Alice POV
"Ano pong pag-uusapan natin Mom?"
Nandito kami ngayon sa study room at magkatapat na naka-upo sa sofa.
"Nabanggit kasi sa 'kin ni Thom na tinuturuan kayo ng Dad at Lolo ninyo lumaban"
"Bakit ka pumayag na turuan kayo?"
"Ako po ang unang pumayag" sabi niya
"Bakit nga? Dahil ba ito sa pinag-usapan natin?"
"Sana ay hindi 'yon ang dahilan"
"Gusto ko po katulad ninyo Mom" sabi ni Tren
"Hindi, Hindi pwede" sabi ko
"Bakit po? Dahil po ba wala kayong tiwala sa kakayahan ko?"
"Mom gusto ko po paglaki ko, kayo naman po ang po-protektahan ko kayo ni Dad pati ng mga kapatid ko at mga nangangailangan ng tulong"
"Alam po ko na hindi madali 'yon pero gusto ko po 'yon Mom"
"Mom, please sana po payagan ninyo ako"
"Kung sakaling pumapayag po kayo"
Hinawakan ni Tren ang dalawang kamay ko.
"Nandito naman kayo sa tabi ko at hinding-hindi ninyo ako iiwan"
"Paano..paano kung wala na ako?" Sabi ko
"Nandito po kayo sa puso at isipan ko, mga alaala na kailanman hindi po mawawala"
"Mom, magtiwala po kayo sa 'kin"
Alam kong dadating ang panahon na mawawala ako dito sa mundong 'to at hanggang maaga ay mapasa ko ang tungkulin na 'to.
"Pumapayag na ako"
"Mom" sabi ni Tren
"Makinig kang mabuti sa 'kin Tren hindi biro ang tungkulin ko, hindi laro na kung kailan mo lang gusto ay gagawin mo pero kapag ayaw mo na ay titigilan mo na"
"Seryoso ang tungkulin 'to, sobrang bigat na kailangan mo gampanan ng maayos at mabuti"
"Kung sakaling pumasa ka sa tungkulin na 'yon, wala kang pagsasabihan kahit kanino tungkol sa tungkulin mo"
"Ako lang ang makakaalam sa tungkulin mo ganoon din ang mga tauhan mo"
"Hindi mo kailangan ipagmalaki sa iba kung gaano ka kalakas"
"Kailangan mo maging matalino at mabilis mag-isip lalo na't sa pagpa-plano ng gagawin"
"Siguraduhin mo na magiging success ang plano ninyo"
"May mga sarili rin po ba akong tauhan?" Tanong ni Tren
"Oo, 'yong mga anak ng mga tauhan ko"
"Tandaan mo ang sinabi ko ah!"
"Opo, lagi ko pong tatandaan" sabi ni Tren
"Simula bukas ay tuturuan kita sa pakikipag-laban"
Ngumiti naman si Tren at lumabas na kami sa study room.
"Yaya Flops, nasaan po sila Dad?"
"Naglalangoy sila sa pool, Senyorito" sagot ni Yaya Flops
Pumunta kami sa pool at doon namin nakita silang lahat.
Sina Joana, Tellivias, Train, Zennios, Tita Tristine, Tito Tatcher, Liza at Thom ay nasa pool habang ang iba ay nasa upuan at kumakain.

BINABASA MO ANG
Mafia Prince and I
Acción[Under Revision] J. B. S. A. E Series #4 Alice Cortez gusto ng simpleng buhay katulad ng mga kaibigan niya, ngunit kahit gusto niya ay hindi niya makakalimutan ang mga bagay na kinagisnan niya. Simpleng buhay ang hangad niya. Mamumuhay kaya siya n...