Avery's PoV
Alas 8:00 na ng gabi dito sa Switzerland at nakapag dinner na rin kami ni daddy
Nandito ako ngayon sa baba kase sobrang lamig nagdrop nanaman sa 15°C yung temperature dito kaya nandito ako sa may harapan ng furnace dito sa sala
Naisipan kong mag online para tignan kung anong meron sa buhay ni Avery sa Pilipinas
Okay expected...ang daming chat galing kila Raine. Marami ring missed calls na galing kay Ashton at Xherlaine
For sure madaling araw na doon ngayon at tulog pa sila
Nag iwan nalang ako ng message at natulog na rin. Napagod din ako sa biyahe and feeling ko naalog ata yung utak ko kung meron man char
Is this considered an escape?
Kung oo, then I will make this escape worth it. Sisiguraduhin ko na yung pagtakas ko sa magulong buhay ko sa Pinas ay mapapabuti ako sa kung ano ang tinahak ko ngayon. Yes I know, magbabago ang buhay ko. Magiging masaya ulit ako.
Matutulog na sana ako pero may kumatok
*knock* *knock*
"Avery, gising ka pa ba anak?"sabi ni daddy mula sa pinto
"Opo...bukas po yan, pasok lang po kayo"sabi ko at umupo ng maayos sa higaan ko
Hinila ni daddy yung upuan dito sa may study table sa gilid ng kama ko
"Anak, masaya ka ba talaga dito sa desisyon mo?"
"Oo naman po, 'di ko pag sisisihan to. For atleast once, gusto ko ipaglaban yung gusto ko"sagot ko sakanya
"Pero hindi pwedeng habang buhay mong tatakbuhan ang realidad. May mga taong nagmamahal sayo doon na walang kamalay malay na milya milya na ang layo mo sakanila. May mga taong naghihintay sayo Avery. Kelan mo balak bumalik?"
"I know I can't forever run pero hangga't kaya ko pang tumakbo palayo, hangga't kaya ko pang ipaglaban yung sarili ko, I'll stay here"
"If it is so, then atleast give them a call. Just let them know you're doing good. Basta ako, nandito lang ako lagi para gabayan ka. Kapag mali na yung ginagawa mo, I won't hesitate to interfere and correct you. Matulog ka na pupunta tayong mall bukas" sabi niya and kissed me goodnight saka lumabas ng kwarto ko
Humiga na ulit ako yakap yakap ang unan ko at nakatitig lang sa kisame
Hanggang kailan ka nga ba magtatago Avery?
Hanggang kelan ka tatakbo?
Hanggang kelan mo paniniwalain yung sarili mo na ito yung realidad?
Kelan ka nga ba babalik?
Hindi ko rin alam
Hindi ko alam
Basta aayusin ko ang buhay ko dito. 'pag balik ko ng Pilipinas gusto ko yung strong na Avery na ang haharap sakanila. Yung best version na ng Avery
Pero dahil alam kong sira ako ngayon. Durog. Susubukan kong maging masaya ulit. Susubukan kong ayusin ang sarili ko. Susubukan kong isink in lahat ng nangyayari.
Huling luha na 'to na tutulo sa mga mata ko. I deserve happiness. I deserve happy tears. I don't deserve this pain. I deserve a good life
Pagkatapos ko magdasal ay natulog na ako.
Hayst, isang araw nanaman ang natapos
----------------------Raine's PoV
"AYY JUSMEEEE SALAMAT NAMAN AT BUHAY KA PAAAA!"sabi ko at nagtatalon talon sa tuwa ng makitang may chat si Avery
BINABASA MO ANG
Nostalgic Hiatus
Teen FictionThis story is all about an orphan who was luckily adopted and was given an ideal life she deserves.Everything seems so right not until she'll meet the Campus Hearthrob slash Playboy slash Heartbreaker.Unexpectedly, as they go through their senior ye...