Chapter 29

6 0 0
                                    


Malaki ang ngiti ko nang makapagpasa ako ng project on time. Friday na ngayon kaya makakapagpahinga ako ng walang inaalala. Naalala ko tuloy na hanggang Sunday ang training nila Mateo ngayon kaya pumunta muna ako kung saan sila nagte-training.


Mukhang wala pa ang coach dahil naglalaro lang sila sa open field. Lumayo ang isa niyang kasama habang hinahagis-hagis niya ang bola sa langit. Nang sumenyas na ang kasama niya, pumurma muna siya at ibinato nang sobrang lakas ang volleyball para saluhin ng kasama niya sa dulo.


Binilang ko kung ilang meters ba ang layo nila hinitsya niya ang bola papunta sa dulo ng field! Natakot ako bigla kung gaano kalakas si Mateo.


Mukhang ngayon pa lang papasok si Iris dahil medyo basa pa ang buhok niya nang dumaan siya sa mas madilim na parte ng field. Lumapit ako para mag-sorry sa kaniya pero nilagpasan niya ako, umaktong hindi ako nakita.


"Hey, Iris." A tall boy spanked her butt, squeezing it firmly. 


"What the fuck?!" Agad itong sinampal ni Iris sa biglang paglapit niya.


Mukhang hindi iyon inexpect ng lalake dahil nakangiti pa ito kanina, sabik na sabik. "What was that for?"


Umalis si Iris para iwasan siya pero hinatak lang nito ang palapulsuhan niya. "Ano ba?! Tangina mo rin noh!" Nagpupumiglas siya pero hindi niya ito hinawakan.


"Pa-isa lang naman! Kala mo namang inosente ka Iris!"


"Kadiri kang hinayupak ka, bitawan mo nga ako!" I ran towards her when he's tightening his grip on him.


"Aray, ang arte mo naman! Hindi ba ganito naman lagi ang gusto mo?" His hands roamed around before cupping her behind.


"Sabi niya bitawan mo raw!" Tinulak ko 'yung manyak para masubsob siya sa gilid. "Ano bang problema mo? Ayaw niya nga 'di ba? Hindi mo ba naiintindihan?!" Pakiramdam ko sasabog na 'ko sa sobrang galit ko sa kaniya.


Tumayo na ang lalaki bago pinagpag ang uniform niya. Tiningnan niya ang siko niyang may gasgas bago ako samaan ng tingin.


"Sino ka? Ba't nakiki-epal ka rito? Akala mo ba matatakot ako sa'yo?" He held the collar of my blouse. "Wala namang problema si Iris sa ganito, gusto niya 'yung pa hard to get pa 'e, hindi ba Iris?" Tiningnan niya si Iris at tumawa. 


Muntik na 'kong masubsob sa paahan ng puno nang bitawan niya ako. Pumamulsa siya habang nakangiting nakakadiri. "Ganun talaga ang kaibigan mo, hindi mo alam? Kunwari lang ayaw niya pero gustong gusto niya 'yung kinakaladkad pa siya at pipilitin mo pa siyang patuwarin—"


I kicked his balls with all my might, tears falling. Bumagsak siya nang paluhod, hawak hawak ang gitna ng binti niya. "You're a monster. Iris is not like that, she's not what any rumor says!" 


Tinulak ko pa ang balikat niya para tuluyan na siyang bumagsak sa lupa, "And you don't deserve to know her."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tidal WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon