Chapter 18

4 0 0
                                    


Mary: Pupuntahan ka namin diyan sa bahay niyo.


Ano kaya gagawin nila dito? Hindi ba sila nag sasawa sa pag mumukha ng isa't isa?


Ako: Wala nang paa-paalam teh? Hindi mo ba ako tatanungin kung okay lang sa 'kin pumunta kayo?



Mary: Pag bahay ng tropa, ibig sabihin bahay na rin namin! WAHAHAHA


Kahit hindi ko nakikita mukha niya, naiimagine ko na tawa niya. Hays, ano pa nga ba magagawa ko? 


I silently ate my breakfast with my parents until they had to leave. Nakatayo ako at nakangiting tipid sa hamba ng pintuan. Papa walks past me while mama gives me a soft smile. It was a sad smile as it didn't reach her eyes. 


It was more of a pity.


"Aling Tin!"


Bigla akong nangiti dahil sa boses ni Mateo. Dere- deretso siyang umakyat sa hagdan ngunit agad siyang tumalikod nang makita kami ni mama sa pintuan.


"Hello po, Tita. Sorry po kung inakala niyong gumuguho ang mundo, ito kasing si Mateo daig pang may microphone yung bunganga sa sobrang ingay." wika ni Mary at nagbeso kay mama.


"O ako na naman, kala mo katahi-tahimik mong babae ka!"


"Oh baka mamaya magkatuluyan na kayo niyan." Biro ni mama sa kanila na pinandirihan naman kaagad ng dalawa.


"Tita naman, ang pogi pogi ko tapos siya lang makakatuluyan? No way!" Kinurot siya ni Mary kaya lahat sila napatawa ng malakas.


"Nakakahiya talaga kayong kasama." Bulong ni Asher pero tama lang yung lakas para marinig ng lahat.


"Naku, mano po tita!" Marahang hinawakan ni Mateo ang kamay ni mama na para bang babasagin ito. 


"Sumali po ba kayo sa Miss Universe, tita?"


Tumaas ang kilay ni mama at ngumiti, "Hindi, bakit?"


"Ha?!" Dumoble sa laki ang mga mata ni Mateo at nagtakip ng bibig, "Sa ganda niyo pong yan hindi kayo nag Miss U?!"


I smiled when I saw a light tinge on mama's cheeks. 


"Gusto ko tong batang to! Ang bait!"


Medyo nahiya si Mateo at nagkamot ng batok. "Tita kung sumali talaga kayo! Nako! Huwag na nilang pangarapin pang manalo."


Nagtatawanan si mama at Mateo habang sila Asher naman ay tahimik at nakangiwi. Tumalikod na si Lukal habang si Sofia naman ay nakahawak sa kaniyang sentido. 


"Bakit ba kasi sinama niyo 'yan, hindi ko kaibigan 'yan," Sofia whispered while hiding behind Mary.

Tidal WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon