Chapter 3

8 1 0
                                    


I struggled to stand, "A-Ah, ikaw pala si Lukal..."


Mukang wala pa ring kaalam-alam si Luke sa nangyayari. His brows were furrowed while looking at me intently.. 


 "Bago lang ako sa grupo niyo. Kaklase ko sila Mary." I awkwardly said while Mary is swaying me side to side. 


She suddenly dragged me to our table, Luke silently following from behind.


"Waw tol! Buhay ka pa pala," nagsapakan sila ni Mateo as a greeting.


"Teka bakit ba kayo naghahawakan ng kamay kanina?" Hinarap ako ni Mary, namumula ang buong mukha.


I suddenly remembered the man earlier. "Um... may ano kase..."


"Some perveted guy's harassing her," pagtapos ni Luke.


Hinampas ni Mary ang lamesa, "Aba putangina niya pala eh! Asan yung gagong iyon! Ipakita niyo sa'kin, ipakita niyo!"


Napalayo ako sa pagsigaw ni Mary. Tumayo na siya ngayon kaya hinila ko siya paupo. "Huwag na, huwag na. Ayos lang ako, Mary."


"Ako na lang maghahanap! Hayop siya!" Sinubukan niyang pumiglas sa aking hawak pero masyado siyang mahina.


"Okay ka lang ba, Tintin?" Marahang tanong ni Sofia, na wala nang hawak na libro ngayon.


Tumango ako, "Okay lang ako, don't worry. Wala naman siyang nagawa, pinaalis na ni Luke," nginitian ko si Luke.


"Knight in shining armor ka na pala, Lukal?" Hinampas ni Mateo ang balikat niya. Parang sanay na silang magsapakan kasi wala mang ka reaction si Luke sa lakas ng hampas ni Mateo.


"Don't you want to report this to the police, Tin?" I turned to Asher who was staring at me once I sat here. I can see concern in his blue eyes.


Ngumiti ako at umiling, "It's okay, wala naman malalang nangyari. I'm fine."


He sighed while looking at his empty glass, "Walang nangyari dahil may umawat. Buti na lang nandiyan si Lukal, kung hindi..."


Kinilabutan ako sa sinabi niya, buti na lang...


"Enough already." Napatingin tuloy ako kay Luke. Kung si Mateo ay friendly ang aura, kabaliktaran naman siya. Kumbaga, masungit ang mukha niya kapag seryoso pero nawawala ito kapag ngumingiti siya. He smiles cutely while talking with Mateo.


Tiningnan ko muli si Mary na kanina pa nag sosorry dahil hindi niya raw ako napagtanggol. 


"Mary, okay lang. Promise," pag-alu ko sa kaniya habang nakayakap siya sa akin. 


Anim kami ngayong medyo tahimik bukod kila Mateo at Luke na nag-uusap. Anim?

Tidal WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon