Kinabukasan, maaga kaming gumising para puntahan ang Taal volcano.
"Wowww"
"Hala ang cool!"
Tahimik kong pinagmasdan ang bulkan sa viewing deck. Mahangin kaya nakakainis itong buhok ko. Mas makulit pa sa butete eh!
"Here." Isang pang tali ng buhok ang inabot sa'kin.
Pinagsiklop ko muna ang buhok ko bago tinali ito ng ponytail. Hay, ang presko na.
"Thanks," I smiled at Lukal who's leaning on the rails beside me. Hinahangin din ang kaniyang buhok dahilan para makita ko kung gaano ka clear ang skin niya! Doon ko rin nakita 'yung maliliit niyang freckles!
"Hala, ang cute ng freckles mo!" Sinundot ko iyong nasa tip ng ilong niya. Nagulat siya sa biglaan kong pagsundot. He cutely scrunched his nose afterwards, "You can have them. I don't like these."
I pouted, "Kung pwede lang..." Lumingon ulit ako sa kaniya, "Ba't naman ayaw mo?"
"I don't fancy looking like I've been sprayed with pepper," kinati niya ang tungki ng kaniyang ilong.
"Cute kaya!"
"Ako cute." Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Asher. Inakbayan niya ako at tiningnan si Lukal. Ewan ko bakit sila nagtitinginan, ayaw ko na rin tumingala, nakakapagod.
May inayos si Asher sa phone niya bago ilahad sa harap ni Lukal, "Papicture kami!"
Tahimik niyang kinuha at pumunta sa harap namin. "Picture tayo ah, kunwari inlab na inlab ka sa akin," bulong niya habang hindi pa rin inaalis ang pagkaakbay niya sa'kin.
"Hindi pa ba?" Bulong ko pabalik bago tumawa kasabay ng pagpicture ni Lukal.
"Sali naman kami diyan!" Pumagitna sa amin si Mary bago pa makapagsalita si Asher.
"Hoy Lukal sumali ka dito! Bigay mo kay kuyang napaka pogi diyan o!" Sigaw ni Mateo.
Nagsitawanan kami dahil nahiya yung kuya sa tabi, kinuha naman niya ang camera para mapicturan na kaming buo.
"O ayan! Ang ganda ko!"
"Patingin nga! Oo nga ang ganda! Ganda ng view HAHAHA," Pag-singit ni Mateo.
"Dun ka nga! Tsupe!"
"Guys ang init na, can we go back already?" Naka-silong si Iris mag-isa sa malaking puno.
Mag tatanghali na nga kaya bumalik na ulit kami sa resthouse. Pinasahan din ako ng pics ni Mary sa phone. Natawa ako sa mukha ni Asher sa picture namin, gulat na gulat si kuya!
BINABASA MO ANG
Tidal Waves
Подростковая литератураCelestine Areum Dalton reaches genuine happiness after meeting her now group of friends, having supportive parents, and helping those who are in need. Everything seems perfect until not. When that one mistake ruins their three-year solid friendship...