I tied my hair in a high ponytail, wore a plain shirt and black leggings for my morning jog.
Habang umiinom ako ng maligamgam na tubig, lumitaw si manang ng naka-leggings din. Mas kumpleto pa nga outfit niya dahil sa headband at racerback niyang suot. Neon pa!
This is what I mostly do on weekends. I don't gym and exercise a lot so to maintain my figure, I would eventually have to move. Kaya sinasamahan ko na lang si manang sa kaniyang jog kung trip ko. Mahilig kasi siyang mag exercise.
"Let's go, Manang?"
Tumawa ako nang napansin kong wala na pala si manang sa tabi ko. Nilingon ko siyang hinihingal at nakahawak sa kaniyang tuhod.
"Tintin! Saglit lang iha!" Hingal niyang sabi.
Honestly pagod na pagod na rin ako. Ayaw ko lang magpatalo.
"Dali Manang! May rottweiler na sa likod mo oh!"
Biglang kumaripas sa takbo si manang hanggang sa maabutan niya ko at malagpasan. "Bahala ka na riyan, Tin! Kaya mo na yan!"
Wow, I felt betrayed.
Naglalakad na ako nang lumingon si manang, pawis ang buong katawan. "Ikaw bata ka! Pinatakbo mo pa ako ng sobra wala naman palang aso!"
I cheekily smiled, "Iiwan mo nga ako mag-isa pag may asong nanghahabol! Mas masakit yun manang!" Hinawakan ko ang dibdib ko na parang may masakit.
Umiling lamang siya at huminga ng malalim, "Rest muna Tin. Di na kaya ng powers ko."
"Inom ka po muna tubig," binuksan ko at inabot ko sa kaniya ang bottled water.
My phone beeped in my pocket.
Asher: Walang good sa morning ko ngayon.
I bit my lip to prevent myself from smiling.
Ako: Bakit naman?
Inabutan ko din si manang ng bimpo, basang basa na kasi yung nasa likod niya. "Manang super sexy niyo na po talaga ko pagtapos nito." Tumawa lamang siya.
My phone beeped again.
Asher: Hindi ko kasi nakita mukha mo eh.
Pumikit ako ng mariin at nagtipa ng reply.
Ako: Good Morning :)
Ako: There's my face.
Nakangiti ako habang hinihintay siyang mag reply. Kumakanta si manang ngayon ng isang kpop song. Oo, mahilig siya sa mga ganun.
BINABASA MO ANG
Tidal Waves
Genç KurguCelestine Areum Dalton reaches genuine happiness after meeting her now group of friends, having supportive parents, and helping those who are in need. Everything seems perfect until not. When that one mistake ruins their three-year solid friendship...