Alice POV
Pumasok ako dating kwarto na ngayon ay kwarto ni Liza.
Nandon sina Tren, Thom at Liza na naglalaro.
"Mom"
Huminto sila sa paglalaro at ako naman ay umupo sa ibabaw ng sofa.
"May ipapaki-usap sana si Mom sa inyo"
"Ano po 'yon Mom?" Tanong ni Thom
"Tabi-tabi tayo matulog mamaya"
"Katabi ang Dad ninyo"
"Gusto ko po 'yon Mom" sabi ni Liza
"Makakaasa ba ako na tatabi kayo sa 'min ng Dad ninyo?"
"Opo" sagot nila
Napangiti naman ako.
Akala mo makakatabi mo na ako sa iisang kami pwes nagkakamali ka.
"Mabuti kung ganoon"
"Malapit na ang kaarawan ninyo, anong gusto ninyo?"
"Gusto ko po na kumpleto tayo, nandito ang parents ni Dad pati parents ninyo Mom. Ganoon din po ang kaibigan ninyo ni Dad" tuwang sabi ni Liza
Ang tanging ginawa ko na lang ay ngumiti.
"Triplets"
Sabay kaming lumingon sa nagsalita na makita ako ni A ay agad naman niya akong binati.
"Oh! Alice"
"Nasa baba ang mga magulang ni Prince"
"Sina Mamita" sabi ni Liza
Lumabas na kami ng kwarto at pumunta nasa sala. Nakaupo silang lahat sa sofa gayundin si Thun.
"Mamita at Mamito" yakap ni Liza sa kayang Lola at Lolo
Na makita nila sina Tren at Thom.
"Ang laki ng pagkakahawig ninyo" sabi ni Tita Tristine
"Alice" sabi ni Tito Thatcher
Ngumiti na lamang ako sa kanila.
"Magpakilala kayo sa kanila" sabi ko
"Ako si Chandler Trent"
"Ako si Chandler Thomas"
"Sino sa kanila ang unang lumabas?" Tanong ni Tita
"Si Tren, pangalawa si Thom at pang-huli si Liza"
"Ikinagagalak namin na makita ka ulit Alice" sabi ni Tito
"Ganoon din ako"
"Mga apo" sabi ni Tita
Tumingin muna sila Tren at Thom sa 'kin, tumango naman ako bilang sagot.
Agad naman niyakap ni Tita at Tito silang dalawa.
"Magpakilala kayo kina Alice, Tren at Thom" utos ni Tito sa kanyang anak
"Ako ang panganay Tobias Lopez ang aking pangalan, ito ang aking magandang asawa na si Adriana at nag-iisang anak namin na si Tellivias"
May kamukha siya, parang kamukha ni A.
"Ako ang pangalawa Tristina De Guzman ang pangalan ko, ang aking asawa ay Zennois at ang anak namin na si Train"
BINABASA MO ANG
Mafia Prince and I
Action[Under Revision] J. B. S. A. E Series #4 Alice Cortez gusto ng simpleng buhay katulad ng mga kaibigan niya, ngunit kahit gusto niya ay hindi niya makakalimutan ang mga bagay na kinagisnan niya. Simpleng buhay ang hangad niya. Mamumuhay kaya siya n...