WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS.
Alice POV
"Mommy, wake up na po"
"Mommy"
"Mommy"
Kahit na naririnig ko ang boses ni Liza ay hindi ko minulat ang aking mata.
"Liza" sabi ni Thom
"Kuya" sabi ni Liza
"Ang bilin ni Dad ay huwag gigisingin si Mom"
Kaya pala ang haba ng tulog ko.
"Pero Kuya, gusto po ko kasi ng cookies" sabi ni Liza
"Magpaluto kay kina Tita at Tito"
"Hindi po masarap ang cookies nila Kuya lasang sunog" sabi ni Liza
"Si Dad na lang ang mag-luluto" sabi ni Thom
"Hindi rin po marunong si Dad, dati pinapanood ko po si Dad na magbake ng cookies kita ko po sa kanya na naiinis siya kaya sumuko na si Dad sa pagbe-bake" sabi ni Liza
"Mom" sabi ni Thom
Tumingin naman silang dalawa sa 'kin.
"Ako na magbe-bake ng cookies"
Umupo ako sa kama at tinakpan ang aking katawan.
"Kumain na ba kayo?"
"Kumain na po kami ng umagahan" sagot ni Liza
"Sige na, lumabas na kayo ng kwarto"
Nauna lumabas si Liza lalabas na sana si Thom na tinawag ko siya.
"Thom"
"Nasaan ang Kuya mo?"
"Tinuturuan po kami nina Dad at Mamito lumaban" sabi ni Thom
May mababatukan ako mamaya.
"Sabihin mo sa kanila na magpahinga"
"Sasabihin ko po Mom" sabi ni Thom at lumabas na ng kwarto
Tumayo at pumunta na ako sa loob ng C. R para maglinis ng katawan at magsepilyo. Na matapos ay binalot ko ang aking katawan ng roba bago lumabas ng C. R.
Nakita ko si Thun na nakaupo sa kama. Na makita ako ay agad siyang tumayo.
"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko
Pumunta naman ako sa harap ng kabinet para kumuha ng susuotin.
Naramdaman ko na niyakap ako ni Thun sa likod.
"Ang sabi ni Thom ay gising ka na raw"
"Halatang pinagod kita kagabi"
"Manahimik ka" sabi ko at patuloy lang sa pagkuha ng damit
"Bakit totoo naman ang sinabi ko?"
Na makapili ay nilagay ko ito sa upuan.
Humarap naman ako kay Thun.
"Tangalin mo na ang kamay mo magbibihis ako"
"Gusto mo ba ako ang magbihis sa 'yo?" Ngiting sabi ni Thun
"Huwag mong ubusin ang pasensya ko umagang-umaga ha!"
"Tanghaling tapat na, Tombs" mas lalo niyang hinapit ang bewang ko
BINABASA MO ANG
Mafia Prince and I
Action[Under Revision] J. B. S. A. E Series #4 Alice Cortez gusto ng simpleng buhay katulad ng mga kaibigan niya, ngunit kahit gusto niya ay hindi niya makakalimutan ang mga bagay na kinagisnan niya. Simpleng buhay ang hangad niya. Mamumuhay kaya siya n...