Chapter 21

4 0 1
                                    


Sa huling araw, nilibot lang namin ang Pangasinan. We tried different activities, tasted seafoods, took pictures of everything we see. Hindi talaga sila napapagod lalong lalo na si Mateo.


Tinry ko talagang ayusin yung buhok ko na kanina pa hinahangin. Hinawakan ko ito para hindi na sumabog sa mukha ko, pero nakakangawit! Magdadala na talaga ako ng pantali na buhok, pramis.


Luckily, Lukal silently lends me one while we're admiring the mountains.


"Thank you talaga!" I messily tied my hair in a ponytail. Okay na 'yan basta hindi umeepal sa mukha ko.


"Now it looks like a nest." He teased while silently chuckling.


Cool ng tawa niya, walang sound. Sa lalim at hina kasi ng boses niya, hindi na marinig. Makikita mo na lang gumagalaw balikat niya. 


"Hindi naman ako magaling dito eh, okay na 'yan." I scrunched my nose. Hinawakan ko ang railings dito sa isang deck.


"Let me just tame the top." Hinila hila niya yung buhok ko sa taas para umayos.


I gasped when I felt lesser tangles on my hair. "Wow, ang galing mo! Paano mo alam 'to?"


"I see them tying their hair," he shrugs. 


Tumango ako, "Eh bakit ka laging may dala ng pantali?"


Nag-iwas siya ng tingin at kinati ang ilong niya. I can see his freckles in broad daylight. "I use it for cables."


Tumango lang ako ulit, hindi ko gets. Kahit hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan namin, sumasang-ayon para rin ako sa kung anong sinasabi nila. Nakakahiya kasi 'yung dalawang beses mo nang pinaulit sila tapos hindi mo pa rin gets.


Oo na lang, para sa ikapapanatag ng lahat.


Matapos gumala kung saan saan, namahinga muna kami sa hotel. Sayang naman ang ganda ng hotel kung hindi naman namin susulitin 'di ba?


Lumabas muna ako sa terrace para maramdaman ang ihip ng hangin.


 "Oh sorry." I was about to turn my back for her privacy when she spoke.


"Sino ba talaga gusto mo?"


I faced her, who's staring at the dark sea, sitting on the couch with her legs crossed. "Huh?"


Her brows are furrowed and eyes intimidating. "O uhaw ka lang sa atensiyon?"


Lumapit ako para mas marinig siya, mas maintindihan, pero ang hirap niyang intindihin. Bakit parang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya?


Tidal WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon