"What do you think about this dress?" Mary showed a very revealing dress. Halos lahat na yata ng kaluluwa kita. We're shopping gifts right now since Christmas is just around the corner.
"Daig pa niya bikini ah."
"Gaga! Hindi naman para sayo 'to, kay Iris. Alam mo naman yung babaitang yon."
"Or ito na lang?" Tinaas niya ang isang black na longsleeve dress at pinakita ang backless sa kabila. Sobrang iksi nito pero mas marangal yon kaysa sa nauna.
"Yan na lang." Tumango naman siya at ibinalik sa kinalalagyan ang isa. Saktong paglagay niya ay may nakakuha agad ng atensyon ko na dress na katabi nito. Simple lang yon at bagay kay Mary kaso paano ko mabibili iyon kung kasama ko siya ngayon, edi alam niya na yung ireregalo ko sa kanya!
"Tin!" Tawag niya sakin.
Tumuro siya sa isang shop, "Titingin lang ako doon sa kabila." Paalam niya.
Nakahinga ako ng maluwag at mabilisang binili ang pulang heart-shaped dress.
"That's for Mary?" Nasa likod ko na pala si Lukal.
Napahawak ako sa dibdib ko. "Para kang kabute! Bigla bigla na lang susulpot."
"You bought, already?" Tanong ko nang nakita ang ibang paper bag na hawak niya bukod sa akin.
He timidly nodded. Para bang walang ka energy energy sa buhay.
"Ano binili mo?" Sinubukan kong silipin ngunit tinago na niya agad sa likod niya. Tinulak niya pa ang noo ko gamit ang kaniyang hintuturo.
"It's a surprise."
I pouted, "Patingin lang eh. Damit ba mga 'yan?" Umiling lamang siya.
Tiningala ko siya at siningkitan ng mata. "You don't like talking, noh?"
"Depends on the person."
My head tilted, "So you don't like talking to me?"
Kumunot ang noo niya at nagtaka. "Why do you think so?"
"Kasi hindi mo naman ako masyadong kinakausap?" Nagtatakang tanong ko.
"This is my pinakamadaldal self."
I suddenly burst to laughter. Tinakpan ko ang bibig ko, kunwari mahinhin pang tumawa. "Conyo mo!"
"You don't like talking, noh?" He mocked my words.
"K." I playfully rolled my eyes at him, trying to wipe my silly smile. And failing to do so.
BINABASA MO ANG
Tidal Waves
Genç KurguCelestine Areum Dalton reaches genuine happiness after meeting her now group of friends, having supportive parents, and helping those who are in need. Everything seems perfect until not. When that one mistake ruins their three-year solid friendship...