Tatlong araw na ang nakalipas wala pa rin kahit sinong nagpaparamdam sa gc namin, tahimik pa rin ito at tila lahat kami ay may kanya kanyang ginagawa.
Sa nag daang araw ay inabala ko ang sarili ko sa pag-tatrabaho sa coffee shop. Mas matagal na akong nakakapag trabaho ngayon kaysa nung may klase pa kami kaya mas malaki ang magiging sahod ko.
Nakatunganga lang ako ngayon sa harap ng counter, nag hihintay ng bagong costumer na papasok. Isang oras na lang din naman ang hihintayin ko bago kami magsara.
"Miss! Hellooo?" Hindi ko namalayan na matagal na pala lutang ang isip ko at may isang lalaki na sa harap ko.
"Sorry po, what's your order sir?" Agad akong tumayo nang tuwid.
"Pwede bang huwag kang tatanga-tanga miss? Kanina pa ako nandito sa harapan mo at paulit ulit ko ring sinabi na ang order ko ay espresso! " Galit niyang sabi sakin.
Binigay niya sakin ang bayad at umupo na sa mga upuan. Kalma tin... costumer iyan, may mali ka kaya kalma. Huminga ako ng malalim at kinalimutan ang sinabi ng lalaki.
"Ungas pala yon ah! Gusto mo birahin ko?" Nasa harap ko na ngayon si Asher.
Umiling ako at bumulong, "Uy 'wag!" Masama niya pa ring tinitingnan 'yung lalake kaya tinawag ko ulit siya,"Anong ginagawa mo dito?"
Sumimangot siya at nagkunwaring malungkot,"Ayaw mo ba? Sige aalis na ako." Lalakad na sana siya nang hilahin ko ang white shirt niya.
"Joke lang! Pero ba't ka nga napunta rito?"
Wala naman kaming pinag-usapan na magkikita kami eh.
"Susunduin kita... ganon dapat gawain ng manliligaw hindi ba?"
"At kailan pa kita naging manliligaw?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Excuse me, tapos na ba kayo maglandian? Gutom na kasi ako, pwede bang umorder muna ako ha?" Meron palang nakapila sa likod ni Asher.
Isang malaking ngisi ang nasa mukha ni Mary. Ako pa talaga nagulat na nandito rin siya.
"Kaya pala laging wala si Asher," nilipat-lipat niya ang tingin sa aming dalawa, "May iba pa lang inaatupag kapag weekend."
Tumawa lamang ako at nilagay ang order niya.
Ako na umorder kay Asher at maya maya binigay ko na ito ng isa kong kasamahan sa kanya. Nakaupo lang siya kasama si Mary at matiyagang hinihintay ako.
Sakto nang ibigay ko ang dalawang drinks ni Mary ay umupo sa gilid niya si Iris. Ah, kaya pala dalawa. Kala ko sa kaniya lang lahat, ganiyan kasi minsan umorder 'yan.
Her eyebrows shot up when she saw my attire, "Tintin?"
BINABASA MO ANG
Tidal Waves
Teen FictionCelestine Areum Dalton reaches genuine happiness after meeting her now group of friends, having supportive parents, and helping those who are in need. Everything seems perfect until not. When that one mistake ruins their three-year solid friendship...