Chapter 26

3 0 0
                                        


I grabbed a book from the shelf and read its contents. Wala ang prof namin sa klase ngayon dahil inilaan niya ang oras ng klase para sa project making. Tahimik lang akong naghahanap ng libro kasama si Iris dito sa library.


Nasa section kami ng puro business-related na libro pero sa dami nito hindi namin alam anong uunahin namin, kaya dito ako sa isang side ng bookshelf at sa kabila naman si Iris.


"Don't grab something super heavy, you'll have to return it back on the shelf later. You'll suffer alone." Advice niya habang may dalang tatlong maninipis na libro. Tiniis ko na lang huwag tingnan ang mga laman ng makakapal na libro kahit gaano pa ito ka-misteryoso. Mas nakakapagod mag-return ng books, 'eh.


Nawala ang katahimikan nang may dalawang nag chichikahan na dumaan sa isle namin. Nakita kong napaatras ang isa nang makita si Iris. Biglang nag-iba ang timpla ng mukha nila habang nagbubulungan. Kaaway din kaya ito ni Iris? Hindi ko sila nakita dati sa mga nagkumpulang babae.


Nauna ang isang umatras kanina at kunwaring kumuha ng libro malapit lang kay Iris. Iris did not even spare a glance between them. Ako lang ata ang nakakapansin sa kanila.


"Ang kapal naman ng libro na 'to!" She insulted the thick cover of the book. Looking on her left, she fake gasped when she saw Iris beside her, "Grabe, akala ko wala nang mas kakapal pa dito pero andito pala si Iris na daig pa dictionary sa kapal ng mukha!" They laughed in a disgusting way.


Si Iris pa talaga makapal ang mukha 'eh siya nga 'tong bigla na lang umepal dito?!


Lalapitan ko sana sila pero hinawakan ni Iris ang balikat ko at siya ang kalmadong humarap, para bang sanay na sa mga insulto sa kaniya.


"Sinong mas makapal, iyong nagbabasa lang dito sa isang tabi o 'yung biglang magsisimula ng away dahil wala siyang magawa sa walang kwenta niyang buhay?"


"The nerve! Huwag kang pa-inosente diyan ha-"


"I am literally just doing my own business here and you straight up insult me when you could've just passed by us and do what you're supposed to do in this library—" Tinulak niya ang babae gamit ang hintuturo niya, "which is to fucking study."


"Tara na nga, mamaya mahawa ka pa diyan sa nakukuha niyang sakit 'eh." Hinatak na ng kaibigan niya ang babaeng naestatwa na mukhang durugo na ilong sa kahihiyan. Nakakahiya na rin kasi may mga nakatingin na sa amin.


"Sobrang sama nila!" I whisper-shouted once they were nowhere in sight. "Why are they like that? They should be reported to the guidance office, Iris!"


"Let those pathetic girls be. They're just insecure." Bumalik na si Iris sa paghahanap ng libro. Lumipat na siya sa dulo dulo para wala nang masyadong tao at wala nang mangyaring ganoon ulit. Tahimik ko lang siyang sinundan habang nag-iisip kung paano ko siya kakausapin.


Ganoon na lang kaya lagi ang trato ng iba sa kaniya? May mas malala pa kaya siyang natatamong salita sa iba? It must be really difficult for her...

Tidal WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon