Pitong segundo.
Kuntento na ba 'ko sa buhay ko?
Sa dami kong nasagot na mga tanong, ito lang ang hindi ko kayang sagutin.
Oo? Siguro?
Hindi?
If I really am, I wouldn't even hesitate to say yes right?
Yes, I feel satisfied when I see their smiles. The look on their faces once they received a small simple gift. Yes, my heart bubbles in joy after helping those who are in need.
...Pero bakit parang may kulang? There's this hollow emptiness inside my chest. A dark sheet of loneliness and unsatisfaction.
Sa tagal ng elevator pati buong kaluluwa ko kinuwestiyon ko na. Pati ata si mader sa tabi ko malalim ang iniisip.
10:30 na ng gabi pero maaga pa shift ko bukas. Huhu, magiging panda na itsura ko sa lagay na 'to.
Dali-dali akong pumasok sa condo ko, pagod at walang buhay. 7 ng umaga trabaho ko sa isang business firm kaso medyo malayo iyon sa condo ko kaya kailangan alas-singko pa lang ng umaga gumigising na ako, kasama na roon iyong traffic at layo. Malapit na rin katapusan ng buwan kaya kailangan na rin magbayad. Parang mauubos ata halos lahat ng sweldo ko ngayon...
Pwede bang time-out muna ako? I need a break from this world.
"Hay, salamat naman at andito ka na. Kala ko nakidnap ka na eh!"
Napatalon ako sa gulat, paano siya nakapunta dito?
On the small couch sits a petite woman, narrow eyes turning into white crescents when she smiles cheekily. She's Mary Lee, my best friend since college. Simple lang ang suot niyang dress pero kitang kita yung magandang hubog ng kaniyang katawan. Siya lang ata hindi nagbago sa amin.
"Anong ginagawa mo rito? Pano mo 'ko nahanap? How'd you even get inside?!" I bombarded her with questions, still in shock at her sudden appearance.
"Hala ganiyan ka ba bumati ng kaibigan? Ouch naman tintin!" Tumayo siya at tiningnan akopababa, "Ayaw mo bang binisita kita?"
I rolled my eyes, "Drama mo, Mary."
She chuckled, adorable and infectious. Hearing her cute laugh is nostalgic.
She welcomes me in her arms, tightly hugging after years. "I missed you," she whispers. I hear her voice waver a bit.
"Missed you..." I mumbled in my faintest voice. Medyo nanginginig ang labi ko. Hindi pwedeng umiyak. Wala naman dapat iyakan.
"Ang ganda mo pa rin!" Nilayo niya ang mukha niya para tingnan ako ng maayos.
"Ikaw din naman! Ang tangkad mo na nga oh, iniwan mo na 'ko!"
Ngumisi naman sya habang pinapakita ang mahaba niyang biyas at nag kukunwaring rumarampa.
Nilabas ko cellphone ko, "Kumain ka na ba? Gusto mo order tayo ng food?"
Tiningnan niya ako ng may makahulugang ngisi, "Alam mo naman basta pagkain hindi ko tinatanggihan di'ba?"
Umorder na kami ng pagkain at habang hinihintay dumating, nagpalit muna ako ng suot ko dahil matutulog naman na ako. Pinagmasdan niya ako mula sa likod at maya maya ay nagtanong, "Kumusta na, ha? Tagal nating hindi nagkita ah, parang kahapon lang..."
Sakto naman at nag ring ang doorbell, hudyat na andiyan na ang pagkain namin. Agad akong umalis kahit naghihintay ng sagot si Mary. Binuksan ko ang pintuan at nagpasalamat muna kay kuya na nagdeliver ng food bago pumasok sa loob ng condo.
Inayos ko na sa lamesa ang mainit-init pang pagkain, sumunod naman si Mary.
"So paano mo naman nalaman saan ako nakatira?"
Ngumisi ng malaki si Mary, "I don't know... I just felt like I needed to visit my grandparents here in Nueva Ecija and boom! I saw you!"
Umiling lamang ako at umupo. "Kahit kailan talaga Mary..."
"Tin, birthday ko na sa isang araw...punta ka sa birthday party ko pleaseeee" with matching pag beautiful eyes pa.
"Sure, sino sino ba pupunta?" I did not look at her but focused on placing the plates.
"Sila..."
I stopped. Alam ko na agad kung sino ang mga tinutukoy niya at inisip ko pa lang makita sila parang madudurog ulit yung puso ko.
"No."
"Tin..."
Walang sinong umiimik sa aming dalawa. Only the clinks of utensils can be heard between us.
Suminghap siya ng malalim, mas naging seryoso ang boses, "Ang tagal na rin, Tin. Miss ka na rin nila. Reunion naman oh, tayo tayo lang? Kahit sa birthday ko man lang mabuo tayo ulit."
HIndi ako umimik. Nope. Why should I see them? Para lokohin ulit ako? Para durugin lalo ang puso kong durog na?
"Kahit isang oras lang? Limang minuto! Ipakita mo lang mukha mo!" Pagkulit niya.
"From what I remember wala ng grupo, so ano pinagsasabi mo diyan?" I didn't really mean to sound rude.
She dropped her utensils and stared confusedly at me."You still haven't moved on? Hindi ka pa rin nagpapatawad?"
Ngumuya ako nang mabagal, nag-iisip ng kung anong pwedeng isagot.
I heard a scoff from her. "My goodness, hindi na ikaw ang Tintin na kilala ko."
I clenched my fist to supress my anger, "Do you really think I can forgive what they did to me? Kampi ka sa kanila ganoon?"
"Now you're being immature!"
Umigting ang panga ko, "Pero alam mo naman yung nangyari dati di'ba? I don't know, Mary. I just can't bare to see them again," tiningnan ko ang kaniyang mga nakikiusap na mata, "Sa tingin mo ba mabubuo pa ulit yung pagkakaibigan natin? Dahil para sa'kin... "
"...malabo."

BINABASA MO ANG
Tidal Waves
Teen FictionCelestine Areum Dalton reaches genuine happiness after meeting her now group of friends, having supportive parents, and helping those who are in need. Everything seems perfect until not. When that one mistake ruins their three-year solid friendship...