Chapter 28

2 0 1
                                        


May bagyo raw ngayon at papalakas pa ito sa susunod na mga oras. I stare outside Asher's wall to ceiling window, worrying for people's safety. Papaano na ang mga taong hindi handa sa ganitong sitwasyon?


Nagulat ako nang hintak ako palapit ni Asher habang nakatalikod ako sa kaniya. He closed the remaining gap on us and placed his chin at the crook of my neck. His breath tickles my skin.


"You know... this is the perfect time for cuddling."


Kumunot ang noo ko at binalingan siya na mahigpit ang hawak sa akin. "I don't think so? Kawawa ang mahihirap lalo na sa baha."


"I'm thinking when I should do another charity event, you know? Panigurado madami na namang masisiraan ng bahay sa lakas ng bagyo." Malungkot kong sinabi. Ganyan naman lagi 'e, tuwang tuwa ang mayayaman dahil makaka-relax sila habang ang iba ay nalulunod na sa baha. 


I admire people's resiliency pero kaylangan na lang ba laging bumangon ng mga tao kung pwede naman 'tong maiwasan? 


"Hayaan mo na muna sila, puro na lang sila iniisip mo minsan. You can think of them next time, okay? Today's my birthday and our monthsary, you focus on us." He pulled me chin so he can kiss me.


Sinandal niya ako sa bintana at hinalikan ng mas malalim. He angled his jaw to the side while caressing my cheek. Bumaba ang labi niya sa leeg ko kaya napatingin ako gilid. Agad akong natakot sa taas ng unit ni Asher kaya naitulak ko siya at umalis ako palayo sa bintana.


"I'm sorry, nakakalula lang doon." He chuckled while slowly coming towards me. 


Umupo ako sa sofa at binuksan muna ang remote. I gasped when a new episode is available in Netflix. "Wahh, come on let's watch!" Inaya ko si Asher na manood sa series na inaabangan namin.


That's what we did while waiting for the rain to calm down. Pero parang hindi siya hihina ngayon dahil signal #2 pa rin sa Manila. 


Jusmeyo. I gulped when the scene became r-18. Ako lang ba ang na-aawkwardan? Parang wala namang reaksyon si Asher habang nanonood siya. 


I excused myself to drink a glass of water because I feel awkward as heck! Pagkabukas ko ng fridge, tanging pitsel lang ng tubig at ibang takeout ang laman nito. Chineck ko rin ang freezer at yelo at ice cream lang ang naroon! 


"Ash, wala kang grocery?" Nagtatakang tanong ko pagkaupo sa tabi niya.


He glanced at me before looking at the kitchen. "Yeah, I don't cook." He sheepishly grinned.


"How do you eat here?" My head tilted in confusion.


"Mom delivers me food." He shrugged, opening a bag of chips. "Tinanong ko nga kung napapagod ba siya magluto at magpadala ng pakain dito, but she insist."


"Aww, how cute."


"You're cuter," he loops his arm around my back and stops at my exposed thigh. Hindi tuloy ako masiyadong maka-focus dahil marahan niya itong hinahagod paakyat-baba. 

Tidal WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon