Prologue

849 10 0
                                    

A/N: Ito po iyong time na nawala si Alice at huling nakasama niya ang kanyang anak noong July 10.

~~~

"Parang awa niyo na pakawalan niyo na ako" pagmamakaawa ko sa kanila

Galing ako noon sa police station dahil napag-alaman na si Thunder Lopez ang sumunog ng kompanya ko.

Pauwi na sana ako sa apartment na tinitirahan namin ni Stella. Na napansin ko may sumusunod sa kotse ko. Balak ko sana na iligaw sila ngunit ay doon ko napansin na madami pa sila humahabol sa 'kin, pinag-babaril din nila ang kotse ko at binabangga.

May humarang ng dalawang van sa harap ng kotse ko at doon ako nahuli. Pinupok ako ng baril sa ulo, nagising na lang ako na nasa isang kwarto ako.

Ang mga bintana ay may takip na yero. Walang gamit na kahit ano sa kwarto maliban lang sa isang papag at mga karton.

Nakakadena ang dalawang paa ko kaya hindi ako makapunta sa pinto.

"Ano kami tanga? Sinundan ka namin para kunin hindi ka namin sinundan kasi trip lang namin" sigaw ni One

Limang lalaki ang nandito sa loob ng kwarto.

"Ano ba ang atraso ko sa inyo?"

"Wala kang atraso sa 'min pero sa Madam namin meroon" sabi ni Three

Isang babae ang may galit sa 'kin.

"Bibigyan ko kayo ng pera basta pakawalan niyo lang ako"

"Sa tingin mo ba wala kaming pera? Engot ka, kaya nga nagtata-trabaho kami kay Madam para mas malaki ang sahod namin at hindi kami hati-hati" sabi ni Five

"Ang sabi ng Madam namin matalino ka raw kaya nga kinandena namin ang paa mo at kamay, nilagyan ng yero ang bintana para hindi mo masira" sabi ni Two

"Hindi ka na makakaalis dito"

"Parang awa niyo na may a.."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko na nagdadalawang isip ako sabihin sa kanila na may anak ako.

Ayoko pati ang anak ko idamay nila.

"Iwan na natin siya dito" sabi ni Four

Lumabas na sila sa kwarto at ni-lock ang pinto.

"Tulongg"

"Tulongg"

"Tulungan niyo ako"

Sigaw lang ako ng sigaw. Ang papag ay pinapa-ingay ko para may makarinig sa 'kin.

May pumasok ng isang lalaki at malakas akong sinampal.

"Ang ingay mo"

"Kahit sumigaw ka ng sumigaw at gumaw ng ingay walang tutulong sa 'yo dito"

"Ang ayaw ko sa lahat ay naiistorbo ang pagtulog ko"

"Kung ayaw mo naiistorbo sa pagtulog patayin mo ang sarili mo para kahit mag-ingay ako ay hindi mo maririnig" sabi ko

"Aba! Ito ang para sa 'yo"

Sinapak niya ako sa tiyan. Ngayon ay namimilipit ako sa sakit.

"Tama na iyan Boss"

Napalingon naman kami sa nagsalita si Four na kakapasok lang.

"Baka magalit si Madam" sabi ni Four

"Kilala ko si Madam. Hindi niya kayang magalit sa 'kin dahil ako ang boyfriend niya"

Nauna na lumabas iyong lalaki na sinampal at sinapak ako sa tiyan.

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon