Chapter. 16

199 8 0
                                    

Alice POV

"Paano natin sila kakausapin?" Tanong ni Thun

Habang naglalakad kami sa loob ng mall.

"Tinawagan ko sila, kikitain natin sila dito"

Napansin namin na may dalawang lalaki na naka-upo sa fountain.

"Sila na 'yon"

Agad naman kami pumunta sa harap nila.

"Alice" sabi ni One

"Mafia.."

Hindi natapos ang sasabihin ni Two na magsalita si Thun.

"Huwag mo na ituloy"

"May itatanong lang ako sa inyo" sabi ko

"Ano 'yon?" Sabi ni One

Pinakita ko sa kanila ang picture na tattoo.

"Pamilyar ba sa inyo 'to?"

"Palatandaan 'yan na kasali ka sa isang grupo" sagot ni Two

"Mafia ba sila?" Tanong ni Thun

"Hindi, gangster sila"

"Kaya pala hindi pamilyar sa 'kin ang tattoo nila dahil gangster pala sila" sabi ni Thun

"Anong pangalan ng grupo nila?"

"Black Wise" sagot ni One

"Lahat ng miyembro ng Black Wise ay may palatandaan nitong tattoo sa kanang kamay" sabi ni Two

"Wala kayong tattoo nito di ba?"

"Wala" sagot ni Two

"Hindi namin ginusto ang sumali sa kanila" sabi ni One

"Lumayo na kayo sa kanila, huwag na kayo magpakita"

"Mahirap na baka patayin nila kayo dahil may nagbigay sa 'min ng impormasyon"

Inabot ko sa kanila ang address ang bagong matitirhan nila, agad naman ito tinanggap ni One.

"Iyan ang bago ninyo bahay"

"Diyan kayo tumira, umalis na kayo dito"

"May mga kanya-kanya kaming pamilya" sabi ni Two

"Huwag kayong mag-alala malaki ang bahay na 'yan, hindi sa 'kin ang bahay na 'yan pero alam ng may ari na kayo ang titira"

"Malayo ang bahay sa kalsada at iilan lang din ang mga kapitbahay ninyo"

"Mababait ang mga tao diyan"

"May mga tauhan ako na magbabantay sa inyo"

"Salamat Alice" sabi ni One

"Umalis na kayo ngayon na"

"Hindi pa huli ang lahat para magbago"

Ngumiti naman ako sa kanila at maglakad na kami papalayo sa kanila.

"Naniniwala ka sa sinasabi nila?" Tanong ni Thun

"Oo"

Na makalabas sa mall ay sumakay na rin kami sa loob ng kotse at pinaandar na ito ni Thun.

"May tumatawag pindutin mo Alice"

Pinundot ko naman ang sinasabi niya.

"May nakuha na kaming impormasyon kay Eileen" sabi ni A

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon