Epilogue

338 8 0
                                    

Alice POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko.

Dalawang linggo na walang paramdam sa 'kin si Thun.

Tinawagan ko si A kanina pero wala naman daw silang inaasikaso.

Saan naman kaya pumunta 'yon?

Umalis sina Mom at Dad kasama ang triplets may pupuntahan lang daw sila.

Mga katulong lang ang kasama ko dito sa bahay.

Tok tok tok

"Pasok" sabi ko habang nakatingin sa salamin

"Ang lungkot mo Alice"

Tumingin ako sa nagsalita, nakita ko sina Jane at Ellaine.

"Bakit nandito kayo?"

"Ayaw ko tumanggap ng bisita"

"Lalabas na kami, sayang sasabihin ko sana sa 'yo na nakita namin si Thun" sabi ni Jane

Hindi natuloy ang paglabas nila sa kwarto na magsalita ako.

"Saan?"

"Tingan mo 'to, interesado din" sabi ni Jane

"Sabihin mo na nga"

"Huwag mainit ulo mo, Nakita namin si Thun sa Cebu may kasamang babae" sabi ni Jane

"Sa Cebu? Anong ginagawa niya doon?" Takang tanong ko

"Bakit mo sa 'kin tinatanong Alice? Syempre hindi ko alam"

"Day-off kasi ni Ellaine kaya niyaya ko siya na pumunta kami sa Cebu para gumala"

"Kaya lang nagulat kami na makita si Thun na may kasamang babae"

"Bakit naman ako maniniwala sa 'yo Jane?" Tanong ko

"Mukhang ba akong sinungaling?"

"Oo" sagot ko

"Bakit hindi mo itanong kay Ellaine na nag-sasabi ako ng totoo?" Sabi ni Jane

"Totoo ba Ellaine?" Tanong ko

"Totoo 'yong sinasabi ni Jane" sabi ni Ellaine

"Ano pa hinihintay mo Alice? Sugurin na natin si Thun niloloko ka niya" sabi ni Jane

"Huwag mong hayaan na sinasaktan ka niya" sabi ni Ellaine

"Tatawagan ko na lang siya"

"Para ano? Tatanungin mo siya kung may kasama siyang babae? Syempre tatanggi 'yon" sabi ni Jane

"Mas maganda kung puntahan natin siya sa Cebu" sabi ni Ellaine

"Baka hanapin ako nina Mom"

"Ite-text ko na lang sila na kasama ka namin" sabi ni Jane

Inalalayan ako nina Jane at Ellaine na tumayo. Kumuha ako sa kabinet ng susuotin.

"Lumabas na kayo, magbibihis ako"

Lumabas na sila ng kwarto at agad naman ako nagbihis.

Mabuti na lang tapos na ako maligo kanina pa.

Na matapos mag-ayos ay kinuha ko ang aking pouch na naglalaman ng cellphone, powder, money at comb bago lumabas ng kwarto.

Naabutan ko sina Jane at Ellaine na hinihintay ako lumabas.

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon