Timeline: 2024
Alice POV
Kailan kaya ako makakatakas dito? Nahanap na kaya ni Thun ang anak namin?
Kailangan ko ng cellphone para malaman kung anong balita sa paghahanap sa triplets.
"Papakainin na namin 'yong bihag Boss"
Hindi na sumagot ang Boss at pumasok ang dalawang lalaki sa kwarto ko kung saan ako nakakulong at naka-kadena. Nilapag ng isa ang dalang pagkain sa aking harap.
"Kumain ka na"
"Kailan ko ba makikita ang pinaka-boss ninyo?" Tanong ko sa kanila
"Naiinip ka na ba? Konting hintay na lang makikita mo na rin siya" sabi ng pangalawa
Nagsimula na ako kumain habang ang isang lalaki ay nakatingin sa 'kin at ang pangalawa ay nakatalikod at may kausap sa cellphone.
Napansin ko na may cellphone siya sa sout niyang coat.
Tumalikod siya sa 'kin, nilabas ang kanyang wallet at nagbibilang ng pera.
Dahan-dahan akong tumayo at pinulupot ko sa leeg niya ang kadena na naka-tali sa aking kamay.
"Subukan mo mag-ingay, masasakal kita gamit ang kadenang 'to"
"Ibigay mo sa 'kin ang cellphone mo"
"Bilis"
Kinuha niya ang cellphone sa loob ng coat niya at dahan-dahan niya ito inabot sa 'kin na kukunin ko na ay agad niya ako malakas na inapakan sa paa.
"Shit" mura ko at agad ko hinawakan ang aking paa
Inalis niya ang kadena sa kanyang leeg at tinulak ako na malakas upang mapa-upo ako sa sahig.
"Anong ginawa sa 'yo?" Tanong ng pangalawang lalaki sa kasamahan niya
"Sasakalin niya ako gamit ang kadena kung hindi ko ibibigay sa kanya ang cellphone"
"Bago ko ibigay ang cellphone ay inapakan ko ang kanyang paa"
"Kailangan malaman 'to ni Boss" sabi ng pangalawang lalaki
Lumabas ang pangalawang lalaki at naiwan sa aking harap ang unang lalaki.
"Ang malas mo gagawa ka na nga lang ng hakbang para kumuha ng cellphone, pinili mo pa ngayon araw na nandito si Boss"
"Ano kayang gagawin ni Boss sa 'yo?"
"Paniguradong papahirapan ka na naman" sabi niya with matching iling
Pumasok ang lalaking lumabas kanina kasama ang Boss nila.
"Tanggalin siya ng kadena at dalhin sa field" utos ng Boss nila bago lumabas ng pinto
Gaya nga nag-utos ng Boss nila ay tinanggal ang kadena sa aking paa at kamay. Na una ako maglakad at silang dalawa ay nakasunod sa 'kin.
Hindi na ako tumingin sa paligid dahil nararamdaman ko na madaming mata ang nakatingin sa 'kin.
"Bilis-bilisan mo ang paglalakad" tulak sa 'kin ng unang lalaki
Na makarating kami sa field ay doon ko nakita ang isang isang truck 'yong nagdadala ng lupa.
"Itali niyo na 'yan" utos ng Boss nila as ibang tauhan
Umalis 'yong dalawang lalaki sa tabi ko at lumapit ang dalawang lalaki sa 'kin na may dalang tali. Pinag-dikit nila ang dalawang palad ko at 'yon ang tinali. Hinila nila ang tali papunta sa truck ang tanggi ko na lang nagawa ay sumunod.
Na makalapit kami sa truck ay 'yong nakatali sa kamay ko ay tinali nila sa likod ng truck.
Sana mali ang iniisip ko.
Sumakay ang dalawang lalaki sa truck. Tumingin ako sa Boss nila na ngayon ay nakangiti.
Sisiguraduhin ko kapag nakatakas ako dito sa imperyong 'to, iisa-isahin ko kayong lahat at ako mismo ang magpapakita sa pinaka-Boss nila.
"Paandarin na 'yan" sigaw ng Boss nila
Pinaandar na nila ang makina.
Tumingala ako sa ulap at pumikit.
Kayo na po ang bahala sa 'kin.
Broommmmm
"Takbo Alice Takbo" sigaw ng Boss nila
Pabilis ng pabilis ang pagmamaneho nila halos madapa-dapa ako sa lupa.
"Takbo"
"Bilisan ninyo ang pagmamaneho"
"Mayabang ka 'yan ang bagay sa 'yo"
Umabot sa isang oras ang pagpapahirap sa 'kin.
Imbes na alalayin nila ako papunta sa aking kwarto dahil masakit at may sugat ang aking paa. Halos hindi ko siya mailapat sa sahig upang maglakad. Dahil wala silang balak alalayin ako ay ang ginawa ko ay ang gumapang sa sahig papunta sa aking kwarto.
Na makarating ay dumiretso ako sa kama upang doon umupo, tinaas ko ang aking binti sa ibabaw ng kama.
Ang dalawang lalaki na nag-alis ng kadena sa 'kin sila din ang nagkadena ulit sa 'kin kamay at paa.
May inabot ang lalaki na nasa pinto at agad ito tinanggap ng pangalawang lalaki. Nilapag ng pangalawang lalaki ang inabot ng lalaki kanina sa may pinto.
Isang plastic cup na ang laman ay tubig.
Na makadena ako ay lumabas na sila pareho sa kwarto.
Dito na ako nagsimula linisin ang aking sarili.
Wala silang binigay kahit cotton at betadine para sa aking sugat ang binigay lang nila ay isang basong tubig.
Ang ginawa ko muna ang uminom ako ng konti pagkatapos ay pumunit ako sa laylayan ng damit ko. Binasa sa tubig bago ipahid sa mga sugat at gasgas sa aking paa, legs at tuhod.
Ang suot kong pantalon ay butas-butas na rin.
Ano ba ang ginawa kong kasalanan? Bakit pinapahirapan ako ng ganito?Masama ba akong tao para pahirapan?
Na matapos linisin ang sugat ko ay kumuha ulit ako ng bagong tela sa laylayan ng aking damit, binasa 'to at pinunas sa aking mukha.
"Paano ako makikibalita sa kanila? Kung wala akong nakuhang cellphone"
Tinapos ko na ang paglinis sa aking mukha, inayos ang aking dalawang binti at humiga sa kama.
Tatlong taon na ako nakakulong dito, kailangan ko mag-isip kung paano ako makakaalis sa lugar na 'to.
Sa tatlong taon ko na nandito ay panay pagpapahirap ang ginawa sa 'kin minsan ay pinapalo ako ng makakapal na kahoy, latigo, at sinturon.
Minsan ay bihira lang din ako nakakain sa isang araw ay isang beses, minsan naman ay isang araw ay dalawang beses pero panis ang binibigay sa 'kin. Kadalasan ay tatlong araw ako hindi nakakain.
Kulang rin ako sa tulog, lalong-lalo na sa hating gabi doon kasi sila ng videoke at talagang sumisigaw sila habang kumakanta.
Kapag umuulan ay nilalabas ako dito at sa labas ako tinatali kung saan walang silungan. Kapag nilalagnat ako ay hindi man lang nila ako binibigyan ng gamot na bagong damit upang magpalit o di kaya kapayapaan katahimikan.
"Makakaya ko ang lahat na 'to"
"Kakayanin ko at makakalabas ako dito"
"Gagawa ako ng paraan para lang makita ko ang mga anak ko"
BINABASA MO ANG
Mafia Prince and I
Aksi[Under Revision] J. B. S. A. E Series #4 Alice Cortez gusto ng simpleng buhay katulad ng mga kaibigan niya, ngunit kahit gusto niya ay hindi niya makakalimutan ang mga bagay na kinagisnan niya. Simpleng buhay ang hangad niya. Mamumuhay kaya siya n...