I stared for a while. His jaw is locked, face set serious. I can clearly see the curve of his eyelashes from the side. He kinda looks like a greek God, especially that Roman nose of his. Then slowly, with the slightest movement, the corner of his lips tugged upward side by side.
Tumawa siya.
"Kala mo naman seryoso oy," pinitik niya uli ang noo ko. Okay sana kung mahina pwedeng ulitin, kaso kala mong binato ka ng tinidor sa noo eh!
"Ouch, stop!" Inilag ko na ang buong mukha ko nang makalabas kami sa elevator. Sa ground floor kami pumunta, may convenience store naman doon.
Hindi ata nawawalan ng tawa sa katawan ito. "Para kang stop light!" Huminto siya sa harap ko.
Natawa na rin ako, kahit kailan talaga mapang-asar 'to. Hinahaplos ko pa rin yung noo ko hanggang sa makaabot kami sa convenience store.
"Hala, masakit ba?" He looked at the red spot closely, I nodded.
"Sorry! Minsan kasi hindi ko ma-control yung powers ko!"
I smilled for reassurance, "Okay lang! Malayo sa bituka!"
Umiling siya sa joke ko, "Okay na mabait ka, pero kapag sinaktan ka hindi na okay iyon! Huwag mong pinalalampas yung mga ganun, Tintin! Mamaya i-take advantage yan ng mga tao!"
Iyan din ang sinasabi sa akin ng mama ko. Kapag masyado kang mabait, pagsasamantalahan na nila kabaitan mo. She said that they'll use it for their own selfishness.
I choose to see the good in people. I always hope to inspire and to create ripples of kindness from the people I encounter. That's the only thing I want to do in this world: to care and to help. In this world full of darkness and uncertainty, I want to be the certain light that will guide the people where the right path is. Makita ko lang na ngumiti sila, okay na 'ko.
"Amin na kiss ko na yan para hindi na masakit," Mateo puckered his lips and leaned close to me.
"Ew no!" Dali dali akong lumayo. Hindi ako sanay sa skinship.
"Arte! Kala mo naman hahalikan talaga kita!" Nanguha na siya ng basket at nilagay ito sa forearm niya. Yung hawak niya parang yung hawak ng mga babae sa handbag nila.
Namili siya sa dalawang Mang Juan na chichirya pero nilagay din naman niya pareho. Kapag pera niya gamit niya halos hindi na siya bumili, pero kapag kila Asher kulang na lang bilin na niya yung buong store!
"Mateo, foreigner ba papa mo?" Seriously, may lahi talaga siya!
Seryoso siyang lumingon sa akin at nagkibit-balikat, "Ewan ko," Kumuha siya ng paborito niyang mamon.
Bakit ba lagi na lang akong nakakaapak sa linya? Hindi ko naman talaga sinasadya eh!
"Hindi ko kilala totoong mga magulang ko."

BINABASA MO ANG
Tidal Waves
Ficção AdolescenteCelestine Areum Dalton reaches genuine happiness after meeting her now group of friends, having supportive parents, and helping those who are in need. Everything seems perfect until not. When that one mistake ruins their three-year solid friendship...