Chapter 1

14 1 0
                                    


Suminghap ako bago tumuloy patungong canteen. Ang daming tao rito tapos wala na atang available na upuan. Wala pa naman akong kakilala huhu.


With my chin up, I walked bravely despite my jittery nerves. Umupo ako agad nang may bakante sa dulo. Isusubo ko na yung burger ko nang may kumausap sa akin.


"Hoy! Table namin 'to!"


Napabalikwas ako sa inuupuan ko. Standing in front of me is a slim woman, eyebrows arched and fierce eyes piercing into my soul. Sa tangkad niya, kailangan ko pang tumingala.


Her plump, rosy lips are frowning. She looks at my food in disgust. Ang fierce ng aura niya ah, feeling ko bawal siyang banggain.


"First day na first day ng school may kaaway ka na agad! Ikaw bumili ng lamesa na 'to girl? May ari ka girl?" Kasunod niya ay isa pang matangkad na babae. Ok, edi ako na maliit.


"Hi! I'm Mary," nilahad niya kamay niya sa harap ko. I immediately shook her hand.


"Pasensiya ka na dito kay Iris ha, araw-araw kasing may regla eh, " humalakhak siya kaya napatingin ang ibang mga estudyante.


Tumawa rin ako at umiling, "Okay lang, okay lang. Sorry, hindi ko alam dito pala kayo..." tumayo na ako para magligpit.


Lumaki ang mga mata ni Mary, "Naku! 'Wag ka na umalis! Tutal andito na ka rin naman why don't you join us na lang?"


I glanced at Mary, smiling softly, and to Iris who's judging me intently. 


Hala, ano ba ginawa ko? Grabe yung tingin niya sis parang kakainin niya ako ng buhay.


"Upo ka!"


Umupo na 'ko, nakakahiya inaya pa naman niya ako. Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan dahil matagal pa ang vacant namin.


I chatted with Mary without any difficulty. Tawa lang ng tawa siya sa mga kwento niya, pati ako nahahawa sa kaniyang tawa. Whenever she smiles, her cheeks are in a full brim and her narrow eyes turn into slits. Her light brown hair contrasts her milky white skin, framing her petite face. Mas bumabata siya kapag tumatawa.


"Patingin ng schedule mo, baka pareho tayo!"


Habang tinitingnan ni Mary yung papel, sinubukan ko namang kausapin si Iris na kanina pa hindi umiimik. "Matagal na kayong magkaibigan?"


She sipped from her drink, "Oo. For like, 2 years already? Natiis ko na yung bruhang yan for 2 years."


Tumango ako. I feel a little awkward with the silence.


"Hindi lang naman siya kasama ko," hinawi niya ang buhok sa mukha niya, "We're a group actually. They have different courses, kaya hinihintay pa namin yung iba."

Tidal WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon