Chapter. 31

171 5 0
                                    

Thunder POV

Nandito na kami nina Thom at Liza sa bahay nila Dad.

Pagdating namin dito ay sina Alice at Tren agad ang hinanap ko.

Nagsinungaling si Alice na nandito sila pero hindi sila dito pumunta.

"Tumigil ka nga sa kakalakad mo Thun" sabi ni Tobias

"Hindi ako mapakali, hindi niya sinasagot ang tawag at text ko"

Alam kong galit pa rin siya sa 'kin, hindi ko sinasadya nadala lang ako ng galit.

"Alam na ba ninyo kung nasaan sina Alice at Tren?" Alalang tanong ni Tita Phia

"Hindi pa po namin alam kung nasaan sila"

Nandito kami ngayon sa sala habang ang mga bata at ang iba ay nasa garden naglalaro.

Ang nandito lang ay sina Jane, Reign, Cloudy, AC, Stella, Belle, Raf, Kuya Tobias, Ate Tristina, Mom, Dad, Tita Phia at Tito Ryker.

"Hindi rin sinasagot ni Alice ang tawag at wala rin siyang reply sa 'kin" sabi ni Stella

"Bakit nga ba hindi na lang kayo nagsabay pumunta dito?" Tanong ni Tito Ryker

Dumating sina Trevor at Travis galing sa second floor.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanila Kuya kung ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Ate Alice?" Sabi ni Trevor

Hindi umupo si Trevor sa sofa habang si Travis ay umupo katabi ni Dad.

"Anong ibig mong sabihin Trevor?" Takang tanong ni Belle

"Nag-away sina Ate Alice at Kuya"

"Sinaktan mo si Ate Alice, Kuya"

"Hindi lang isang beses kung hindi dalawang beses"

"Huwag ninyo na lang hanapin si Ate Alice dahil nandoon sila ni Tren sa mga tauhan niya"

"Gusto ni Ate Alice na makalimot sa ginawa ni Kuya kahit sandali lang daw"

Tumayo si Cloudy at agad niya akong sinapak. Mabilis kami inawat nina Raf at AC.

Hindi muna nagsalita si Trevor.

"Hindi ko sinasaktan si Alice tapos sasaktan mo siya" sabi ni Cloudy

"Kung makapag-salita parang hindi mo rin siya sinaktan"

"Oo inaamin ko sinaktan ko rin siya, pero hindi physical" sabi ni Cloudy

"Huwag kang mag-malinis dito parehas lang tayo na sinaktan siya" sabi ko

"Mahal mo si Ate Alice, hindi ba Kuya? Pero bakit mo siya sinaktan?"

Napatingin naman kami kay Trevor na magsalita siya.

"Hindi porket mahal mo siya at mahal ka niya ay sasaktan mo na siya"

"May sariling desisyon si Ate Alice, kaya huwag mo siyang pigilan at diktahin kung ano ang gagawin niya"

"Hayaan mo gawin niya kung ano ang mga gusto niya"

"Kuya, alam natin na hindi naging maganda ang buhay niya nitong mga nakaraang taon"

"Sinasaktan at pinapahirapan siya ng mga taong kumuha sa kanya. Sana huwag mo rin 'yon gawin"

"Mahal ka ni Ate Alice"

"Hindi ba dapat masaya ka? Dahil 'yong matagal mo na gustong mangyari ay natupad"

"May mga anak na rin kayo ni Ate"

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon