Dalawang linggo na kaming tambak ng requirements. Puno puno na ng mga numero sa utak ko, hindi ko na tuloy alam kung tama ba pinagsasagot ko. What's worse is that, the exams are in two days!
Mangiyak-ngiyak ako habang binabasa ang mga questions sa papel. Ang hirap talaga kapag Math. Inuntog ko na lang ulo ko sa lamesa, baka sakaling gumana. Parang remote lang ganun.
"Are you okay?"
Lukal filled in my vision. A dark blue polo shirt hugs his lean torso perfectly. Black thin glasses hang on his button nose and I can see tiny freckles peppered on his nose bridge. Hala ang cute.
"Y-Yes," mukha akong baliw.
Inayos ko ang upo ko habang siya ay naglagay ng libro sa harap ko. The sunlight kisses his pale face and I only realized that his eyes are of hazel color.
"Ganda pala ng mata mo," I said in wonder. Ngayon ko lang napansin dahil hindi kami masyadong nag-uusap. Lumapit ako lalo para mas matingnan itong maayos.
"Ikaw maganda," walang pag-aalinlangan niyang sagot.
"Luh."
"You don't have any class?" Tanong niya nang nalapag na niya lahat ng gamit niya.
I pursed my lips, "Right now, wala. Mamayang hapon, meron." My lips pouted.
"You?"
Nagkibit-balikat siya, "I have none."
My lips formed a pout at the math problem. Bakit find x? Hindi ba pwedeng find dory na lang? Mas madali pa maghanap ng isda sa dagat kesa dito eh!
"So I'm bored."
I gazed at his hazel eyes. Medyo singkit siya kaya parang ang sungit ng dating niya.
"What do you want to do?" Tinaas ko kilay ko.
He shrugged. Pinagpatuloy ko ang pagsagot kahit hindi ko alam ano ginagawa ko. Basta may sagot!
I suddenly heard a shutter. Nagulat akong may hawak na pala si Lukal na DSLR sa kamay niya. "Saan galing 'yan?"
"From the sky?" Sarkastiko niyang sagot. Tumaas ang gilid ng labi niya.
Wew.
"You look stressed," pinakita niya sa akin ang picture kong nakakunot ang noo, na para bang pinagbagsakan ako ng langit at lupa.
Umismid ako, "Blame Math."
"Do you want to eat?" Tanong niya bigla. Pinunasan niya ang kaniyang salamin.
BINABASA MO ANG
Tidal Waves
Teen FictionCelestine Areum Dalton reaches genuine happiness after meeting her now group of friends, having supportive parents, and helping those who are in need. Everything seems perfect until not. When that one mistake ruins their three-year solid friendship...