When the crowd in front of me dispersed, Mary leaned in to whisper, "I guess you weren't comfortable?"
It was suffocating to be the center of attention in that small space.
Nginitian ko na lang yung mga tumitingin sa akin dito sa likod. Malay ko ba anong sasabihin ko, hindi naman ako mahilig makipagkaibigan.
"Thanks," I whispered back.
She smiled, "Pero ha! Wala pang dalawang linggo, ang dami mo ng fans! Haba naman ng hair mo teh!"
"Wala naman akong ginagawa," umiling ako.
Lumabas na kami ng classroom pagtapos ng last period. Hayst, ang dami agad ng requirements wala pang isang buwan.
"Wait lang iwan ko muna kayo, tinatawag ako ni ma'am," kumaway siya sa amin, "Diyan lang kayo ah!"
Sinimulan kong kausapin si Iris, "Ang lamig noh?"
She nodded.
"Bakit business yung course na pinili mo?"
She pursed her glossy lips, "My mom has a clothing company. She wants me to handle it in the future. You?"
Kumurap-kurap ang mga mata ko. Kala ko hindi niya ako tatanungin. "Family of businessmen," I shrugged.
Naupo kami sa tabi ng malaking hagdanan. Madilim ang langit ngayon, baka umulan mamaya. May payong kaya sila?
"Gaano katagal ka na nag-aaral dito?"
"3 years. Nakilala ko sila nung senior high," tipid na sagot niya. Tumango ulit ako.
Hindi ko alam kung napipilitan lang ba siya kausapin ako o bored na bored siya sa mga tanong ko, kaya hindi na ako nagsalita pa. Pero, kapag si Mary kausap niya, madaldal naman siya ah...baka ayaw niya lang ako kausap?
"Oh ang tahimik naman natin!" Sabi ni Mary sabay upo sa tabi ko.
Nilapag niya ang dala dala niyang papel, "Mga bes magkakaroon ng project next month daw. Tayong tatlo grupo, ah?"
Iris rolled her eyes, "As if I have other friends."
Humagalpak sa tawa si Iris, "True ka diyan, girl!"
Humarap siya sa akin, namumula ang pisngi, "Itong babae na 'to, grabe! Kaaway niya lahat ng babae sa campus!"
Iris casually flipped her hair. "It's not my fault boys line up in front of me."
BINABASA MO ANG
Tidal Waves
Teen FictionCelestine Areum Dalton reaches genuine happiness after meeting her now group of friends, having supportive parents, and helping those who are in need. Everything seems perfect until not. When that one mistake ruins their three-year solid friendship...