Chapter 19

3 0 0
                                    


 I checked everyone else to see if they're ready. Andiyan na si Iris, Sof, Mateo, Lukal, Asher, Mary... sino pa? 


Pito dapat kami bakit anim lang ang nabilang ko? 


Ay ako nga pala 'yon noh. Kasama rin pala ako. 


Dederetso na sana ako papunta sa Ranger ni Lukal para samahan sila Sofia nang hawakin ni Asher ang pulso ko. "You won't accompany me? Mag-isa ko lang." 


"Ako, papi Asher! Sasa— aray putcha!" Nagtaka ako kung bakit hinawakan ni Mateo ang paa niya, namimilipit sa sakit.


Nilingon ko si Sofia na binuksan ang pinto at pumasok sa pick-up. "Pero..." 


"Beh," sabi ni Mary at inakbayan ako, "Doon ka na, kawawa naman loner si Asher." 


"I'll accompany you Ash—" agad tinakpan ni Mary ang bibig ni Iris at hinatak ito patungo sa nakabukas pa rin na pinto ng sasakyan. 


Umupo na sila doon at dinungaw ako ni Mary, malaki ang ngisi, "Tsaka puno na dito, eh. Doon ka na para makaalis na tayo." Kumindat siya.


Four hours ang byahe kaya halos kung ano ano pinag-uusapan namin ni Asher hanggang huminto kami sa isang gasoline station. His dimple would always show up whenever he smiles while reminiscing a memory, not failing to send tingles on my nerves. Nag-sorry din siya dahil sa pagkainis niya last week— which I totally understand— at na-guilty daw siya kaya babawi siya. 


He pulls his warm hand that was softly cradling mine and gets out of the car. I hate to admit this, but I'm kinda missing the warmth. 


Bumaba na rin ako at nag-stretching. Sinalubong ko si Mary sa convenience store na kumakain ng burger. She wiggles her eyebrows once I got near. 


"Simula pa lang ng trip mukhang masaya ka na ah." 


Umiwas ang ako ng tingin at nagkunwaring tumitingin ng pagkain. "Si Sof?" 


"Tulog." Nag-kibit balikat siya at may bago na namang hawak na pagkain. 


Bumili lang ako ng ice cream at lumabas na sa store kasama si Mary. Nag-uusap si Mateo at Asher sa harap ng sasakyan niya, mukhang nang-aasar pa si Mateo. 


Pinuntahan ko ang driver's seat at dinungaw si Lukal na abala sa phone. "Namamasko po kahit summer na..."


Kumunot ang noo niya at umubo. Natawa ako nung hindi niya pinahalata na nagulat siya, pero nahalata ko paano ba yan. Nag-abot siya ng dilaw na papel at mas lalo akong humalakhak. 


"Sorry, ito lang barya ko eh. Pasensiya ka na," malungkot niyang sabi. 


"Yaman naman natin, 500 ang barya." He cutely smiled while I returned his bill. "You want anything?"


Tidal WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon