Sila Lukal at Sofia ang nauuna sa'min, walang bahid ng takot at kaba. Paano nilanagagawang i-enjoy yung view ngayon eh nakakatakot nga tumingin pababa?
Feeling ko tuloy 'pag tiningnan ko rin, mahuhulog ako. Mataas pa naman.
"Hindi kasi sa baba ang tingin, Tintin," tinuro ni Mary ang walang katapusang langit at dagat, "Sa taas."
Papaano kaya nagawa ang mga isla? Ang mga lupa, puno, isda, at kung ano ano pa?
Papano naisip ng gumawa ng mundo na ganito dapat ang itsura nila? Na may dalawang mata ang tao,may kaliskis ang isda, asul ang dagat, at bilog ang mga mundo?
Existence itself is a question many inquire. Yet, sometimes it's better to just be curious than know more about life.
I suddenly tripped on a rock.
"Gaga! Sabi ko tumingin ka sa taas pag nagliliwaliw ka, hindi habang naglalakad!"
"Clumsy angel." Hinila ako ni Asher papalapit sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"Mag-iingat ka." Seryoso niya akong binalingan at tiningnan ang buong katawan ko kung may galos ba o wala.
"I'm fine," I laughed.
He pressed my hand—the one he's holding— to his chest and continued walking. "Dito ka lang sa'kin, baka mapano ka pa."
"Guys! Hindi ako natakot ah! Pinauna ko pa nga yung ibang babae roon kasi gentleman ako!" Mateo clarified after the zipline. Ang tagal naming naghihintay dito sa printing shop, nauna pa 'yung mga kasunod namin kanina kaysa sa kaniya.
Natakot siguro talaga siya. Hindi niya naman kasi kaylangan sumama kung hindi niya kaya eh.
"May sinasabi ba kami?" Mary crossed her arms.
"Hindi talaga ako natakot!" Tumango na lamang kami sa kanya at nagsimula nang maglakad pababa.
Ngayon ay nagpapahinga kami sa isang liblib na parte ng isla. Napapalibutan kami ng mga puno at kitang kita sa pwesto namin ngayon ang lawak ng karagatan. Ang hampas ng hangin ay preskong presko, ang buhangin na inaapakan namin ay pinong pino. Kaya tama lang na dito namin napagdesisyunang magpahinga.
"Kain na tayo." Pag aaya sa amin ni Mary.
"After 123456789 years natapos ka rin sa pag-picture." Reklamo sa kanya ni Mateo kaya binatukan siya nito.
"Kain na." Pag aaya ko kay Asher na busy kakapicture.
Bumaling siya sa akin ng may malaking ngisi, "Sayo pa lang, busog na ako eh."
"Pati ba naman pagkain erps babanatan mo rin?" Singit sa kanya ni Mateo kaya nakatanggap ulit ito ng batok.
BINABASA MO ANG
Tidal Waves
Teen FictionCelestine Areum Dalton reaches genuine happiness after meeting her now group of friends, having supportive parents, and helping those who are in need. Everything seems perfect until not. When that one mistake ruins their three-year solid friendship...