Chapter 4

7 1 2
                                    


Before I reach the door, hindi ko napansin na nasa likod ko na pala agad si Asher at siya ang nag bukas ng pintuan. What a gentleman. Medyo napangiti ako sa ginawa niya kasi sa panahon ngayon, sobrang bihira ka na lang makakakita ng lalaking gaya niya.


"I'll order, what do you like?"


"Kahit ano." Nahihiya kong sagot sa kaniya. Nakakailang kasi ang titig niya sakin...


"Sige tatanong ko na lang kung meron silang 'kahit ano' sa menu." Pabiro niyang sagot.


I narrowed my eyes while looking up at him. Oo, lahat na lang sila matatangkad. Hindi naman nakaka-inggit.


"Cute mo!" He suddenly pinched my cheeks before ordering and I felt all my blood rush up to my face. What was that for? Goodness!


I looked at him once he started ordering. Simple lang ang suot niya ngunit mababali mo ang leeg mo sa kakatingin dahil sa kaniyang aura. From the way he walks to the way he talks, he seems to charm everyone with his whole self. Especially his eyes.


"Baka malusaw ako sa titig mo." Nagulat na lang ako na nasa harapan ko na siya. Nakakahiya , grabe, nahuli niya akong tinitigan ko siya.


"I-I wasn't looking," I immediately averted my eyes, "Feeler."


"Hmm really?" Napatawa na lang siya sa sagot ko dahil halata naman talagang siya yung tinitingnan ko. Kahit kailan talaga palaging palpak yung pagsisinungaling ko. I'm not really used to lying.


"Kain na tayo, tomguts na ako eh."


"I forgot to give you the payment for my food, here oh." I gave him my 500-peso bill.


He just stared at the bill. Para bang walang balak kunin ito.


"My treat." Kumindat siya kaya yung puso ko ay nagwawala na naman. Is this how it feels? Parang ang rupok ko naman yata dahil ilang araw ko pa lang siyang nakikilala. Eh sino ba naman kasing hindi...


"So you don't like vegetables?" He glanced at my plate where I placed the veggies on one side. Feeling ko ang sama ko dahil hindi ko inubos yung inorder niya!


"Uh.. a bit..." I stabbed a broccoli with my fork to eat some.


He chuckled when I was struggling to chew. "You don't have to eat it, if you don't like it. I'm not even forcing you, I was just asking."


I immediately dropped my fork and sighed in relief. " Sorry. I'm not really a healthy eater."


He raised a brow and nodded, "You should be. Kahit hindi every day, you should eat vegetables at least once a week. It does wonders to our body."


I smiled and took a bite of my broccoli. Dinagdagan ko na lang ng ulam para hindi ko masyadong malasahan. It wasn't that bad!

Tidal WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon