Chapter. 20

202 7 0
                                    

Alice POV

Na matapos kumain ay napag-usapan na rin ang tungkol sa kaarawan ng triplets. Pagkatapos ay pumunta na sila sa kanyang-kanyang kwarto para magpahinga.

Nakapag-usap na rin kami ng mga tauhan ni Thun para malaman ko kung ano ang plano nila.

Hindi nila nakalimutan kung kailan dapat ipasabog.

Gaya ng sinabi ng tauhan ko ay nasa kahon daw ang switch kung saan naka-kontektado ang lahat ng bomba sa mga negosyo ni Denier. Ganoon din ang ginawa ng mga tauhan ni Thun nasa akin rin ang switch na para kay Eileen.

Nandito ako ngayon sa harap ng kwarto ni Tren dahil alam kong nagbabasa siya ng libro.

Agad naman akong pumasok, tama ang aking hinala. Nakita ko na meroong libro nasa harap niya.

"Pwede ba tayo mag-usap?"

Nilagyan ni Tren ng book mark ang libro na binabasa niya bago isarado. Ni-lock ko ang pinto at umupo sa ibabaw ng kama niya.

"Mangako ko sa 'kin na hindi mo ipagsasabi kahit kanino ang anumang sasabihin ko sa 'yo"

Tumango naman siya bilang sagot.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

"Kahit sino ay walang nakakaalam dito bukod lang sa mga tauhan ko"

"Mangako ka sa 'kin, anak"

"Pangako po Mom" sabi ni Tren

Nagsimula na ako mag-kwento kay Tren.

Ilang minuto ay natapos din ang aming pag-uusap ngayon ay papunta na kami sa kwarto namin ni Thun.

Naabutan ko na nandito nakahiga sina Thom at Liza.

"Ganito ang pwesto, dito kami ng Dad ninyo sa gilid ako sa kaliwa habang ang Dad ninyo ay sa kanan"

"Katabi ko si Tren, katabi ni Thun si Thom at gitna si Liza"

"Gusto ko po 'yon Mom" tuwang sabi ni Liza

Humiga naman kami sa pwesto namin, nakatagilid ako at niyakap silang tatlo.

"Matulog na kayo"

"Nasaan po si Dad? Mom" tanong ni Liza

"Hindi ko alam sa kanya"

"Galit po ba kayo kay Dad?" Tanong ni Thom

"Hindi, bakit naman ako magagalit sa kanya?"

"Matulog na lamang kayo"

"Alice"

Pumasok si Thun at napatulala na makita niya ang triplets.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Dito po kami matutulog" sagot ni Tren

"Bakit dito? May sarili naman kayong kwarto" takang tanong ni Thun

"Gusto po namin dito matulog tsaka Dad para masaya na tabi-tabi tayo" sabi ni Thom

Napansin ni Thun na nakangiti ako.

Humiga na rin si Thun sa gilid at niyakap din ang triplets agad ko naman tinagal ang pagyakap sa triplets na maramdaman ko na ipinatog ni Thun ang kanyang kamay sa kamay ko.

"Good night po Mom at Dad" sabay nilang sabi

"Good night"

Mahimbing natutulog ang triplets pati si Thun habang ako naman ay hindi makatulog.

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon