Chapter. 30

187 5 0
                                    

Alice POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nandito sa kwarto ni Tren.

Pumasok na ako sa C. R para maglinis ng katawan. Kitang-kita ko ang pagka-pasa ng dalawang braso ko.

Na matapos sa paglilinis ay nagbihis na rin ako sa loob ng C. R pagkatapos ay lumabas na ako.

Naabutan ko na gising na rin si Tren.

"Maaga pa Tren, matulog ka ulit"

"Mom, saan po kayo pupunta?" Tanong niya

"Gusto ko muna pumunta sa mga tauhan ko para.."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko na magsalita si Tren.

"Gusto po ninyo makalayo kay Dad? Alam ko po na nag-away kayo, halata po kasi sa mata ninyo Mom"

"Sasama po ako sa inyo"

"Hindi pwede dito ka na lang" sabi ko

"Gusto ko po sumama sa inyo"

"Sige na nga papayag na ako" sabi ko

"Maliligo na po ako Mom"

Pumasok na siya sa loob ng C. R at hinanda ko ang mga susuotin niya. Naglagay na rin ako ng mga damit namin sa bag.

"Ang bilis mo naman maligo"

Binihisan ko si Tren at dahan-dahan kami lumabas ng kwarto.

Na makarating kami sa sala ay inutusan ko si Tren na mauna sa kotse at dala ang bag.

Kumuha ako sa kabinet ng mga sandwiches bago pumunta sa kotse.

"Ma'am, saan kayo pupunta?" Tanong ng isang security guard

"Pupunta kami sa bahay ni Tito Tatcher"

"Mabuti na rin na maaga kami umalis para walang masamang tao na susunod sa 'min"

"Huwag kayong mag-alala alam 'to ni Thun, nagpaalam ako sa kanya kagabi"

"Maniwala po kayo kay Mom nagsasabi siya ng totoo" sabi ni Tren

Binuksan nila ang gate at pinaandar ko na ang kotse.

Habang nagmamaneho ako ay tumawag ako kay Manang Gia.

"Madam" sabi ni Manang Gia

"Wala kami ni Tren sa bahay, papunta kami ngayon sa bahay ni Tito Tatcher"

"Nakalimutan ko dalhin 'yong mga pinamili ko kahapon, paki-dala na lang ni Thun dito"

"Dito na lang kami magkikita"

"Sasabihin ko po Ma'am" sabi niya

Binaba ko na ang linya.

"May sandwiches akong dala"

"Kainin mo na 'yon Tren"

Kinuha ni Tren ang sandwiches at nag-umpisa na rin siya kumain. Sinusubuan naman niya ako ng sandwich habang nagmamaneho.

Ilang oras ang nakalipas ay nakarating na rin kami sa bahay kung saan nandoon lahat ang mga tauhan ko.

Automatic nag-bukas ang gate at pinarada ko ang kotse sa garahe. Bumaba ako ng sasakyan, buksan ko ang pinto ng kotse at bumaba si Tren.

"Madam" salubong sa 'kin ng iba pang tauhan

"Pumasok na tayo sa loob Tren"

Nagsimula na kami maglakad.

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon