Chapter 13

3 0 1
                                    


"Uwian na, may nanalo na!" Sigaw ni Mateo at umalis na sa kinauupuan niya.


I saw Mary hesitantly follow Mateo elsewhere.


"O hindi ka rin ba aalis Lukal?" Tatawa tawang tanong ni Asher sa kanya.


Lukal clicks his tongue, "Hindi mo na lang sinabi sa'kin na gusto mong masolo si Tin? Hina mo erp." Umiling muna siya bago umalis sa harapan namin.


I suddenly feel so mute.


"You know, just because I confessed doesn't mean you should return my feelings as well."


I stopped moving my feet.


"B-But..."


"Look," humarap siya sa akin at ngumiti, "I am not trying to pressure you in anything. I just want to let you know that I am, day by day, falling in love more and more with you," ngumiti siya at kahit madilim ay nakita ko pa rin ang dimple niya.


"I-I," my brain seems to stop working, "..don't know what to say?"


He chuckled and caressed the side of my head. "Again, angel. No pressure."


 "I am in love with you, Celestine Areum Dalton." Seryoso niya akong tiningnan habang sinabi ng derederetso ang linyang iyan.


Siguro kung yelo ako, kanina pa ako natunaw sa lalim ng titig niya. Sa gulat ko ay tila nawalan ako ng bibig para makasalita. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa, hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya, at hindi ko alam kung makakaya ko bang maipasok sa buhay ko ang relationship namin dahil baka mangyari lang ang mga nasa teleserye... pero sabi nga nila, 'it's better to love and get broken than to never love at all.'


"I will wait for you..." He smiled genuinely.


"Hoy! Tama na iyang labing labing niyo diyan, mag plano na tayo sa gagawin natin bukas!"


Madaling araw na pero nawala ata lahat ng antok ko dahil sa kanina. Hindi ko alam kung may tulog na kasi bukas pa lahat ng ilaw at may maingay na kanta sa baba. Papasok sana ako sa kwarto nang may marinig ako sa balcony.


"Upang 'di na umasa ang pusong nag-iisa..."


Lumapit ako sa gap ng pintuan para makita kung sino ang kumakanta.


"Pasensiya ka na.. sa mga kathang isip kong ito..."


Sofia is silently leaning on the railing, hair swaying with the cold wind. Ang angelic ng voice niya, mapapatigil ka talaga sa paglalakad at gugustuhin mo na lang na pakinggan siya magdamag. 


Aalis na sana ako nang tumama ang siko ko sa glass door.


Tidal WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon