Chapter 17

3 0 0
                                    


Sabado kinabukasan kaya nagkayayaan kaming gumala. Sumakto talaga na pwede silang lahat manood ng sine. I'm wearing what I mostly wear: a simple blouse paired with maong skirt.


Huminto ang sasakyan sa red light kaya inayos ko ang puting headband ko.


Nakapatong ang ulo ni Mary sa kaniyang kamay habang nakahawak naman sa manibela ang isa. "May pinag-usapan kayo ni Iris." It wasn't even a question, but a statement that she already knows.


Since alam naman na niya, might as well sabihin ko na sa kaniya, 'di ba?


I pursed my lips in deep thought, "Iris likes Asher. At some point, I was convinced that I don't like Asher so I did what Iris wanted me to do. But..."


"You like him."


Ngumiwi ako. Ganoon naman yun, hindi ba? Gusto ko siya? Syempre nagpahalik nga ako, ibig sabihin gusto ko nga siya!


"..and he said he likes me too," nahihiya kong bulong.


Ngumisi siya sa sarili niya. Ano na naman bang iniisip niya? Parang nakakatakot naman 'to mag-isip matapos kong malaman kung paano siya mag-isip!


"Eh ano kinakatakutan mo diyan?" I pouted.


"Kung pareho niyo namang gusto yung isa't isa, bakit ka aatras hindi ba? Hindi magtatagal, matatanggap din naman ni Iris iyan. " Tumango lang ako sa sinabi niya.


"Lakas naman niyang palayuin ka eh alam naman ng lahat kanino nababaliw si Asher.."


"Ano?" Lumaki ang mata ko sa mahina niyang sinabi.


"Wala! Huwag mo na masyadong isipin 'yon, kaya nga tayo gagala ngayon para mag-enjoy, right? Tara na." Nginitian niya ako at pumasok na kami sa loob ng mall. Sa resto agad punta namin dahil gutom na si mama.


"Hi, angel." Bulong sa'kin ni Asher at napaupo na sa tabi ko. Dark green ang suot niyang polo ngayon at nakaayos ang buhok niya. Everyday na lang ata mukha at amoy siyang bagong ligo! Fresh lang lagi!


"Hi.." I smiled at him.


Umayos ng upo si Mary sa harap ko at umubo. "Ehem! Tinawag ko kayong lahat isa-isa para lahat kayo pumunta. Ang tagal niyo ha!"


"Hindi naman namin sinabing tawagin mo kaming lahat, baby cakes." Mateo teased.


"Isa pa Mateo! Apaka corny!"


"Alin isa pa? Yung sinabi ko o tawagin kang baby cake?" Akmang ibabato na sana ni Mary ang tinidor, hinila agad ni Mateo si Iris at nagtago sa likod nito.


"Mateo! I'm really gonna kill you!" Sigaw sa kanya ni Iris dahil nahulog ang handbag niya.

Tidal WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon