Chapter. 34

177 9 0
                                    

Alice POV

Na alipungatan ako ng gising dahil naramdaman ko na may nag-bukas ng pinto.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Tamang-tama itong dala ko na mainit na mami"

"Kumain ka muna Alice"

"Salamat Ellaine" sabi ko

Hinipan ko muna bago mag-umpisa kumain.

"Nakakatuwa lang na dati ay ako ang dinadalhan mo ng pagkain ngayon ay ikaw na ang dinadalhan ko"

Napangiti naman ako na maalala 'yon.

"Tatawagin ko muna si Thun"

Tumango ako bilang sagot.

Pinagpatuloy ko na ang pagkain. Ilang segundo ay natapos na ako sa pagkain at naka-inom na rin ako ng tubig.

Nandito na rin sina Thun at Ellaine.

"Masakit pa ba ang sugat mo? Tombs"

"Hindi na masyado" sagot ko

"Kukunin ko na 'yong pinagkainan mo Alice" sabi ni Ellaine at kinuha ang pinagkainan ko

"Salamat"

"Maiwan ko na kayo" paalam ni Ellaine

"Sige"

Hindi man lang iniisip ni Thun na pag-buksan ng pinto si Ellaine.

"Buksan mo ang pinto Baks, lalabas si Ellaine"

Binuksan ni Thun ang pinto at agad naman lumabas si Ellaine. Sinarado na rin ni Thun ang pinto.

"Parang ang dami ninyong ginagawa ah!"

"Pinapaayos ko na 'yong mga nasirang gamit natin" sabi niya

"Pinapaltan ninyo?"

"Oo, pinatingin ko kay Ninong Van ang kondisyon ninyo ni Baby. Okay naman daw ang kalagayan ninyo" sabi ni Thun

"Nasaan ang triplets?" Tanong ko

"Pina-sundo ko muna sila kina Trevor at Travis, doon muna sila sa bahay nila Dad"

Umupo si Thun sa gilid ng kama.

"Wala bang halik diyan?"

"Hindi pa ako nag-toothbrush" sabi ko

"Ayos lang ka..."

Hindi natapos ang sasabihin niya na hilahin ko ang batok niya at hinalikan ko siya.

Halatang napangiti siya sa ginawa ko.

Tumagal ang halikan namin dalawa.

Cringgg

"Istorbo" sabi ni Thun

Agad namin lumayo si Thun sa 'kin.

Kinuha niya sa ibabaw ng table ang cellphone at binigay niya sa 'kin.

"Si Mom"

Sinagot ko ang tawag niya sa 'kin.

Bold (ako) Italic (Mom)

"Mom"

"Kamusta ka na? Nabalitaan namin nabaril ka"

"Ayos lang ako Mom"

"Anak, Gusto ka makausap ng triplets"

"Mom" sabi ni Liza

"Kamusta na po kayo Mom?" Tanong ni Thom

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon