Kung ito na nga ang kapalit ng mga kasalanan ko, hindi pa ako ready...napaka walang kwenta kong ina para hayaan ko ang anak ko na malaman sa iba ang totoo.

I should have told her earlier. Pero wala na akong magagawa. Kahit pa na pilitin ko siyang sumama saken, alam ko naman na 'di na siya sasama

Ni hindi ko siya macontact. Nakapatay ata ang cellphone niya kase cannot be reach

Hindi naman siya pababayaan siguro ng tatay niya

"Ah miss, sainyo na ito oh, para sa anak ko sana 'yan pero 'di ko na naabutan"sabi ko at inabot sakanila ang plastic kung saan nakalagay ang mga binili kong paborito niyang pagkain

Nostalgic HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon